Chapter 15

1.5K 42 0
                                    

Jozh POV

"Hi Cheppie, nasaan si Empire?" tanong ko ng makita ko siya sa information desk.

"Nasa cafeteria at may kasamang pogi"

"Anooo!?" gulat kong tanong.

"Basta may gwapo siyang kasama. Baka asawa niya yata"

"Anong sabi mo??" hindi ko napansin na medyo napataas yata ang boses ko kaya napatawa si cheppie sa reaksyon ko.

"Hahaha ito naman hindi mabiro"

"Aish! Nasaan nga kasi siya?"

"Nasa cafeteria nga kasi at may kasamang pogi"

"Tsk! Wala kang kwenta kausap"

Umalis na ako at pumunta nalang sa cafeteria na sinasabi ni cheppie. Pagpasok ko palang ay inilibot ko na ang aking mata at nakita ko si empire sa may bandang dulo na kung saan wala masyadong tao. Totoo nga ang sabi ni cheppie na may kasama siya— pero mas pogi ako sa kasama niya. Hindi ko masyadong makita ang itsura kaya lumapit ako sa kinauupuan nila.

Mukhang nagkakatuwaan sila at may laptop sa harap nila habang tig-iisa sila ng earphone. Mukhang close na close talaga sila. Naikuyom ko ang kamao ng makilala ko kung sino ang kasama niya. Matagal na ba silang magkakilala? Ba't mukhang malapit sila sa isa't-isa?

"Jozh nandito ka na pala" tawag sakin ni Empire ng makita ako.

Inalis niya ang earphone at tumayo. Tipid lang akong ngumiti habang nakatingin parin sa kasama niya.

"Halika maupo ka"

"Pinsan ikaw pala yan"

Si Weigh! Ang pabigat kong pinsan. Tss!

Si Weigh ang kasama niya na pinsan ko sa mother side. Maybe nagkita na sila once dahil pumunta dito sa ospital itong pinsan ko noong araw na pwede nang lumabas si wawa. Pero imposibleng ganito na sila ka-close agad.

"Hahaha oh paano ba yan doc, aalis na ako. Nandito na kasi ang hinihintay mo"

"Hahaha sige"

"Thank you ulit"

"As usual hahaha. Sino pa bang tinatakbuhan mo kapag magkaaway kayong dalawa?"

"Hahaha kaya paborito kita doc eh"

"Hahaha sige na. Next time dapat kaya mo nang makipag-ayos sa kanya ng ikaw lang ha"

"Hahaha aalis na ako pinsan. Hinintay ka niya para sabay daw kayong maglunch" baling niya sakin.

Weigh tap my shoulder bago siya umalis. Hindi naman nakaligtas sa mata ko ang nakakaloko niyang ngiti sakin bago siya tuluyang naglakad papalayo. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maglaho na siya sa paningin ko.

"Jozh maupo ka. Kanina ka pa nakatayo diyan"

Napabaling ako kay empire. Naglabas muna ako ng malalim na buntong hininga bago umupo sa harap niya.

"Anong gusto mong kainin?"

"Kilala mo siya?" patanong kong sagot sa kanya.

"Sino?"

"Si Weigh"

"Ah Oo. Noong nakaraan ko nga lang din nalaman na magpinsan pala kayo"

"Kailan pa?"

"Ha?"

"Kailan kayo nagkakilala?"

Always Be His Baby (COMPLETED)Where stories live. Discover now