Chapter 41

1.3K 36 0
                                    

Jozh POV

Nandito kami sa gilid ng batis kung saan ko siyang binigyan noon ng kwentas na may pendant na heartbeat. Nakaupo at nakasandal kami ngayon sa dashboard ng sasakyan. Nakatingala siya as she tried to connect the stars. Tinuturo pa niya ngayon at sinusundan ng tingin ang eroplanong lumilipad. Hindi niya napapansin na nakangiti na siya at ako naman ay nakangiting nakatingin sa kanya. Kasalukuyan pa akong nakatitig sa kanya ng bigla niya akong nilingon. Unti-unting napawi ang ngiti niya at naging pormal ang mukha.

"Ehem...Bakit nga pala tayo nandito jozh?"

Tumingala ako bago huminga ng malalim.

"Ang ganda kasi ng langit dito"

"Hahaha ito naman. Kahit naman saan makikita ang langit eh" hinampas pa niya ang braso ko.

"Pero mas maganda kapag tinitingnan kitang nakatingala sa langit"

Napatahimik siya at umiling pa. Humalukipkip siya at tumingala ulit.

"Ano nga pala ang gusto mong sabihin kanina?"

Mabilis ko lang siyang nilingon at bumuntong hininga ulit.

"Yung nangyari satin noon..."

"Saan dun? Yung masaya o yung masakit?"

Napalunok ako sa tanong niya. Nakapikit na siya ngayon pero sigurado ako na pinapakinggan niya ang mga sinasabi ko.

"Lahat! That was the best part of my life"

Hindi siya umimik.

"Noong mga bata pa tayo matagal ko nang naamin sa sarili ko na gusto kita. Palagi kitang iniinis kasi gusto kong pansinin mo ako. Naiinis ako kapag may ibang lalake na umaaligid at ka-close mo, gusto ko ako lang. At noong sa maynila ako pinag-aral nila mama ng highschool. Hindi ko maatim na iwan ka dahil natatakot ako na baka may manligaw sayo at sagutin mo—"

"Hindi ako maharot noon jozh" putol niya sakin.

"Yeah! And I'm thankful for that. Palagi akong umuwi noon kapag pasko at bakasyon, pero ang mas masakit ay hindi mo na ako pinapansin. Kapag nakikita mo ako at tuwing magkakasalubong tayo ay palagi kang umiiwas o di kaya'y bumabalik sa pinanggalingan mo—"

"Kasi bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita kita noon" nakapikit parin siya.

Napangiti ako at hinawakan ang kamay niya. Hindi niya ako pinigilan pero napakunot ang noo niya.

"Dahil ako ang first love mo diba?"

Peke siyang umubo. Kaya lalo akong napangiti. Pinipisil ko ang kamay niya na sobrang lambot.

"Si Louie ang nagrereport sakin ng mga nangyayari sayo. Palagi ko pa siyang binabantaan na wag kang liligawan dahil makakatikim talaga siya sakin. Hahahaha. Hanggang sa nag college nga tayo at sobrang saya ko noon nang nakita kita at nalaman kong sa maynila ka mag-aaral. Halos pilitin ko noon si ate na ilipat ako ng paaralan pero hindi niya ako pinahintulutan. Natakot ako noon sa kanya dahil uunahan pa sana niya ako na magtapat sayo. Syempre insulto yun sa pagkalalake ko"

Gumalaw ang kamay niya kaya ang isang kamay naman ang hinawakan ko.

"Hanggang sa ayun. Niligawan kita, sinagot mo ako. Sobrang saya ko talaga noon. Isipin mo, Yung babaeng mahal na mahal ko mula pa pagkabata ay naging girlfriend ko. We've been to ups and down. Pero kumapit parin tayo diba? Ako pa mismo ang nagsabi na walang bibitaw. Pero hindi ko alam na ako rin pala ang m-makakasira ng relasyon natin" napasinghap ako.

"H-hindi ko alam na ang pagtulong ko sa babaeng nangangailangan ay magdudulot pala ng pagbe-break natin. And it hurt us so bad..Sorry baby, I'm so sorry"

Dumilat siya at hinawakan ang mukha ko. Mataman niya akong tiningnan at pinahid niya ang luha sa mata ko.

"I'm sorry sa nagawa ko. Sorry talaga. N-nung araw na grumaduate ako ay sobrang saya pa natin diba? May surprise pa nga kayo pero pag uwi ko noon ay nakita kong nakatayo si Charmaine sa labas ng bahay. Gusto niya daw akong makausap. Buntis siya at nagmamakaawa saking panindigan ko daw. Nagalit ako sa kanya kasi ba't ako ang tatayong ama kung hindi ko siya nagalaw? Pero lumuhod siya sa harap ko at todo hikbi siya, Empire"

"Kailangan niya ng tatayong ama para sa anak niya. Dahil kung hindi ay hindi siya makakauwi sa kanila. Empire, pinalayas siya at hindi siya makakabalik kung walang pinapakilalang ama ng anak niya. Nanginginig siya sa takot dahil retired army ang papa niya. Natatakot siya na baka saktan siya at mapano ang bata sa sinapupunan niya"

"S-sasabihin ko naman talaga sayo eh. Kaya lang hindi ko inakala na susurpresahin niyo ako. H-hindi ko inakala na maririnig mo ang nangyari. Alam ko Baby.. Alam na alam kong sobra kitang nasaktan. You look devastated! Sobrang kapal na ng mukha ko pero please.... bumalik ka sakin"

Lumunok siya at nakatitig sa akin na parang naawa.

"P-please baby.... Sa bawat araw na hindi kita nakakasama at alam kong galit ka ay kinakain ako ng konsensya. I'm always anxious kasi paano kung may iba ka na? Paano kung iba na ang tinitibok ng puso mo? Paano kung iba na ang nagpapasaya sayo? Paano kung wala ka na palang pakealam sakin? Paano kung hindi mo na ako mahal? Hindi ko kakayanin baby"

"B-bumalik ka na please. Tayo nalang ulit. Paghihirapan kong punan ang mga sakit na naidulot ko sayo"

Naguho ang mundo ko nang umiling siya at ang mga titig niyang naaawa.

Baby, I know I'm desperate but please come back to me.

"Please baby.. Kung alam ko lang mangyayari satin ito sana hindi ko nalang siya tinulungan, sana hinayaan ko nalang siya. Edi sana tayo parin. Edi sana kinasal na tayo. Sana may mga anak na tayo. Sana isang buong pamilya na tayo na masaya" hinawakan ko ang kamay niya at nagmakaawa.

"B-bigyan mo ako ng isang pagkakataon baby. Kahit isa lang. Isa nalang please. Mahal mo parin naman ako diba? Ako parin naman ang nandito diba?" tinuro ko ang dibdib niya.

Umuling ulit siya.

"Jozh, I know"

"A-ano ang ibig mong sabihin?"

"Sinabi sakin si ate Reign"

"S-sinabi niya?"

"Lahat! Sinabi niya lahat. Yung kay Charmaine, yung paglalasing mo, yung halos hindi ka na lumalabas sa kwarto mo, yung palaging pagsisi mo sa iyong sarili, yung kahit kumain ay hindi mo magawa, yung walang pakundangang paghahanap mo sakin. Nagmakaawa siyang balikan kita dahil hindi niya maatim na nakikita kang nagkakaganun. Sobrang pagmamakaawa ang ginawa sakin ni Ate Reign. But that was all too late jozh"

Bumuntong-hininga siya bago pinagpatuloy. Sabay tulo ng luha niya at pagpisil niya sa kamay ko.

"Sobrang saya ko nang nalamang hindi ikaw ang ama. Guato kong puntahan ka at yakapin ng mahigpit. Tinanong ko si ate Reign kung saan ka makikita at doon ka na raw tumutuloy sa bahay nila Charmaine pagkatapos kang palayasin ni tita. Pinuntahan kita jozh... Pinuntahan kita p-pero.."

Nagbagsakan ang mga butil ng luha sa mata niya. Nanghihina siya kaya napakapit siya sakin.

Ba't ba natin patuloy na sinasaktan ang sarili natin baby?

Always Be His Baby (COMPLETED)Where stories live. Discover now