Chapter 21

1.4K 40 0
                                    

Jozh POV

Apat na oras kong tinahak ang daan papuntang probinsya namin. Ilang ulit ko ring naramdaman na kumukulog na ang loob ng tiyan ko sa sobrang gutom. It's a four hours drive at hindi man lang ako nakapag stopover dahil sa pagmamadali. Mag-aalas kwatro na ng hapon ng marating ko ang bayan ng San Juan, ang bayan na kinalakihan namin ni Empire.

Ilang taon na nga ba magmula ng umalis— I mean pinaalis pala ako dito ni mama. Siguro 8 years narin akong hindi nakakapunta dito simula ng pinalayas ako ni mama. Simula noon ay hindi na ulot ako nakatapak dito. Tinanaw ko ang paligid dahil sa dami ng nakatayong ekstraktura. Hindi naman siya ganun kadami pero kasi hindi lang ako sanay na yung mga bakanteng lote noon ay may nakatayo na ngayong nagtataasang gusali.

Huminto lang ako sandali sa harap ng bahay namin para tingnan ito saglit. Napangiti pa ako ng mapatingin sa bakod na inakyat namin ni Empire noon. Nang makita ko na lumabas sa bahay si mama ay kaagad ko ding binuhay ang makina ng sasakyan. Buti nalang tinted itong sasakyan ni kuya Seal kaya hindi ako nakita ni mama. Baka kasi makalmot pa ako nun. Hahahaha mamamalengke siya siguro dahil may dala-dalang bayong.

Dumiretso na kaagad ako sa bahay nila Empire. Pero walang bakas na may tao sa loob. Sarado ang pinto pati narin ang bintana. Bumalik nalang ako sa sasakyan at tinawagan si Empire. Ilang ulit ko siyang tinawagan pero hindi niya sinasagot. Hindi naman nakapatay ang cellphone niya eh. Ayaw niya ba akong kausap?

Nung hindi parin niya sinagot ay si Kuya Seal nalang ang tinawagan ko. Noong una ay wala pa yata siyang balak na sagutin. Iniinis talaga ako nito. Minsan nga napapaisip ako kung boto ba talaga siya sakin o hindi.

"Hello kuya Seal, si jozh 'to" kaagad kong sabi ng sinagot na niya.

"I know. Bakit ka napatawag? Nahanap mo na ba ang kapatid ko?"

"Yun na nga eh. Wala siya dito sa San Juan"

"Hahahah hindi mo talaga siya makikita diyan dahil wala naman siya diyan" sinamahan niya pa ng nakakainis na tawa.

"What? Hindi siya nasa probinsya? Gino-good time mo ba ako kuya?" nagsisimula na po akong mainis. Hindi ko lang ipinaparamdam.

"Hahahaha chill! Nalibot mo na ba ang buong probinsya?"

"Hindi pa. Nandito kasi ako sa bahay nila ngayon. Akala ko kasi nandito siya. Kaya dito kaagad ako dumiretso"

"Edi hanapin mo siya sa buong probinsya. Hindi yung sakin mo siya hinahanap. Wag mo nga akong tawagan. Busy ako"

"Eh baka lang naman kasi alam mo kung nasan siya kaya napatawag ako. Hindi niya kasi sinasagot ang tawag ko"

"Ewan ko diyan sa kapatid ko. At pwede ba wag mong ibigay sakin ang problema mo"

"Edi sorry na kuya. Balik ka na sa trabaho mo hehe"

Mukhang badtrip na si kuya Seal kaya binaba ko na kaagad ang tawag. Baka masermonan pa ako nun. Hinagis ko nalang ang cellphone sa passenger seat. Tsk! Walang kwentang kausap.

Binalik ko ang tingin sa bahay nila na walang katao-tao. Mukha talagang hindi na ito natitirahan nitong mga nakaraang taon at mababakas na ngayon ang kalumaan hindi katulad noon ng buhay pa si lola Minda. Pero bakit ang linis naman yata ng bakuran nila? Tapos ang sisigla pa ng mga halaman. I don't know lang sa loob ng bahay nila ha.

Napalingon ako sa cellphone ng tumunog ito. Nang kinuha ko ay napangiti nalang ako. Can't resist me huh!! Nakatanggap kasi ako ng text galing kay kuya Seal.

[Cemetery! Sa puntod ng lola niya]

Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan papuntang sementeryo. Since hindi naman masyadong kalayuan ay narating ko ito kaagad. Hindi ko alam kong nasaan ang puntod ni lola Minda pero madali ko din namang nahanap kasi kilalang-kilala ko ang babaeng nakaupong nakatalikod na nakayuko habang yakap-yakap ang mga tuhod. Sa gilid niya ay may isang bagahe at isang backpack. Kaya naman pala walang tao sa bahay nila dahil dito siya dumiretso.

Mahina akong naglakad palapit sa kanya. Mga five steps behind ay tumigil ako at umupo sa damuhan. Nakatalikod siya sakin kaya hindi niya ako kita.

Mas damang-dama ko na ngayon ang sakit kahit hindi ko man nakikita ang hagulhol niya, hindi ko man naririnig ang mahihinang hikbi niya at hindi ko man nakikita ang nag-uunahang mga luha galing sa mata niya ay damang-dama ko parin ang sakit sa umaalog niyang balikat.

Bakit? Bakit kita iniwan? Bakit wala ako sa tabi mo noong mga panahong sobra-sobra kang nasasaktan? Bakit hindi man lang kita kinamusta? Bakit napakawalang kwenta kong tao?

Bakit ngayon pakiramdam ko na sa tuwing malapit ako sayo ay nasasaktan lang kita?

Bakit ngayon gustong-gusto kong alagaan ka pero natatakot ako na masaktan lang ulit kita?

Bakit ngayon feeling ko na nasa gitna ako ng away para sayo laban sa sarili ko?

Am I the only one responsible for all your heartaches?

Pero hindi ko naman ginusto lahat nang yun eh. Hindi ko naman ginustong saktan ka. Ay kailan man ay hindi ko gugustuhing saktan ka. Sadyang may mga bagay lang talagang hindi maiiwasan.

Inangat niya ang kanyang ulo at hindi ko inaasahang mapalingon siya sakin. Hindi ko kasi mapigilang mahinang mapahikbi. Hindi ko mapigilan ang mga luha na kumawala sa mga mata ko. Nagulat pa siya ng makita ako pero nasilayan ko naman ang tipid niyang ngiti sa kanyang mga labi na hindi umabot ang kasiyahan sa kanyang mga mata.

Lumapit na ako sa kanya at doon ko nakita na tatlo pala ang puntod. Magkatabi ang puntod ng mama, lolo at lola niya. May pagkain tig-iisa na inalay niya para sa kanila. Isang cupcake, mansanas, biscuit, kendi at bottled water. May mababakas ding kandila na natunaw na at bulaklak sa gilid.

"Kanina ka pa doon?" sabay lingon niya sa likod.

"Sorry" mahina kong sambit habang nakatingin sa puntod ng mama, lolo't lola niya.

"Hindi mo naman kailangan mag—"

"Lola Minda, lolo, tita, S-sorry dahil nasaktan ko ang anak at apo niyo. S-sorry dahil wala ako sa tabi niya ng mga oras na nahihirapan siya, na lugmok siya at walang makapitan. S-sorry for all those s-sleepless nights na hindi man lang ako nakapagparamdam sa kanya. Sorry for not keeping my promises na aalagaan ko ang apo at anak niyo. Sorry dahil hanggang ngayon ay sinisisi ko parin ang sarili ko sa lahat ng kagaguhang nagawa ko. Sorry dahil nabigyan ko siya ng pasakit na hindi naman niya d-deserve" hindi ko mapigilang mapahagulhol at hawakan ang puntod.

"I know I don't deserve your forgiveness. P-pero sana hayaan niyong paghirapan kong makabalik ulit sa buhay ni Empire. H-hayaan niyong pagbayaran ko ang mga kasalanang nagawa ko. Hayaan niyong bigyan niya pa ulit ako ng pagkakataon. T-that's all I'm asking for"

Sa pag-iyak ko ay naramdaman ko nalang na may humahagod sa likod ko. Paglingon ko ay si Empire ito na hindi nakatingin sakin. Sa langit siyang nakatingin at tila ba pinipigilan ang pag-iyak. How painful to see those teary and hurtful eyes.

Always Be His Baby (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara