Chapter 11

1.6K 38 0
                                    

Jozh POV

"Alam mo Doc Stellar you're really look familiar. Hindi ko lang matandaan kung saan kita nakita. By the way ako po kilala niyo?"

Tahimik kaming naghahapunan ng biglang nagsalita si Sove. Sabay pa kaming nabilaukan ni Empire. Kahit ganun ay binigyan ko kaagad siya ng isang basong tubig na mabilis naman niyang ininom. At nilagok ko ang tubig na hindi niya naubos. Hahaha para-paraan nga kasi.

"Hala! Okay lang po kayo doc? May masama ba akong nasabi?"

"Just keep on eating Sove" maawtoridad na sabi ni ate.

"But Mom I'm just asking. Ikaw po Wawa? Hindi po ba pamilyar sa inyo si Doc Stellar? Kasi I'm pretty sure na nakita ko na talaga siya" baling pa ni Sove kay wawa.

Napaisip tuloy si wawa sa tanong niya. Oh please! Don't make this scenario awkward.

"Ahmm.. Siguro nakita na natin siya dati sa hospital apo. Noong mga oras na nagpapacheck-up pa ako" napatango naman si Sove. Good thing hindi naalala ni wawa.

"Eh ikaw dad? Isn't she's familiar?"

Tiningnan muna ni kuya wave si ate reign bago nagkibit balikat. Hahaha natawa pa ako kasi mukhang under parin ni ate si kuya wave. Total opposite talaga silang dalawa.

"Are you sure dad?"

"Baby even if I know I won't tell you"

"Bakit naman dad?"

"Nah! Keep on eating baby unless you want your mom to get mad at you"

Napangiwi pa si Sove ng tiningnan niya ang mommy niya na nakatingin ng masama sa kanya. Kaya ayun napayuko nalang siya at nagpatuloy sa pagkain. Pero pagkatapos ng ilang subo ay nagsalita na naman ang dalagang makulit.

"Doc Stellar pwede po bang magtanong?"

"Sove!" sita kaagad ni ate.

"Mom I just wanna ask"

Haaay! Itong pamangkin ko talaga sobrang kulit pa din. Ano na naman kayang kakulitan ang lalabas sa bibig niya?

"Go on sove" pagbibigay permiso ni Empire.

"Doc ano po yung pinakamalalang sakit sa puso?"

Napataas ang kilay ko sa tanong niya. Bakit biglang naging interesado ang batang ito tungkol sa puso? Balak niya rin bang maging doctor?

"Strong memory"

"Ha? Teka hindi ko po maintindihan"

"Kapag nasasaktan ang isang tao at paulit-ulit niyang natatandaan ang masasakit na nangyari ay mas lalong sasakit ang puso niya na kung saan lahat ng katawan niya ay naaapektuhan"

"Ah! So that's how it works doc" tumango-tango pa siya.

"Yeah! In order for you to be a great doctor you must understand the two kinds of heart"

"Ano po yun?" Interesadong tanong ni Sove na hinihintay pa ang susunod na sasabihin ni empire.

"First, (sabay taas ng unang daliri niya na ginaya naman ni sove) yung puso na nasasaktan physically and (itinaas niya din ang pangalawang daliri) yung puso na nagmamahal emotionally"

"Wow! Nakakamangha naman po kayo doc. Idol ko na po kayo" sabi pa niya sabay saludo dahilan para magtawanan kami.

"Doc do you have a strong memory po ba?"

Always Be His Baby (COMPLETED)Where stories live. Discover now