Chapter 24

1.3K 38 0
                                    

Jozh POV

"A-anong ibig mong sabihin?"

Tumayo lang siya at hinila ang kamay ko.

"Halika mag dinner tayo sa labas. Gutom na ako at wala tayong gamit panluto dito"

Tapos na siyang magsalita kaya naman hinayaan ko nalang siyang tangayin ako pababa. Siya pa sana ang magda-drive pero pinigilan ko. Buti naman ay tumango lang siya at umupo na sa passenger seat.

"Dito tayo kakain?"

Tanong niya ng makita na dito ko hininto ang sasakyan sa kabilang bayan ng San Juan. Ang bayan ng San Agustin. Meron kasing restaurant dito.

"Why not?"

Nginitian ko siya at lumabas na ako para pagbuksan siya.

"Ang layo naman yata?"

"Eh masarap naman dito ah"

"Hahaha hindi ko naman sinabing hindi masarap dito"

Tumawa nalang din ako at pumasok na kami. Ang ganda talaga ng ambiance dito sa loob, Probinsyang-probinsya. May natural aircon pa dahil sa lamig ng hanging probinsya. Masarap din ang mga luto dito. Fresh yung mga niluluto nila. Hindi katulad sa maynila na galing na sa refrigerator ng ilang araw.

Pero ang main reason talaga niyan kung bakit dito ko siya dinala ay dahil baka makita ako doon ni mama sa San Juan. Although hindi na naman siya masyadong lumalabas kapag gabi pero mabuti na itong safe. Naninigurado lang.

"Ba't ang dami naman yata ng inorder mo? Gutom ka? Hahaha"

"Hindi ako nakapagbreakfast at lunch eh hahaha"

Huli na ng maalala ko ang aking sinabi. Natahimik din siya at nakakunot na ngayon ang noo dahil sa sinabi ko.

"Come again?"

"Uhmm.. wala hehe" bawi ko.

"Am I the reason kung bakit hindi ka nakakain kanina? Alam mo bang masama yan? At blah blah blah blah blah....."

Hindi ko na masyadong naintindihan ang sinabi niya. Basta kapag ganyan siya, pag pinapagalitan niya ako dahil sa concern siya sakin ay mas napapangiti ako at ang sarap niyang pakinggan pumutak-putak hahaha.

Hindi na din naman siya nagsalita pa ulit. Tahimik na siya hanggang matapos kaming kumain. Nang inaya ko siyang umuwi ay tango lang ang sinagot niya. Pagdating naman namin sa bahay ay kaagad siyang pumasok.

"Galit ka?"

Hinawakan ko ang kamay niya ng papasok na siya sa kwarto. Hindi na nga kasi talaga niya ako kinikibo. Pinisil ko ang palad niya kaya napatingin siya doon.

"Hindi ka pa uuwi?"

Napakamot ako sa ulo dahil sa tanong niya.

"Pwede bang dito nalang ako matulog?"

"No" simpleng sagot niya.

"Bakit naman?"

"Anong bakit naman? Ako nga dapat ang tumatanong sayo niyan eh"

Kamot ulit sa ulo then pisil ulit sa palad niya. Ang lambot.

"Kasi si mama..."

Tinaasan lang niya ako ng kilay at hinihintay pa ang sasabihin ko.

"Kasi ano.....P-pinalayas ako ni mama"

"Lumayos ka naman?" Inalis niya ang kanyang kamay at nag cross arm sa harap ko.

Nang hindi ako sumagot ay tinatamad na pumasok siya sa kwarto at binuksan ang luggage niya. Sinundan ko siya at umupo sa kama. Nasa sahig siya nakaupo at binubuklat ang mga damit sabay lagay sa aparador niya na wala ng laman. I mean may karton pala sa ilalim ng aparado niya.

"Uhmm.. Kasi sobrang galit sakin noon si mama. Natatakot ako na baka ma-high blood siya kapag nakikita ako"

"Lame! Give me some valid reason jozh" saglit niya lang akong sinulyapan at nagpatuloy na kaagad sa ginagawa.

"Galit na galit siya sakin"

"Nasabi mo na yan" walang gana niyang sagot.

"Galit na galit siya sakin dahil sinaktan kita at nag break tayo" matapang kong sagot.

Kaagad siyang napahinto at  napatingin sakin habang napakurap-kurap pa ang nga mata. Nilapitan ko siya nang hindi siya gumagalaw at nakatingin lang sakin. Nang matauhan siya at makitang malapit na malapit ako at magkalapit narin ang mukha namin dahil medyo yumuko ako. Nginisihan ko siya kaya napatingin siya sa labi ko. Ugh!

"Is that a valid reason Baby?"

Nanlaki ang mga mata niya. Napahalakhak pa ako ng tinabig niya ako ang nauubong lumapit ulit sa kanyang mga damit. Bumalik ako sa kama niya, this time ay humiga na ako habang nakatingin sa kanya na ngayon ay hindi magkanda-ugaga sa ginagawa. Clumsy parin.

"Pwede na ba akong matulog dito baby?" niyakap ko ang unan niya.

"S-stop calling me baby.... At uhmm... Baka may d-damit si kuya sa kotse niya. Baka gusto mong magbihis"

Pumalakpak ako sa sobrang tuwa. Exciting 'to. Bumaba ako at pumunta sa kotse. Pagtingin ko... Tsk! Walang kwenta. Business Coat lang ang nakita ko. Anong gagawin ko dito? Aish! Kuya Seal talaga oh!

Bumalik ako sa loob at sinarado ko narin ang pintuan. For safety purposes. Hinubad ko ang damit pang-itaas. Ang lagkit kasi eh. Kahapon ko pa yun suot. Baka akalain ni empire na ang bantot ko na.

Wala si empire sa kwarto niya pero bukas ang kanyang laptop. Lalapit na sana ako dun kaya lang bigla din naman siyang sumulpot sa pinto. Nakabihis pantulog na siya. Sinuyod niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang... hanggang... ABS ko! Gotcha!

"Ahmm... W-wala kang nakitang damit?" umiling lang ako.

Nag-iwas siya ng tingin at lumapit sa ilalim ng aparador at binuksan ang karton. May inilabas siya at hinagis sakin habang nakatalikod parin siya. Masyadong affected baby?

"Isuot mo. Wag kang mag h-hubad sa harap ko. Ang sakit sa mata"

Tumawa lang ako at tiningnan ang hawak ko. Jersey ko 'to noon ah? Nandito parin? Buo parin? Maayos parin?

Pumunta ako sa banyo at naligo. Ginamit ko ang mga shampoo at sabon ni empire. Wala na din naman akong choice. Feeling ko tuloy nakayakap siya sakin dahil sa nakakapit na bango niya.

"Empire!!!!!" Sigaw ko galing sa loob. Naramdaman ko naman na lumapit siya sa harap ng pinto.

"Yes!!?" Sigaw niya din galing sa labas.

"Pwede ko bang gamitin ang towel mo???"

"WHAT?!"

"Tanong ko kung—"

"No! No! You can't"

Sorry baby pero nagamit ko na hahaha.

Lumabas na ako nang naka topless. Yung jersey short lang yung kasya eh. Nakasabit ang towel niya sa balikat ko at pinahid ko ang basang buhok. Pagtingin ko sa kanya ay tinititigan niya na naman ako mula ulo hanggang.. hanggang... Alam niyo na hahaha!! Doon ulit.

"Sorry nagamit ko na hahaha"

"Walang hiya ka jozh"

Kinurot niya ang tagiliran ko kaya tumakbo ako papuntang kwarto niya at dumapa sa kama sabay yakap sa unan niya.

Always Be His Baby (COMPLETED)Where stories live. Discover now