Chapter 29

1.3K 31 1
                                    

Jozh POV

Nang umuwi ang mag-asawa ay pumunta kaagad kami sa bayan para bumili nang mga grocery na kakailanganin namin sa loob ng isang linggo. Kasalukuyan kaming nananghalian sa karenderya na katapat lang ng supermarket. May nagatatayuang restaurant na rin naman dito pero sa karenderya niya kasi gustong kumain eh.

"Ito tikman mo. Masarap yan"

Nilagyan ko ng ulam ang plato niya. Wala din naman siyang imik at kumain lang.

"Bakit hindi ka kumakain? Ayaw mo ba dito?" tanong niya.

"Sino nagsabing ayaw ko dito? Eh mas masarap nga ang karenderya kaysa sa mamahaling restaurant eh"

Nagsimula na din akong sumubo. Totoo naman eh, mas masarap ang karenderya kasi hindi mahal ang pagkaing masasarap at makakalibre ka pa ng sabaw. Ahahaha!

"Gusto mo ng soft drinks?"

"Nah! Water will do"

Tinawag ko ang boy at nagpakuha ng dalawang mineral water. Napasulyap pa siya kay Empire na busy ngayon sa pagkain. Nang bumalik ito ay siya pa mismo ang bumukas ng bote para kay Empire. Wala namang kamalay-malay ang huli at kinuha niya lang ang tubig at iinom na sana pero maagap kong kinuha sa kamay niya at nilagok bigla.

Mahirap na baka may love poison pa. Tsk!

Nabigla siya kaya nagpeke akong napaubo at tumayo na't naglakad palabas. Sumunod din naman siya na hawak-hawak ang isa pang bote ng tubig. Naramdaman ko pa ang pagtapik niya sa likod ko habang patuloy parin ako sa kakaubo.

"Okay ka lang jozh?" nag-aalala niyang bigkas.

"Magiging okay lang ako kapag umalis na tayo dito" umubo pa ulit ako.

"Oh sige. Teka lang, hindi pa pala tayo nakakapagbayad"

Naglabas ako ng isang libo at naiinis na ibinigay sa boy na kaninang nag serve samin. Mukhang nabigla pa siya sa pagtrato ko.

"Keep the change" inakbayan ko si Empire at umalis na sa lugar na yun. Kainis!



"Ba't ang dami naman yatang nakalagay diyan?" tanong niya ng lumingon siya.

Namimili kasi kami ng groceries. Kanina pa kami dito pero hanggang ngayon ay hindi parin kami natatapos. Ako yung may hawak ng cart at siya naman ay nasa unahan. Kapag kumukuha siya ng produkto ay dinadamihan ko kapag naglakad na siya. Kaya lang napalingon siya na nakapagpakunot ng noo niya. Halos mapuno na kasi ang cart.

"Isang linggong kainan 'to diba?"

"Eh hindi ko naman to mauubos lahat ng isang linggo lang. Sobra-sobra na ito"

"Sino ba nagsabi sayo na ikaw lang mag-isa ang kakainin ng lahat ng ito?"

"Ha?"

Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

"Para sa'ting dalawa ito"

"W-what do you mean?"

"Off limit ako sa bahay kaya sa inyo muna ako tutuloy Hahaha"

"No way!"

Inalis niya ang mga kamay ko at pumunta sa cart. Pinagbabalik niya ang ibang produkto. Kaya sinubukan ko siyang awatin.

"Magbabayad ako ng renta"

"It's not about that jozh" patuloy parin siya sa pagpapalik ng products.

Always Be His Baby (COMPLETED)Where stories live. Discover now