Chapter 36

1.3K 37 0
                                    

Jozh POV

"A.yo.ko" three syllables na sabi niya.

"Don't you miss noong mga bata pa tayo? Sige na maligo na tayo"

"Eh paano kung magkasakit ka dahil sa acid ng ulan?"

My baby is concerned!

"May doctor namang mag-aalaga sakin kaya ba't ako matatakot?"

Hinila ko na ang kamay niya at giniya siya papalabas. Sumalubong kaagad samin ang malamig na hangin at patak ng ulan. Nakapikit siyang nakatingala na sinasalubong ang bawat butil ng ulan.

Iminulat niya ang kanyang mga mata at natatawang hinampas ako sa balikat. Natawa nalang din ako at sabay kaming lumabas sa bakuran. Paglabas namin ay siya ring pagsilabasan ng mga bata na masayang-masaya sa paliligo sa ulan. Naghahabulan sila at ang iba naman ay nasa alulod ng mga establisyemento.

"May naalala ka?"

"HA?" sigaw niya dahil sa lakas ng ulan ay hindi kami magkarinigan.

"Sabi ko Miss Na Kita!!"

"HINDI KO MARINIG!! LAKASAN MO!!" sigaw niya ulit na nagpangiti sakin.

"MAHAL PARIN—"

"Ate Sa-sa ikaw tayaaaaa" biglang natigil ang sasabihin ko ng may tumapik sa kamay ni Empire na isang bata at sabay takbo papalayo. Nabaling din ang kanyang atensyon at ngumingiting hinabol ang batang babae.

Hindi pa ito ang oras, jozh.

Tumakbo nalang din ako papalapit sa kanila hanggang sa nakisali na ako sa kanilang laro. Parang mga bata na din kaming naghahabulan kasama ang mga tumatawang mga bulilit. Hindi maalis ang malaking ngiti ni Empire at minsan ay napapatawa pa kapag siya na ang hinahabol. Hanggang sa naging taya siya ulit at ako ang naisipan niyang habulin. Nginitian niya pa ako ng nakakaloko at nagsimula ng tumakbo papalapit sakin.

Tumakbo ako at tumigil din para magtago sa puno ng mangga. Nang marating niya ang kinaroroonan ko ay napalinga-linga pa siya at patuloy na hinahanap ako. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at bigla siyang niyakap patalikod....

"Bulagaaaaa!!!"

"Waaaaahhhhhhhhh" gulat niyang sigaw.

Tawa lang ako ng tawa sa reaksyon niya habang hindi parin siya binibitawan. Hinarap niya ako at natatawang hinampas ako sa dibdib.

"Walang hiya ka!!!! Yung puso ko" malakas niyang bigkas.

"Hahahaha anong puso?"

"Magkaka-heart attack ako sayo jozh!!"

Maling-mali kasi Baby. Dapat ako yung humahabol sayo. Dapat ako ang magpapakahirap na maangkin ka ulit. Dapat ako yung pupunta sayo kahit gaano ka pa kalayo. Not the other way around.

Patuloy parin ang paghahampas niya at ngayon ay ngumunguso na siya.

"Wag kang ngumuso kung ayaw mong halikan kita"

Tila ba dahan-dahan ang pag-angat ng ulo niya at pagtama ng mga mata namin. Synchronized pa pati ang kisap-mata namin pati narin ang tibok ng aming puso.

Ang kaninang lakas ng buhos ng ulan ay tila ba naging mahina itong pumapatak sa bawat parte ng katawan niya. Yung tubig na dumadaloy sa buhok niya ay pumapatak sa kamay ko na nakapulupot sa kanya. And it brings shiver to my body. Nakakabakla!

Ilang ulit pa siyang kumisap-mata at saka biglang tumawa ng malakas. Kinalas niya ang pagkakayakap sakin at medyo lumayo sakin.

"Hahahaha jozh ikaw na yung taya hahaha" hanggang sa tuluyan na siyang tumakbo papalayo. T-teka!!! Hindi niya narinig ang sinabi ko?

Pero imposible! Ang lapit-lapit lang namin. Imposibleng hindi niya narinig. Nakita ko eh, nakita ko sa mga mata niya. Pero bakit bigla siyang lumayo?

Ano ba kasi ang pumipigil sayo baby?

Nakatingin ako sa kanya na ngayon ay tumatawang papalayo habang nakaharap parin sakin. Paurong ang pagtakbo niya at nakatutok sakin ang kanyang mata habang tinuturo-turo pa ako na isang taya. Tumakbo ako papalapit sa kanya kaya lang ay natisod ako. Napaupo ako sa kalsada at napahawak sa tuhod ko.

"A-araaaayyy!!"

Nakapikit ako dahil sa sakit at napasilip sa babaeng nagmamadaling tumakbo papunta sakin. Nag-aalala ang mukha niya ng maabot ang kinaroroonan ko.

"Nasaktan ka ba??" hinawakan niya ang mukha ko para magtama ang mga mata namin.

Dahan-dahan kong ginapang ang kamay papunta sa putikan at walang pasubali na pinahid ito sa mukha niya.

"ROYAL JOZIAH YBASCO!!!!"

"Hahahahahahahaha"

Tawang-tawa ako sa mukha niyang galit na galit sa ginawa ko. Ang cute!!

"Wahahahhahahha ikaw taya!! ikaw taya!!"

Tumayo na ako at hinintay siyang tumayo din. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sakin hanggang sa nag evil smile siya at biglang gumapang papuntang putikan. At doon na ako nagsimulang tumakbo!! Kumuha siya ng putik at pinagbabato sakin!!! Woah!!! Takboooooooo!!!!!!

"Takbo mga bata bilis!!"

Nagsitakbuhan din ang mga bata at ang iba ay nagtago pa sa mga puno. Nang makita ko ang malaking puno na pwedeng pagtaguan ay kaagad kong tinago ang sarili.

Hinintay kong makalagpas si Empire pero wala parin. Sumilip ako sa puno pero hindi ko siya makita. Siguro napagod na yun.

"Pssstt!"

Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko at nakita ko siyang humahalakhak na pinapakita sakin ang kamay niya na puno ng putik. Nawala na din ang putik sa mukha niya dahil siguro sa buhos ng ulan. Bago pa ako makakilos ay pinahid niya sa mukha ko ang putik.

Natatawa namang niyakap ko siya. Masaya ako dahil kasama ko siya. Masaya ako dahil kayakap ko siya. Pero mas masaya ako dahil masaya siyang tumatawa sa piling ko.

Ganito nalang tayo palagi baby, okay?

"Jozh"

"Hmm?"

"Magbihis na tayo"

"Mamaya na"

"May batch reunion pa tayo"

Napangiwi ako at bumuntong hininga. Nakakabitin!

"Nakalimutan ko"

Kinalas ko ang pagkakayakap sa kanya at inakbayan siya. Nagsimula na kaming maglakad sa bahay hanggang sa lumabas na ang mga bata sa pinagtataguan nila.

"Ayiiiieeee!!! Si kuya jozh at ate Sa-sa. Uyyyyy!!!"

Tinutukso kami ngayon ng mga bata habang nasa braso nila ang kanilang mga tsinelas. Hahaha ang babata pa marunong na sa ganitong bagay.

"Hahaha magpapalit na kami. Sige maligo pa kayo"

Naramdaman ko naman ang pagsiko sakin ni Empire.

"Magbanlaw na kayo mga bata at baka magkasakit pa kayo"

"Magbabanlaw na po kami mamaya ate Sa-sa"

"Good" nag thumbs-up pa siya.

"Hindi parin nawawala ang pagiging doctor mo"

Nginitian niya lang ako at naglakad na papunta sa bahay. Nakangiti lang ako sa mga nangyari. Sinilip ko ang mukha niya at mas napangiti pa ako ng makita kong nakangiti rin siya.

"Okay ka lang?" kunot noo niyang tanong sakin.

"Sobrang okay"

Natawa nalang siya sa reaksyon ko hanggang sa marating namin ang bahay na nagtatawanan.

I hope this will happen again! And I hope this will happen forever. Forever baby....with you!

Always Be His Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon