Chapter 4

2.2K 50 0
                                    

Jozh POV

Napamulat ako ng may naramdaman akong tumampal sa akinh pisngi. Saktong pagbukas ng mga mata ko ay nakita ko ang isang napakagandang anghel na kaylan man ay hindi ako mauumay kakatingin. Bumangon ako at ngumiti sa kanya.

"Good morning empire" napakunot kaagad ang noo niya.

"Haha anong good morning? Gabi palang kaya"

Gabi? T-teka anong oras na ba? Tiningnan ko ang wrist watch at nagulat pa ako ng makitang 5pm na pala. Kaninang 11am pa ako dito ah? Nakatulog ako kakahintay kay empire? Ngayon lang siya lumabas sa operating room? Naka scrub suit pa kasi siya.

"Kanina ka pa ba nandito?" tanong niya.

"Hindi naman masyado hihi"

"Pasensya ka na, ngayon lang kasi natapos ang operasyon"

"Okay lang" sabi ko sabay tayo.

"Hala sir! Nandito ka pa? Kaninang 11am ka pa nandito ah? Hindi niyo pa po nakakain ang niluto niyo?" biglang sulpot ni Cheppie.

Tss! Nilaglag ako ni cheppie. Nakakahiya tuloy kay Empire. Ngayon ay nakatingin na siya sa dala-dala kong pagkain.

"H-hindi ka pa nakapaglunch?" nanlaki pa ang mata niya na hindi makapaniwala.

"Hindi pa hihi" napakamot ako sa ulo.

"Ayy Doc! Hinintay ka talaga ni sir kasi sabi mo daw po sabay kayong manananghalian" napatingin si Empire kay Cheppie.

"Tapos na ba ang trabaho mo?" seryoso niyang tanong.

"Hindi pa po doc. Hihi sige po aalis na po ako, napadaan lang po kasi ako"

Umalis narin kaagad si Cheppie at binalingan naman ako ni empire. Kinuha niya ang pagkaing dala ko. Napakamot pa siya sa ulo at tiningnan ulit ako.

"Hindi ka pa nakapagtanghalian?" tanong niya ulit at umiling ako bilang sagot.

"Jozh naman! Sana nauna kanang kumain sakin diba? Kahit nangako ako sayo, please naman wag mong pabayaan ang sarili mo para lang sakin"

Napangiti ako sa turan niya. Si empire CONCERN sakin. Nakakagaan ng puso na hanggang ngayon ay nagmamalasakit parin pala siya sakin. Empire wag kang ganyan, mas lalo akong nahuhulog sayo eh.

"Anong nginingiti mo diyan? Ayoko lang naman na ako ang sisihin mo kapag nagkasakit ka. Tsk!"

Tss! Babawiin pa! Yun din naman yun eh! Diba? Diba?

"Sayang tuloy itong pagkain" sabi niya at napatingin pa sa pagkain. Pero feeling ko talaga ay iniiwasan niya lang ang topic eh. Hahaha

"Pwede naman tayong kumain ngayon sa labas eh. Kahit sa malapit na restaurant lang"

"Sa labas? Eh paano itong niluto mo? Nagsasayang ka na ba ngayon ng pagkain jozh?"

Jozh..!

Kailan ko Kaya ulit maririnig ang salitang 'baby' mula sa bibig niya? Tss! I'm working on it.

"Eh kung ayaw mo, pwede din naman sa condo ko. Iinitin nalang natin ang niluto ko para hindi masayang. Yun ay kung okay lang sayo"

"Sa c-condo mo?" nauutal pa niyang sabi.

"Eh diba ayaw mong magsayang ng pagkain? Okay lang din naman sakin na sa bahay niyo nalang"

"Ayy hindi! Sa c-condo mo nalang"

Natatawa talaga ako sa reaksyon niya. Hahaha mukhang siya pa talaga ang nahulog sa sariling pain niya. Hahaha Yan kasi eh, ayaw magsayang ng pagkain. Napilitan tuloy sa condo ko. Wag kang mag-alala empire, wala akong gagawing masama sayo. Ang laki kaya ng respeto ko sayo. Unless kung gusto mong may gawin ako Hahaha.

"Pero wala ka na bang trabaho?"

"Tapos na ang duty ko"

"Ganun ba? Sige halika na" excited kong sabi.

Papuntang condo ay dadalhin pa niya sana ang sasakyan niya. Pero I insisted, ang pangit namang tingnan. Ano yun? Magko-convoy siya sakin? Napilitan tuloy siyang sa sasakyan ko nalang sumakay. Hahaha mapilit ako eh. Dinala lang niya ang backpack niya at sumakay na kaagad.

Pagdating namin sa condo unit ko ay inilibot pa niya ang kanyang mata. Ako naman ay dumiretso na sa kusina para ihanda ang kakainin namin. Uminom muna ako ng tubig at sinundan din kaagad siya sakin.

"Uhmm jozh.. May guest room ka ba dito?"

"Bakit?"

"Makikiligo kasi ako, kung pwede sana"

"Hahaha ano ka ba okay lang. Ayun oh"

Tinuro ko ay guest room at napatingin naman siya dun. Tumango pa siya muna sakin bago siya pumunta sa itinuro ko. Ituturo ko pa sana ang room ko pero hindi ko ginawa. Mahirap na baka bigla akong layasan pauwi nun Hahaha.

Habang naliligo siya ay inabala ko muna ang sarili sa pagluluto. I cook another dish para naman madami kaming makain, hindi kasi kami nakapagtanghalian at alam kong gutom din siya mula sa duty.

At isa pa, Ngayon nalang kasi ulit kaming magkasamang kakain after 8 years. Hmmm! Siguro magka-candle lighting pa ako 'no? Para romantic. Hahaha pero wag na baka naman maweirduhan pa sakin si Empire. At wala din kasi akong scented candles, hindi naman kasi ako gumagamit ng ganun.

Saktong katatapos ko lang magluto ay lumabas si Empire sa guest room. Naka-tshirt siya na mahaba at naka-short shorts. Pero mukhang natatabunan din naman ang short niya dahil sa haba ng kanyang tshirt. Napalunok pa ako ng lumapit siya sakin dahil naamoy ko ang natural niyang bango. Nakatingin lang ako sa kanya habang tinitikman niya ang luto ko.

"Hmmm! Masarap ka parin palang magluto jozh" sabi niya sabay tingin sakin.

"Hoyy! Okay ka lang?" tanong niya dahil hindi ko siya kinibo.

Mahina akong umubo para mawala ang kung ano man sa lalamunan ko.

"D-do you usually wear that kind of clothes?"

"Ha? Hindi naman" napatingin pa siya sa kanyang suot.

"Nagsusuot ka ba ng ganyan kapag may kasama kang ibang lalake?"

"Ha?"

"Tsss! Tanong ko kung—" hindi ko natapos ulitin ang tanong ko ng bigla siyang sumabat.

"Hindi. Actually pambahay ko lang talaga 'to. Palagi kasi akong may dalang shirts sa bag ko eh. Bad thing ganito ang nadala ko. Late na nga kasi ako kaninang umaga diba?"

Tumango ako at nag-iwas na ng tingin sa kanya pero nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang mukha ko at ibaling sa kanya.

"Bakit na i-intimidate ka ba? Hahaha"

Oh empire! Wag ako! Wag mo akong hamunin. Baka may mangyari pang hindi dapat.

Iwinaksi ko nalang ang nasa isip ko kasi baka kung saan pa mapunta. Mahirap na.

"H-hindi ah. Kumain na nga tayo"

Pinaupo ko siya sa upuan bago ako bumaling sa harap niya. Nakita ko pa ang pagkislap ng mata niya ng makita ang kabuuang niluto ko. Sana empire makita ko rin yang kislap ng mga mata mo kapag ako ang tinitingnan mo.

"Nagluto ka ulit?"

"Oo"

"Bakit? Kasya naman sating dalawa ang niluto mo kanina eh. Ba't mo pa dinagdagan?"

"I'm too hungry baby and I'm pretty sure you feel the same way too"

Hindi siya kumibo at doon ko lang napagtanto ang sinabi ko. Hindi kasi dapat 'BABY' jozh, kundi Empire. Nadudulas na ako. Hindi talaga ako sanay.

"Uhmm...Sorry, Empire pala hindi—"

"Kain na tayo, nagugutom na kasi ako" sabat niya kaagad ng hindi pa natatapos ang sinasabi ko.

Naglagay na siya ng pagkain sa plato at nagsimulang kumain. Kasi naman jozh eh, yan tuloy parang naaasiwa siya. Ang awkward tuloy ng atmosphere.

Always Be His Baby (COMPLETED)Where stories live. Discover now