Chapter 19

1.4K 40 0
                                    

Jozh POV

"Cheers pre! Cheers sa pananakit mo sa kanya! Cheers sa successful na pagpapasakit mo sa pinakamamahal kong kapatid"

Pilit niyang binigay sakin ang beer at siya na mismo ang nag tossed sabay lagok.

Bakit baby? bakit hindi mo sinabi na nasasaktan na pala kita? Bakit hindi ko man lang napansin that you're already wildly damage? Bakit napaka-insensitive ko? Bakit ni minsan ay hindi mo man lang ako sinumbatan? Bakit?

Pero kahit anong tanong ko sa sarili ko ay hindi naman yun masasagot eh! Dahil hindi naman ako ikaw. Dahil hindi naman ako ang nakaramdam ng sakit na pinagdaanan mo. Dahil ang sagot na gusto kong marinig ay hindi mula sayo.

I'M A F*UCKING IDIOT!

"Alam mo kung ano pa ang mas masakit na nangyari sa kanya? Hahaha syempre hindi! Dahil missing in action ka nga diba?"

Madadama ang dalamhati ni Kuya Seal sa paraan ng panunumbat niya sakin. Na tila ba isang walang kwentang lalake ang kausap niya.

"Two weeks after siyang iwan ng lalakeng mahal niya ay iniwan na rin siya ng lola niya" parang nagpantig ang tenga ko sa narinig.

"W-what do you mean?"

"Namatay ang lola niya g*go!! At sa mga oras na yun ay wala siyang makapitan. Kulang nalang ay isama niya ang sarili niya sa hukay ng kanyang lola"

"P-patay na si lola Minda?" naginginig na ngayon ang tinig ko at gustong-gusto ko ng saktan ang sarili ko. Bakit pati ito hindi ko alam? Ganun na ba ako ka g*go?

"Pagkatapos mabalitan namin ang nangyari ay kaagad kaming pumunta sa probinsya nila. And it is so heartbreaking na makita siyang paulit-ulit na nawalan ng malay. It was the greatest downfall of her life. Ni hindi siya makausap ng maayos, hindi kumakain at hindi nagpapahinga. Nakakatulog lang siya kapag nawawalan siya ng malay. Sa pag gising naman niya ay magsisimula na naman ulit siyang umiyak"

Napapalunok ako ng ilang beses. Sobrang sakit ng mga naririnig ko ngayon. Paano niya lahat nakaya ito??

"Hanggang sa nailibing na nga ang lola niya. Kinausap siya ni dad na dito nalang tumira sa manila kasama kami. Dahil wala naman siya sa sarili niya ay napagdisisyunan ni dad na isama siya. Ilang araw din siyang hindi kumain, ilang linggong hindi lumalabas ng kwarto at ilang buwang hindi kumikibo"

Nang bigla siyang tumigil sa pagsalita ay napatingin ako sa kanya. Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya. Paglapit ko ay bigla niya akong...SINUNTOK!! MALAKAS NA SUNTOK na halos matumba ako sa sahig. Pagkapa ko sa labi at ilong ko ay may nakita akong dugo.

Hindi pa ako nakakabawi ay kwenilyuhan niya ako at sinuntok na naman na halos tumalsik ang dugo ko. Sa sobrang manhid ko ay hindi ko na naramdaman ang sakit. Wala pa 'to sa sakit na naramdaman noon ni empire.

"Pinangako ko sa sarili ko na kapag nakita ko ang Tang*nang lalakeng sobrang nagpasakit sa kapatid ko ay sasaktan ko siya!!! F*ck you!! Ilang ulit kong pinagdarasal na sana ikaw nalang ang namatay dahil isa ka namang walang kwentang lalake!!! Anong ginawa ng kapatid ko para saktan mo siya ng ganun?!!" sigaw niya. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa kwelyo ko at nanginginig na ang kamay niya sa sobrang gigil na saktan ako.

"Ngayon sagutin mo ang tanong ko!! Nasaan ka ng nasasaktan ang kapatid ko?!! Nasan ka ng mga panahon na wala siyang makapitan?!! Sa mga panahon na namumugto ang kanyang mga mata sa kakaiyak?!! Na dapat ikaw ang pumapahid sa luha niya!! Na kahit sa isang yakap mo lang ay gagaan ang pakiramdam niya!! Pero wala!! Hindi ka nagpakita!! Kasi missing in action ka kasama ang babaeng binuntis mo!!! Tang*na mo!!" suntok ulit.

