KABANATA VIII

270 5 0
                                    

I'm in love with you, and I'm not in the business of denying myself the simple pleasure of saying true things. I'm in love with you, and I know that love is just a shout in the void, and that oblivion is inevitable, and that we're all doomed, and that there will come a time when all our labor has been turned to dust and I know the sun will swallow the earth we'll ever have, and I'm in love with you.

—John Green, The Fault in Our Stars

"Kairon! Kairon!" Napa-lingon si Kairon nang marinig ang pamilyar na boses ng pinakamagandang babae sa paningin niya. "Uy Adriana, ikaw pala." Bati niya dito.

Kagaya ng dati sa tuwing makikita niya ito'y palaging may nakapaskil na magagandang ngiti sa labi nito. "Tingnan mo oh, pasado ako sa exam namin kanina." Ani Adriana at ipinakita ang papel ng naging pag-susulit niya. Isang ngiti ang ibinigay ni Kairon sa kaniya bago sumagot. "Ang galing naman."

"Dahil sa'yo kaya nagawa ko 'to. Ang galing ng teacher ko eh." Saad ni Adriana sa kaniya. Pabiro namang ginulo ni Kairon ang buhok ng dalaga. "Nang-bola ka pa. Kaya mo nakuha 'yan, kasi nag-sikap kang mag-aral." Sagot ni Kairon at hinawakan ang kamay niya patungo sa cafeteria.

"Halika, libre kita. Premyo 'ko sa'yo dahil mataas ang score mo." Aya ni Kairon.

Mas lalong napa-ngiti si Adriana at sabay na silang nag-lakad papunta sa cafeteria.

Nasa library si Kairon at Adriana para mag-aral kagaya ng nakagawian. Hindi na masyadong nagpapa-turo si Adriana sa mga lektura dahil kahit mag-isa ay naiintindihan niya na ito, pero hiniling parin ni Adriana na sabay silang mag-aral kahit mag-kaiba ang kanilang mga asignatura.

Agad namang pumayag si Kairon dahil isa rin itong paraan para palaging makasama ang dalaga. Alam niyang unti-unti na siyang nahuhulog sa babaeng ito at kahit anong pigil niya ay parang naging hakbang lang iyon para mas mahalin niya ang bunso ng mga Cojuangco.

"Hmm, pahinga muna tayo." Naka-ngusong usal ni Adriana sa kaniya at isinara ang binabasang notebook. At bilang alipin ng puso para sa nararamdaman sa dalaga, sumang-ayon siya sa kagustuhan ng minamahal.

"Anong gusto mong gawin? Nagugutom ka ba?" Nag-aalalang tanong niya sa babae na ginantihan lamang nito ng isang matamis na iling at iling.

Until My Next Lifetime With YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora