KABANATA X

269 6 1
                                    

Families are made in the heart. The only time family becomes null is when those ties in the heart are cut. If you cut those ties, those people are not your familyIf you make those ties, those people are you families. And if you hate those ties, those people will still be your family because whatever you hate will always be with you.

—C. JoyBell C.

"Nakakahiya ka! Hindi ka ba nag-iisip Alina? Nagpa-buntis ka ng hindi ka pa naikakasal at sa hindi mo pa nobyo!" Dumagundong sa buong mansyon ng Cojuangco ang boses ng padre de pamilyang si Julio Cojuangco.

Sa sobrang galit at kahihiyang nararamdaman ay hindi na nito napigilang pag-buhatan ng kamay ang panganay na anak nang malamang buntis ito.

Iyon ang naabutan ni Adriana nang makapasok siya sa loob ng mansyon. "Ate!" Sigaw niya at agad dinaluhan ang nakatatandang kapatid. Hikbi lang ang naririnig niya mula dito nang yakapin niya si Alina.

Nilingon ni Adriana ang amang ni-minsan ay hindi niya pa nakitang magalit sa kaniya ng ganito kalala. Punung-puno ng disgusto ang mga mata nitong naka-tingin sa kaniyang kapatid habang pilit pinipigilan ito ng kaniyang ina.

"Pa, ano ba? Tumigil na po kayo." Matapang na saad ni Adriana nang makitang nagpupumiglas ito sa kapit ng kaniyang ina para saktan muli ang kapatid.

"Lumayo ka diyan Adriana! Huwag kang lumapit sa kapatid mong disgrasyada at baka mahawa ka! Wala kang utang na loob!" Sigaw ni Julio habang dinuduro ang umiiyak na si Alina. "Pa, patawarin niyo po ako." Paulit-ulit na sambit ni Alina sa pagitan ng mga hikbi.

"Julio, tumigil ka na! Anak mo parin si Alina! Apo natin ang dala-dala niya!" Sagot ng asawa nitong si Esmeralda at humarang sa harapan ng kanilang ama.

"Wala akong anak na kahihiyan! Ano na lang ang sasabihin sa atin ng mga tao?! Kung sana inisip mo ang pinag-gagagawa mo Alina Cojuangco! Hindi ka na natuto! Kahihiyan lang ang dala mo sa pamilya natin!"

Until My Next Lifetime With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon