KABANATA IX

254 4 0
                                    

Love is that condition in which the happiness of another person is essential to your own.

—Robert A. Heinlein, A Stranger in a Strange Land

Agad nag-mulat ng mata si Adeline mula sa isang panaginip. Dama niya ang hapdi sa mga mata kaya't nang hawakan niya ito'y hindi na siya nabigla nang makitang muli siyang lumuluha.

Hindi kagaya ng dati ay malinaw niyang na-aalala ang mukha ng taong nasa panaginip. Ngunit ang mga pangyayari'y parang isang pira-pirasong larawang hindi mabuo.

"Alam mo ba sabi ng Lola ko, sa sobrang ikli ng buhay, hindi sapat ang isang buong buhay para magawa natin lahat ng gusto natin. Dapat daw kapag may bagay na alam mong magpapasaya sa'yo, gawin mo na, para hindi mo pag-sisihan."

Na-abala siya mula sa pag-alala nang marinig ang tunog ng cellphone niya sa lamesitang nasa gilid ng kaniyang kama.

Daddy calling...

"Hello, dy?" Bungad niya habang pinupunasan ang mga bakas ng luha sa kaniyang pisngi.

[Adel, kumusta ka 'nak?] Bungad ng ama sa kabilang linya.

"Okay lang po ako Daddy, napa-tawag po kayo?"

[Namiss kita anak, hindi kita nakausap kahapon. Nagising ba 'kita?]

"Hindi po daddy, sakto lang po ang tawag niyo. Kayo po? Kumusta po kayo diyan ni mommy?"

Narinig niya ang pag-galaw ng ama sa kabilang linya, marahil ay nasa kama ito. [Tulog pa ang mommy mo anak, siya naman ang tulog ngayon.] Nahihimigan ni Adeline na naka-ngiti ang ama kaya't pati siya'y napa-ngiti na din.

Nag-kwentuhan sila ng kaniyang ama habang nag-hahanda siya sa pag-pasok. Hiniling naman ng amang si Alejandro sa kaniya na mag-video call sila para makita siya nito habang nag-aagahan.

[Alagaan mo ang sarili mo anak ha?] Saad ng kaniyang ama. Isang matamis na ngiti ang ipinakita ni Adeline sa ama. "Syempre daddy, para po sa inyong dalawa ni mommy. Para hindi po kayo nag-aalala." Sagot niya.

[Ang bait talaga ng anak ko, kaya ikaw ang paborito 'ko eh.] Pabiro namang umirap si Adeline at sumagot. "Daddy, ako lang naman po kasi talaga ang anak niyo." Isang mahinang tawa naman ang pinakawalan ni Alejandro sa anak.

[Sige na anak, tuloy mo na 'yang pagkain mo. Ingat ka sa pag-pasok mamaya ha? Tatabihan ko lang 'ulit ang mommy mo.] Paalam ng ama.

"Sige Daddy, I love you po." Aniya. [I love you too anak.] Sagot ng kaniyang ama. Pinatay na ni Adeline ang tawag at bumalik na sa pagkain.

Nang matapos ay sumilip siya sa bintanang nahaharangan ng blinds. Kahapon, sobrang lakas ng ulan na kinailangan niyang magpa-tugtog ng malakas para hindi marinig ang pag-buhos nito. Medyo naka-hinga siya ng maluwag ng makitang hindi na gaanong makulimlim sa labas, siguro'y bukas makalawa'y sisikat ng muli ang araw.

Until My Next Lifetime With YouWhere stories live. Discover now