"Tapos ngayon babalik ka sa buhay ng kapatid ko?!! Tang*na mo talagang g*go ka!! Kahit magbuntis ka pa ng ilang libong babae ay wala na siyang pakialam sayo!!" sinuntok pa niya ulit ako.

Pabagsak niya akong binitawan at bumalik sa pagkakaupo niya sabay tungga ng alak. Ilang ulit siyang nagpakawala ng mararahas na paghinga at sunod-sunod din ang lagok niya ng alak.

"Kung lasing ka na ay umakyat ka na sa guest room katabi ng room ni Empire. Kung hindi naman ay umayos ka ng upo" seryoso niyang untag.

Napaayos kaagad ako ng upo. This is the time na sisimulan ko na ang paghihingi ng tawad sa mga taong nakapalibot sa kanya. Malamig siyang ngumiti ng makitang umupo ako. He hand me another can of beer.

"Yung totoo bakit ka bumalik?" Curiosity ang naririnig ko sa boses niya pero nandoon parin ang galit.

"Para humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko sa kanya. Para punan ang mga pagkukulang na hindi ko nagawa sa kanya"

"It is not valid. Reason denied"

"Uhmmm!! Nagbabakasakali kasi akong matutuloy ang naudlot naming love story..."

Nakita ko nalang na may lumipad na lata mula sa kanya. Nasapol pa tuloy ako sa noo. At humalakhak siya ng sobrang lakas.

"Hahahahaha ang corny mo. Hahahaha yan ba ang nagustuhan ng kapatid ko sayo?"

Nagulat pa ako ng inakbayan niya ako. Bipolar ba itong kausap ko? Kanina lang....

"Uhmmm ang totoo niyan ay misunderstanding lang ang lahat. Hindi naman talaga ako yung nakabuntis—"

"Tumigil ka pre. Wag mo sakin sabihin yan. Hindi ka dapat sakin nagpapaliwanag kundi sa kapatid ko"

"Pero gusto ko ding magpaliwanag sayo dahil kuya ka niya. Nakakatandang kapatid ka ni Empire kaya nirerespeto kita"

"Kung papatawarin ka ni Empire, ganun din ako. I love her d*mn much kahit pa magpakatanga ulit siya sayo"

Napangiti nalang ako. Maayos din pala minsan itong si KUYA Seal. Mas bagay talaga sa kanya ang tinatawag na kuya.

Nagkwentuhan pa kami at napainom ng madami bago namin napagpasyahang pumasok na sa loob. Magmamadaling araw na rin yata ng umakyat ako.

Hindi muna ako dumiretso sa guest room. Ilang sandali pang tumigil ako sa harap ng pinto ni Empire. Tulog na kaya siya? Inilapit ko ang tenga sa pinto pero wala akong narinig. Tulog na siguro! Paupo akong sumandal sa pinto ng kwarto niya at nagsimulang kumanta ng isang awiting nasa utak ko...

Nanghihinayang
~Angeline Quinto~

Inaamin ko, nagkamali ako
Inaamin ko, nasaktan ko ang puso mo
Iniwan ka nang walang dahilan
Sumama sa iba at hindi man lang ako nagpaalam
Di man lang nagpaalam

Nabalitaan ko, lagi ka raw tulala
Dinibdib mo ang aking pagkawala
Lagi ka raw umiiyak
Lagi mo raw akong hinahanap
Di ka pa rin nagbabago
Mahal mo pa rin ako

Nanghihinayang
Nanghihinayang ang puso ko
Sa piling ko'y lumuha ka lang
Nasaktan lamang kita
Hindi na sana, hindi na sana iniwan pa
Iniwan kang nag iisa at nagdurusa
Ako sana ay patawarin na

"Paulit-ulit akong hihingi sayo ng tawad baby. Pabalikin mo lang ako sa buhay mo"

Nabalitaan ko, lagi ka raw tulala
Dinibdib mo aking pagkawala
Palagi ka raw umiiyak
Palagi mo raw akong hinahanap
Di ka pa rin nagbabago
Mahal mo pa rin ako

Nanghihinayang
Nanghihinayang ang puso ko
Sa piling ko'y lumuha ka lang
Nasaktan lamang kita
Hindi na sana, hindi na sana iniwan pa
Iniwan kang nag iisa at nagdurusa
Ako sana ay patawarin na

"Patawad baby. Mahal parin kita. Mahal na Mahal. Wala nga ako sa tabi mo pero palagi naman kitang inaalala. I'm so sorry baby, I beg your forgiveness"

Always Be His Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon