Chapter 5

2.1K 48 4
                                    

Jozh POV

Kasalukuyan siyang kumakain ng bigla siyang huminto. Binitawan niya ang mga kubyertos at napatingin sakin. Nangalumbaba siya sa harap. Natawa pa ako dahil ginaya niya ang posisyon ko. Nagtitigan lang kami hanggang sa sabay din naman kaming natawa.

"Haha wala ka bang balak kumain? Kanina ka pa tumitingin sakin eh"

"Makita lang kitang kumakain ay busog na ako"

"Tsk! Kalokohan! Maglalaway ka kapag tiningnan mo lang ako habang kumakain hahaha"

Maglalaway? Talaga?

Hayy! Ang ganda ng tanawin ko. Ngayon ko lang ulit nakita siyang ganito kasaya. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay ang kutsara't tinidor. Napakunot pa ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

"Kumain ka. Wag mong hintayin na subuan pa kita"

Ibinalik ko sa kamay niya ang mga kubyertos at ngumanga ako na hinihintay na subuan niya.

"Anong ginagawa mo?"

"Pwede mo naman akong subuan eh. Sige na dali" sabi ko sabay nga-nga.

"Ayyy! Wag mo akong pinagloloko jozh ha" tinuro niya ako gamit ang tinidor.

Sasagot pa sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tss! Lakas makasira ng moment namin ng baby ko. Ayoko sanang sagutin kaya lang ay nakita kong si Hannah yun, ang secretary ko. Hindi na ako umalis at sinagot nalang sa harap ng hapag.

"Yes han?"

Biglang napatingin sakin si Empire ng nakakunot ang noo. Hmmm! Nangangamoy selos ah. Secretary ko 'to empire, hindi honey. Binalewala din naman niya at nagpatuloy na sa pagkain.

[Good evening sir. Ipapaalala ko lang na may meeting kayo bukas ng umaga. Breakfast meeting po]

"Please cancel it han"

[Pero importante po—]

"Not as important as the lady in front of me"

[Sige po sir. Noted]

Ibinaba ko na ang tawag. Ilang araw narin kasi akong hindi pumapasok sa opisina. Palagi kasi akong nasa ospital eh, alam niyo na, may sakit si wawa. Atsaka may isang importanteng tao rin ang nandoon at alam niyo na kung sino.

"Uuwi na ako. Salamat sa dinner" biglang sabi ni empire.

"Ha? Bakit?"

"May duty pa kasi ako bukas"

"Hahaha c'mon empire, wala kang duty kapag sunday. Cheppie told me"

Nahihiyang umupo ulit siya at uminom ng tubig. Pasalamat din talaga ako minsan kay Cheppie. Wew! She saves me.

"Nagseselos ka ba?" bigla siyang nabilaukan sa turan ko.

"Kanino? Kay Hannah ba? Wag kang mag-alala secretary ko lang yun. Gusto mo bang lalake nalang ang secretary ko? Sabihin mo lang para makapag-hire na ako"

"No!!!" natigilan ako ng bigla siyang sumigaw.

"What I mean is... H-hindi ako nagseselos"

Ngumingiti akong tumango. Hahaha eh bakit mukhang di ka mapakali. Don't tell me false hope lang 'to?

"Business man ka na pala ngayon?" pag-iiba niya ng usapan.

"Yeah! Too bad hindi ako naging doctor. Hindi ko natupad ang pangako sayo na sabay nating aabutin ang pangarap natin" napayuko pa ako dahil sa hiya.

Always Be His Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon