Chapter 10

1.8K 39 0
                                    

Jozh POV

Dinner time na at katatapos lang naming maghanda sa bahay ni wawa. Papunta ako ngayon sa hospital kung saan nagtatrabaho si Empire. Inimbitahan siya kasi ni ate kanina kung natatandaan niyo pa. Hindi siya kanina um-Oo pero sana papayag siya ngayon.

Kaming dalawa nalang kasi ang hinihintay sa bahay ni wawa para sabay-sabay na kaming makapaghapunan. Saktong-sakto dahil sa 'di kalayuan ay natanaw ko siyang papalabas na sa ospital. Hininto ko ang kotse malapit sa kinatatayuan niya at lumabas na kaagad.

"Good evening Empire" ngiting bati ko sa kanya.

"Ayy! May nakalimutan pala ako" sabi niya habang nagkakamot sa ulo at tumalikod sakin.

"Teka Empire" Hinawakan ko ang braso niya dahilan upang mapalingon siya sakin. Tiningnan niya rin ang kamay ko na nakahawak sa braso niya. Hehehe sorry Empire pero hindi ko muna kita bibitawan. Hahaha akala mo ha.

"Diba may dinner tayo ngayon?"

"Ha? Hindi ko matandaan" napakunot pa ang noo niya.

"May dinner tayo kasama sila ni wawa, yung kanina?"

"As far as I can remember ay hindi ako pumayag sa paanyaya niya"

"Pero wala ka namang sinabi na hindi ka papayag. Ang sabi mo lang ay iche-check mo yung schedule mo"

"Ganun din yun jozh. Now if you'll excuse me" sabi niya at tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso niya.

"Pero kasi Empire... Hinihintay ka nila doon. They expect you to be there" napatahimik siya sa sinabi ko.

"Pwede bang pagbigyan mo sila kahit ngayon lang? Paraan lang naman ito ni wawa para makapagpasalamat sayo eh"

Mahina muna siyang umubo bago nagsalita.

"Ehem! A simple thank you will do jozh. Hindi na kailangang may pa dinner pa"

"Ayaw mo bang magdinner kasama sila? O ayaw mo lang mapalapit ulit sakin? Diba kahapon ay masaya naman tayong magkasama? Ba't ngayon pakiramdam ko nilalayuan mo na ako?"

Tiningnan niya ako na tila binabasa ang isip ko.

"Tsk! Stop that drama jozh. Go and eat with them"

Arggh! Akala ko pa naman madadala ko siya sa drama. Lol! Hindi pala. Napakapa ako sa aking bulsa ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tss! Tumatawag na si ate.

"Hello ate?"

[Papunta na ba kayo? Napapayag mo ba? Saan na kayo banda? Malapit na ba?]

"Tss! Ang dami mong tanong ate"

[Bilisan mo dahil nagugutom na ang pamangkin mo]

"Oo na. Ito na"

[Gusto daw kausapin ni wawa si Sa-Sa]

Napalingon ako kay Empire na siya namang nakatingin sakin. Akala ko nilayasan na niya ako kanina pa. Ibinigay ko sa kanya ang cellphone at tiningnan pa niya ito pero binalik din naman kaagad niya ang tingin sakin.

"Gusto ka daw kausapin ni wawa"

Kinuha niya ang cellphone at sinagot.

"Hello wawa... Ah opo... No problem po.... Ho?"

Bigla siyang napatingin sakin at kinunutan ako ng noo. Aish! Ano ba kasing pinag-uusapan nila? Naka silent kasi eh. So paano ko maririnig? Patanong ko rin siyang tiningnan. Umiling-iling pa siya at sumagot na ulit.

Always Be His Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon