CHAPTER 1

5K 86 5
                                    

NOTE:  Pakalat-kalat lang ang manuscript na 'to sa laptop ko so I decided to publish it here.  I hope you'll all enjoy sa pagbabasa.

******************************************************


CHAPTER 1


"As in hihiga ako sa kabaong?" tanong ni Kyle sa kanyang Ate Mary Jane, ang flight attendant niyang pinsan. Kumakain sila sa isang tea house dahil inimbita siya nito. Busy nga siya sa kakareview ng finals dahil next week na. Fourth year siya sa dentistry at hindi pa rin matapos-tapos ang gastusin dahil next year ay meron pang internship bago makagraduate. Bugbog na bugbog na ang nanay niya sa kakautang sa mga kamag-anak at kakilala. Eto nga ang Ate Mary Jane niya may ibibigay na tulong pero dapat raw ay tulungan rin niya. Magpapanggap daw siyang si Mary Jane, patay na Mary Jane Sales.


"We look alike," sabi ng pinsan niya. Sa lilim ng drop light ay mababanaag ang bilog nitong mga mata, matangos na ilong at kulay olibang kutis na meron silang magpipinsan.


"Medyo," sagot niya. "Mas matangkad kaya ako at mas payatot."


"Kung nakahiga ka sa kabaong, hindi na mapapansin 'yon. Basta gayahin lang natin ang make up ko."


Usapan kasi ng pinsan niya at ng nobyong piloto na magkakaroon ng engagement by the end of March. Ang problema ay mas mahal ni Mary Jane ang "another boyfriend" na DJ. Ayaw naman niyang saktan ang pilotong nobyo kaya nag-resign na lang sa pinagtratrabahuhang international airline at eto nga abala sa kakalunsad ng kamatayan para hindi na eto hanapin ng piloto.


"I'll be paying lahat ng gagastusin mo for the internship, kahit pati pang-board, basta tulungan mo lang ako."


Hinigop niya ang milk tea sa baso. Kailangan niya talaga ng financier. Kahit ano gagawin niya para mairaos lang ang sarili hanggang sa magkalisensiya. Nakaka-trauma kasi ang maging mahirap. Naranasan niyang maglabada at magyaya sa mga pinsan habang nagdadalaga. Siya ang atsay sa kanila dahil nabaliw sa kakadroga ang kanyang ama at ang nanay niya wala namang alam sa pera. Nauwi silang tagapaglimos sa mga kapamilya.


"Okay," pagpayag niya.


Binigyan siya ng ngiti ng pinsan at kumuha eto ng dalawang libo sa pitaka. "Eto, baka may kailangan ka para sa finals mo, marami kang mabibili niyan."


"Thanks," sabi niya habang tinatanggap ang pera. Delay nga ang padala ng kanyang ina dahil delay rin daw ang pension ng lola niya na tumutulong sa pagtustos ng kanyang pag-aaral. Mabuti naman at may pangkain siya. Purgado na rin siya sa kakakain ng pancit canton.



*********** **************


Pagkatapos ng finals ay nagkumahog na si Kyle na makadiretso ng Trinoma para makabili ng puting damit. Naisip niya baka mga napasuot na sa patay ang ipapasuot din sa kanya kaya mas mabuting magdala ng sarili. Bumili rin siya ng make up kit. Alas-kuwatro kasi ang usapan nila ni Uquito na magkikita sa funeral homes.


Mula Trinoma ay sumakay siya ng MRT papuntang guadalupe. Nagtaxi siya papuntang Jimenez St. kung saan ang J. Deogracia Funeral Home. Disente naman ang Jimenez Street. Sa dulo ng nilikuan niya ay may Mc Donald. Diretso pa ay maliit na gusali na nagbabahay ng mga internet cafe at lotto outlet, sunod ay isang pet shop bago ang isang two-storey na may kulay vanilla na pinta at kapeng ladrilyo ang may signage na J. Deogracia Funeral Home.

The Fake CorpseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon