KABANATA XX

133 5 0
                                    

"I swear I couldn't love you more than I do right now, and yet I know I will tomorrow."

— Leo Christopher

"Happy Birthday Adriana!" Masayang bati ni Emily sa kaniya na may kasama pang pag-yakap.

"Himala, hindi nagpaparty ngayon sina Tito Julio?" Tanong ni Emily habang pinaiikot ang mata sa paligid ng kaniyang kwarto.

Tipid na ngumiti si Adriana bago sumagot. "Ako mismo ang humiling na ayoko ng enggrandeng handaan."

"Ang bunso ng mga Cojuangco, hindi humiling ng party? Nakakapanibago Adriana ha." Panunukso ni Emily na tinawanan lamang ni Adriana.

"Isa pa, wala rin naman si Ate para samahan kami eh." Mahihimigan ang lungkot sa boses ng dalaga.

"Hindi mo ba hiniling kay Tito Julio na pabalikin na si Ate Alina? Kaarawan mo naman ngayon eh."

Umiling lang si Adriana bago pinahid ang butil ng luhang nagbabadyang pumatak sa kaniyang mga mata.

"Hindi pumayag si Papa. Ayaw niyang makasama si Ate."

Dahil sa narinig ay napayakap si Emily kay Adriana at hinagod ang likod nitong unti-unti ng humihikbi.

"Shh, tahan na Adriana. Maayos din ang di pagkakaunawaan ng Papa at Ate mo."

"S-Sana nga." Iyon na lamang ang tanging hinihiling ni Adriana para sa kaarawan niya.

"Wag ka na nga umiyak! Porket alam mong maganda ka kahit umiiyak ka, sumisige ka naman." Pabirong pagtatahan ng kaibigan sa kaniya na agad niya namang tinawanan.

"Ano ba 'yan, Emily." Saad ni Adriana at nagpunas ng luha. Natatawa na rin siyang tinulungan ng kaibigan.

"Alam mo kaysa magmukmok ka, tara lumabas tayo't mag-celebrate niyang birthday mo." Aya ni Emily at hinila siya patayo.

"Saan mo naman ako dadalhin?"

"Kahit saan basta hindi dito sa apat na sulok ng kwarto mo." Anito at lumabas na sila.

"Good morning Tita Esme! Kakaladkarin ko lang 'tong maganda niyong anak para mamasyal." Palaam ni Emily nang makasalubong nila ang kaniyang ina.

Natawa naman si Esmeralda ngunit tinanguan niya ang mga dalaga. "Sige, basta iuwi mo si Adriana bago mag-alas-sais ng gabi. May kaunti kaming salu-salo mamayang hapunan, sumali ka na rin doon mamaya, Emily."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Until My Next Lifetime With YouWhere stories live. Discover now