CHAPTER 7

2.1K 71 0
                                    


Magkapareho ang view ng terrace ng inn na 'to sa view ng terrace ng kuwarto ni Roland sa Nueva Ecija. Isang palayan. Plano naman talaga niyang bumisita sa bayan na ito para hingiin ang kamay ni Jane pero sa nakakagulantang na pagkataon ay napapunta siya dito para kausapin ang kasintahan sa gulong kakaganap lang. Abala nga siya sa kakatitig sa palayan nang may kumatok sa pinto niya. Binuksan niya eto. Si Jane.


"I'm sorry!" ang sabi nito sa gitna ng hikbi. Yumakap eto sa kanya. "I'm so sorry, Roland."


"What happened?" Pinaupo niya eto sa upuan at kinunan ng tubig dahil malalim ang hikbi.


"I got scared, Roland. Parang hindi ko pa kayang magpakasal."


"If you were not ready, sana sinabi mo sa akin. Hindi iyong ganoon. Nakakahiya kaya sa mga kapamilya ko at kaibigan. Pinagpuyatan ka nila ng lamay."


"I'm so, so sorry. Hayaan mo at kung may pagkakataon, pupunta ako sa Nueva Ecija at hihingi ako ng tawad sa kanilang lahat."


Hindi na siya nang-usig pa. Nangyari na 'yon. Ang importante ay ligtas eto.


Napangiti sa kanya ang babae. "Doon ka na lang sa amin tumuloy. Excited nga kina mommy na makilala ka."


Pumayag naman siya. Mas mainam na makilala niya ang pamilya nito.


"Pero may ipapakiusap sana ako sa 'yo," patuloy ni Jane. "Huwag mo namang ipagsabi ang nangyari sa inyo. Hindi kasi alam ng pamilya ko 'yon. Patay kami ni Kyle kung magkataon."


"Sige," sabi niya.


Tinulungan siya ng babae na magbalot ng mga damit niya para makalipat siya sa bahay nito.



**************** ****************


Handa sa laban ay pumunta sa bahay ng mga Sales si Kyle.


"Saan si Ate Mary Jane?" tanong niya sa katulong ng mga Sales na nagwawalis sa labas ng gate ng malaking bahay. Kumpara sa kanila, maaliwalas ang buhay ng mga eto dahil municipal engineer ang tatay at ang ina ay principal.


"Alam mo bang dumating ang nobyo ni Ate Jane?" tanong ni Diday.


"Wala akong pakialan! Tawagin mo ang amo mo!"


Binigyan siya ng masamang tingin ni Diday bago pumasok. Pagkabalik ay kasama na nito si Mary Jane. Hinablot ng pinsan niya ang kanyang braso at dinala siya sa sulok ng hardin para hindi marinig ng katulong ang kanilang pag-uusapan.


"Ano ang kailangan mo?"


"Asan na ang bayad? Gusto mo itsismis ko sa lahat dito ang nangyari?"


Nagbigay eto ng matalim na tingin bago bumalik sa loob. Paglabas ay nag-abot eto ng tseke sa kanya.         

The Fake CorpseUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum