Chapter 39

1.2K 29 0
                                    

Jozh POV

Natapos ang parada at bumalik na kami sa field kung saan nakatayo ang flag pole.

"Find your height students"

Napatingala ako sa nagsalita. Ito yung teacher namin noon. Makikita sa kanyang mukha ang edad niya. Medyo kulubot na ang kanyang balat at maputi narin ang ibang hibla ng kanyang buhok.

Sinunod din naman namin ang sinabi ng guro. Itinuturing nila kami na tila ba bumalik kami sa pagiging estudyante. Ang it's a great thing for me. Time travel! Hahaha. Since katangkaran naman ako ay nasa may hulihan akong parte. Pati ang linya namin ay nakabase sa kung anong section kami noon.

Iisang section lang kami ni Empire kaya katabi lang namin silang mga babae. Nasa unahang bahagi nga lang siya. Nasa kanya ang atensyon ko habang nakikipag-usap siya sa mga ka-batchmate namin. Busy din siya sa pag-aayos ng kanyang mga pang-ipit.

"Ang ganda ng mga kaklase natin noon diba?" pagkausap sakin ng nasa likod kung lalake.

"Hahaha Oo nga brad. Lalong-lalo na si Sa-sa" sabat ng lalakeng nasa unahan ko.

"Bagay sa kanya ang blonde niyang buhok. Nagmumukha siyang foreigner"

"Ang alam ko doctor na daw siya"

Nakatingin lang ako kay Empire na masayang nakikipag kwentuhan sa mga kapwa niya babae. Wala siyang kaalam-alam na siya ang pinag-uusapan ng mga kaklase namin noon.

"Ang swerte mo jozh at ikaw ang nakatuluyan niya"

Nakaramdam pa ako ng mahinang suntok sa braso ko. Napangiti tuloy ako sa sinambit nila.

"Sino naman nagsabi sayo niyan?"

"Syempre yung mama mo. Proud nga yun dahil ikakasal na daw kayo"

Napamaang ako sa sinabi niya. Si mama? Aish! Pinangungunahan niya talaga ako. Tinanguan ko nalang ang kaklase ko noon. May umakyat sa stage at sinimulan na ang pagdasal, pagkanta ng national anthem at pati narin ang alma mater song.

"Kamusta mga students? Matagal tayong hindi nagkita. Kilala niyo pa ba ako?"

"Yes Mrs. Zarsuelo" sigaw naming lahat.

"Hahaha buti naman. Kamusta ang pagsuot niyo ng uniporme?"

Nagsitinginan naman ang isa't-isa at sabay ding natawa. How I miss being a student.

"Iwanan ang problema at tayo ay magsaya. Welcome to our batch reunion my dear students. I missed you and enjoy your day"

Tumunog ang malakas na tunog na nakakaindak. Pati ang music ay throwback din. Hahaha ano ba yan.

"Para maging masaya ang reunion natin ay naghanda ang faculty ng mga laro na sigurado kaming magiging masaya kayo sapagkat nilalaro niyo ito noon"

Sumang-ayon naman ang lahat sa pamamagitan ng hiyawan at palakpakan. Hinarap namin ang malawak na field at nakahanda na ang mga kadang na gagamitin namin.

"All Boys from each section ay dapat na sumali. Be ready as I give my go signal"

Excited na luminya kaming mga lalake. Ang mga babae naman ay pumagilid para mag cheer samin. Hinanap ng mata ko si Empire at nakita ko siyang inaabangan ang pagtingin ko sa kanya. Binigyan niya ako ng malaking ngiti at nag thumbs up pa. You really know how to cheer me up baby.

"Go star section!!!" sigaw ng mga babae naming kaklase.

Ang mata ko ay nakapako lang kay Empire na ngayon ay may binubulong. Inintindi ko yun gamit ang pagtingin sa labi niya.

"Go jozhhh!!" natatawa namang kinindatan ko siya at nag flying kiss na din.

"Pati ba naman dito ang harot niyo parin?"

Napalingon ako sa nagsalita. Si Louie lang pala at kalaban namin sila ngayon dahil nasa kabilang section siya.

"Inggit ka lang tol hahaha"

"Ba't ako maiingit? Eh nakadalawang anak na nga ako"

Kapag anak talaga ang pinag-uusapan ay napapatahimik ako. Maghintay kayo! Dahil sa oras na kinasal kami ni Empire ay bubuntisin ko siya kaagad. Tiningnan ko ulit si Empire at ngayon ay kasama na niya si Mimi at mukhang nagtatalo pa silang dalawa kung sino ang mananalo.

Nagsimula na ang laro kaya sobrang focus ako na manalo kami. Tumatawa kaming lahat habang naglalaro. Kaya lang sa huli talo parin. Madami pa silang naihanda na mga laro. Pati narin ang mga babae ay nakisali na. Baseball, luksong tinik, patentero at madami pa. Sa kalagitnaan ng huling laro ay hinila ko si Empire paalis sa mga tao. Napakunot noo pa siya pero sumama narin.

"Tingnan mo yang sarili mo. Puro pawis ka na oh"

Pinahid ko ang pawis sa noo niya. Natatawa parin siya sa mga laro at nandoon parin ang tingin niya.

"Asus okay lang yan. Sige mamaya na ulit"

Bago pa siya makahakbang palayo ay hinawakan ko ang kamay niya at nilagay sa kanyang kamay ang towel.

"Puno din kasi ng pawis ang likod ko" kamot ko pa sa aking ulo.

Natatawa namang kinuha niya ang towel at lumapit sakin. Pinunasan niya muna ang pawis sa mukha ko bago ako pinatalikod. Dahan-dahan niya pinunasan ang pawis ko at humarap na sakin.

"Okay na. Punta na ulit tayo doon"

Tinuro niya ang mga naglalaro. Tumango ako at inakbayan siya. Kaya lang ay hinawakan niya ang kamay ko at patakbong hinila ako papunta sa mga nagkukumpulang mga tao.

Miss na miss niya talaga ang mga taong naging parte ng buhay niya noon.

Pagkatapos ng mga laro ay dumiretso na kami sa kanya-kanyang classroom namin noon. Madaming nakahandang pagkain at sigurado ako na sobra-sobra ito para sa amin na nandirito. Parang christmas party na din namin ito noong nag-aaral pa kami. Hahaha!

Habang kumakain ay nagkaroon din ng pagkakataon upang magkamustahan kaming lahat. Puro successful na ang halos lahat samin. Ang iba ay meron nang pamilya at alam ko naman na susunod na kami doon.

"Gusto mo?" inilahad sakin ni Louie ang bote ng beer.

Napakunot ang noo ko kung ba't siya nandito sa classroom namin eh hindi ko naman siya kaklase.

"Bakit ka nandito?"

"Always welcome naman ako dito sa classroom niyo eh hahaha"

Binuksan niya ang bote ng beer at binigay sakin. May daladala din siya na para sa kanya. Napailing nalang ako at ininom ang binigay niya.

"Buti naman may dala kayong beer imbis na tubig at soft drinks" sarkastiko kong untag.

"Hahaha masaya samin sa kabilang room eh. Di tulad sa inyo, puro mayayaman. Wine ang nakahain" sarkastiko niya ding bigkas, tinawanan ko lang din siya.

"Naaalala mo yan?" sinundan ko ang tingin niya na ngayon ay nasa bintana. Umasim kaagad ang titig ko sa kanya.

"Diyan ako noon nakasilip kay Sa-sa habang nag-aaral kayo hahaha. Kapag tapos na ang klase ko at kayo ay hindi parin ay diyan ko siya sinisitsitan para sabay kaming umuwi. Hahaha sweet 'no?"

Nandidiri ko siyang tiningnan.

"Anong sweet? Ang sabihin mo ay palagi kang inuutusan ni lola Minda na dalhan ng payong si Sa-sa kapag umuulan"

"Hahaha at syempre sayo nauuwi ang payong dahil kinukuntyaba mo ako para kayo ang magkasabay ni Sa-sa. Bata palang tayo malandi ka na talaga jozh"

Sabay kaming napahalakhak at nag cheers pa habang umiiling. Eh bakit ba? Bata palang kami mahal ko na siya eh. Mahigit pa sa puppy love.

Always Be His Baby (COMPLETED)Where stories live. Discover now