Chapter 32

1.3K 33 0
                                    

Jozh POV

Nang magising ako kinabukasan ay nagulat ako ng wala na si Empire sa kama. Lumabas kaagad ako sa kwarto para hanapin siya. Naabutan ko si papa sa labas na naglilinis ng kotse.

"Pa nakita mo ba si Empire?"

Hinarap ako ni papa at tinapat sakin ang hose. Medyo nakailag ako pero basa yung kalahating katawan ko. Tsk!

"Hahahaha good morning din bunsoy"

"Pa!!"

"Hahaha yung nobya mo ninakaw ng mama mo"

Arghh!! Naniniwala na talaga ako na 'Birds with the same feathers flock together'. Parehong-pareho sila ni mama! Ang galing mambwesit! Ang aga-aga! Aish!!

"Saan sila nagpunta?"

"Ayan na sila oh" Nagturo si papa gamit ulit ang hose. At nabasa na naman ako!!

Napatingin ako sa gate ng biglang may pumasok. Unang pumasok si mama at sumunod sa kanya si Empire. Tila ba nag slow motion ang lahat ng papasok siyang naka sports bra at shorts short lang. What the—!

"Good morning bunsoy" bati sakin ni mama.

Napangiwi ako sa masayang bati niya. Lumapit ako kay empire at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa. Napabuntong-hininga ako ng maramdaman na parang naiilang at nahihiya siya. Pinamaywangan ko siya at hinuli ang mata niya pero pinipigilan niya talagang tumingin sa mga mata ko. Kagat-labi din siyang nakayuko habang sinisilip ang mata ko. Argh! Naapektihan ako sa pagkagat-labi niya.

"Woahh!! At ngayon ka lang nahiya? Empire naman, buti sana kung ako lang makakakita. Sino ba kasing nagsabi sayong pwede mong suotin yan?"

"Ako bunsoy" tinaas pa ni mama ang kanyang kamay.

"Ma naman!!"

"Pinilit ko kasi siya kaninang umaga na sumama sakin. May zumba kasi sa plaza tuwing umaga at wala siyang masuot kaya binilhan ko nalang siya"

Napasabunot ako sa ulo at pumasok na sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kwarto at naghanda ng mga damit. Kasalukuyang nag-aayos ako nang biglang pumasok si Empire. Ganun parin ang bihis niya kaya mabilis ko lang siyang nilingon.

"Galit ka?" umupo siya sa kama.

Kumuha ako ng jacket sa closet at pinasuot iyon sa kanya. Hindi narin siya nagsalita at sumunod nalang. Hinawakan ko ang kamay niya at bumaba na.

"Saan kayo pupunta bunsoy? Ba't may dala kayong bagahe?" tanong ni mama ng makita kami.

"Aalis na kami"

"Iuuwi mo na ba si Sa-sa? Mag-almusal muna kayo"

"Wag na ma!" Dire-diretso lang kami sa paglalakad hanggang sa labas.

"Bye po tito, tita thank you po" pahabol pa ni Empire.

Mabilis naming narating ang bahay nila Empire. Lumabas kaagad ako ng kotse para pagbuksan siya sa kabilang side. Pagbaba niya ay nakakunot noo pa siyang nakatingin sakin. Inunahan ko na siyang pumasok sa loob ng bahay na para bang pagmamay-ari ko.

"Psst!! Anyare sayo?" Kinilabit pa niya ako.

"Wala!"

Umupo na ako sa sofa nila. Sumunod din naman siyang pumasok dala-dala ang mga pinamili naming groceries kahapon. Ilang ulit pa siyang pabalik-balik sa kotse. Nakatutok lang ako sa kanya na abala sa pag-aayos ng mga groceries. Maya't-maya din naman siyang sumusulyap sakin.

Always Be His Baby (COMPLETED)Where stories live. Discover now