CHAPTER 15

3.1K 123 25
                                    

Masakit ang katawan ni Kyle kaya tinatamad siyang bumangon, pero may naririnig siyang kaluskos kaya napamulat na rin. Si Ramon nakatayo sa kanilang harapan at may hawak na baril. Sa likod nito ay ang takot na takot niyang mga tita at si Janet sa hindi maintindihang ngiti.


"Papakasalan mo si Kyle o papasabugin ko ang baril na 'to sa ulo mo," sabi ni Ramon kay Roland habang nakatutok ang baril.


Bigla siyang natakot. "Kuya, kuya, huwag! Ibabab mo 'yan! Kuya please!"


Tinaas naman ni Roland ang kamay sa pagsuko.


At may napaharuros. Si Mary Jane.


"Mga walang-hiya kayo! Mga walang-hiya!" sigaw ni Mary Jane. Lulusubin sana siya ng pinsan ngunit pinigilan ng mga Tita niya.


Ang sunod na dumating ay ang ina niya. Pagkakita sa kanya na kurtina lang ang suot ay agad siyang tinakbo at sinabunutan.


"Ang landi-landi mong bata ka! Saan mo namana ang pagkaharot na 'yan?"


Takbuhan ang iba niyang mga tita at pinsan para kunin ang kamay ng nanay niya sa buhok niya.


"Tumigil kayong lahat o ipapaputok ko 'to!!" sigaw ni Ramon.


Napatigil ang lahat.


"Roland, papakasalan mo si Kyle ngayong araw din o papasabugin ko ang bungo mong 'yan!"


"Ibaba mo nga 'yan, nak!" sabi ni Tita Rose kay Ramon. "Ninerbiyos na ako sa 'yo eh!"


Tinulungan naman siya nina Janet na makatayo.


"Bihisan niyo ang gagang 'yan para madala sa munisipyo!" sigaw ni Ramon sa kanila.


Hinatid siya ng mga pinsan at tita sa kanilang kubo. Hiyang-hiya nga siya. Paano naman kasi sila natuklasan? Naligo siya at nagbihis na lang ng simpleng bestida. Habang sinsusuklay ang buhok ay hindi niya alam ang dapat na maramdaman. Ikakasal nga ba talaga siya ngayon? Nalulula siya. 


Pagkatapos ng kalahating oras ay dumating si Ramon at kinaladkad siya sa loob ng pick up nito. Nandoon si Roland at ang Tita Rose niya. Napayakap siya sa lalake habang nakaupo sila sa likuran. Kalmado nga ang mukha ni Roland.


Mabilis ang pangyayari! Pumasok sila sa mayor's office at paglabas ay mag-asawa na sila ni Roland. Pagkabalik nila sa kanila ay pinababa lang ni Ramon ang ina nito at pinasakay sa tabi si Janet. Ang sunod ay papunta na sila sa General Santos para mag-inuman. Isang kanto pa nga lang ang layo nila mula sa kanilang compound nang nag-halakhakan ang tatlo.


"Teka! Teka! Anong laro 'to?" Tumingin siya kay Roland.


Isang halik ang tugon nito. Sinabunot niya ang buhok ni Roland at pati kay Ramon at inuntog ang mga ulo.


"Binigyan niyo kami ng nerbiyos kanina doon at planado niyo pala!"


Halakhak ang tugon ng dalawa.


"Pakipot na gaga 'to. Kilig naman 'yan," tukso ni Janet.


Hindi siya sumagot. Pangako niya hindi na siya makikipag-usap sa tatlo. Ngunit isang halik sa pisngi lang ni Roland ay napangiti rin siya.


Dumiretso sila sa paboritong bar ni Ramon kung saan nagsisilbi ng mga putaheng gawa sa buwaya. Doon sila nagtungga ng nagtungga ng beer hanggang sa dumating si Raul para makipag-jammin' sa kanila. Papabalik sila sa kanila nang huminto sa tulay at doon nilambitin ng dalawang lalake si Raul.  


"Papakasalan mo si Jane o babasagin ko ang noo mo," sabi ni Ramon habang nakatutok ang baril dito.


"Dude, paano ko naman mapapakasalan ang pinsan mo gayong may asawa na ako."


"Akala namin live in lang 'yon?" patuloy ni Ramon.


"Bakit kapag may chicks dyan, aakuin mo bang kasal ka? Hindi 'di ba?"


Napailing nalang silang lahat. Mukhang bagay nga ang dalawa na magsama. Hinulog na lang nila sa tulay si Raul. Isang malaking splash ang umalingawngaw at nagsusumigaw si Raul na huwag daw iwan.


"Punta tayong Nueva Ecija bukas," sabi ni Roland sa kanya sabay halik sa taenga.


"Okay," sabi niya.




====END====


I will appreciate if you'll follow my account after reading.  Mahirap din gumawa ng kuwento ha, kahit follow lang ang bayad.  :)  Salamat.  

The Fake CorpseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon