Chapter 23

1.4K 33 0
                                    

Jozh POV

Medyo madilim na ng napagpasyahan naming umuwi. Ako na ang nagprisenta na dalhin ang maleta at bag niya. Napatigil pa siya ng makita ang sasakyan at biglang tumingin sakin na nakakunot ang noo.

"Nandito sila kuya?"

"Wala"

"Eh bakit nandito yung—"

"Pinahiram niya sakin" maagap kong sagot at nilagay na ang mga gamit niya sa compartment. Pinagbuksan ko rin siya ng pinto.

"Close niyo naman yata"

Kinindatan ko lang siya dahilan para mahina siyang napatawa at napailing. Pumasok na din naman kaagad siya sa sasakyan. Dumiretso na kami sa bahay nila na hindi naman kalayuan.

Nang matanaw namin ang bahay nila ay may nakita akong isang ginang na tumayo ng makita ang sasakyan na papalapit. Bumaba din naman kaagad si Empire at lumapit sa babae sabay mano. Pinuntahan ko na din kaagad sila.

"Kamusta kana Sa-sa?"

"Okay naman po tiya Bibing. Kayo po?"

Si tiya bibing pala ang ginang. Yung kapitbahay nila ni Empire.

"Mabuti din naman. Pasensya ka na kanina wala ako, nasa palengke kasi ako ng dumating ka"

"Po? Hindi pa po ako nakakapunta dito. Sa sementeryo kasi ako dumiretso"

"Eh sabi ng anak ko may pumarang sasakyan daw dito"

"Uhmm.. Ako po yun tiya bibing" sabat ko.

Napatingin naman sakin ang ginang ng nagsalita ako. Kinikilala niya ako sa paraan ng pagkakatingin niya sakin. Inayos pa niya ang gamit na salamin.

"Si jozh po ito"

"Ay! Oo jozh ikaw pala. Buti naman nagkatuluyan kayong dalawa"

Hindi kaagad kami nakapagsalita ni Empire. Nagkatinginan pa kami at doon ko nasulyapan ang kumawala niyang ngiti na kalaunan ay naging halakhak din.

Magkakatuluyan palang po tiya.

"Hahahaha si tiya Bibing talaga oh? Kamusta ang bahay?" Tumalikod na si Empire at naglakad papuntang bakuran. Sumunod din naman kami. Si tiya Bibing pala ang naging caretaker niya sa bahay. Kaya pala maayos pa din.

"Araw-araw ko nga itong dinadalaw Sa-sa. Maayos naman ito. Pero medyo may kalumaan na talaga at inaanay na ang ibang parte. May maliliit na ding butas ang mga bubong"

"Luma na po talaga ito. Buti nalang tumatayo pa. Hindi pa po pala napapalitan ang mga bubong?"

"Nakalimutan mo ba Sa-sa? Humingi ako ng pera para mapalitan ang mga bubong at maayos ang mga sira?"

"Ay hala!! Oo nga pala nakalimutan ko. Medyo naging busy po kasi ako sa trabaho. Pero wag niyo na pong alalahanin yun. Ako na po ang bahala ngayong nandito na po ako"

Nilagay na niya ang susi para mabuksan ang pintuan. Ako naman ay sumunod lang sa kanila habang nag-uusap sila.

"Nga pala Sa-sa hindi na gumagana ang mga lutuan dahil hindi din naman nagagamit nitong nakaraang taon. Pero yung mga gamit niyo ay maayos pa at malilinis kung gusto mong gamitin. Gumagana rin pala ang tubig sa gripo kaya wala kang problema sa pagligo mo"

Kung ano man ang itsura ng bahay nila noon ay ganun parin hanggang ngayon. Malinis parin. Yung mga picture nila nandoon parin. Yung mga diploma ni Empire nandoon rin. Pero bakit wala yung diploma niya nang naging doctor siya?

Always Be His Baby (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя