CHAPTER 6

2K 60 0
                                    


Kung puwede lang pumatay ng tao ay gagawin eto ni Roland sa ngayon sa nagkunyaring bangkay. Kapag nakatayo pala eto, malalamang mas matangkad ang babae kaysa kay Mary Jane ng mga apat na pulgada at mas payat.


"What have you done to Jane? Nasaan siya ngayon?"


"As if ako pa ang may nagawang masama kay Mary Jane. Excuse me!" palaban nitong sagot.


Hinablot niya eto sa braso. "If something happened to Jane, I'll kill you!"


"If something happened to Jane, I'll kill you," ulit nito sa nakakairitang boses.


Tinapon niya eto sa upuan. Ayon subsob.


At bumukas ang pinto. Si Pong-pong! Sisigawan niya sana ngunit may sinabi eto sa bangkay-bangkayan.


"Zombiena, have you seen my scorpion? Nawawala kasi?"


Napabilog ng mata si bangkay at napatayo. "Oh my God! I gonna die! I gonna die!" Binaba nito ang zipper at natarantang naghubad ng damit sabay tapon palayo. At sakto dahil lumabas sa puting damit ang scorpion.


Si Pong-pong napatakbo para habulin ang scorpion. Siya napaluwa ang mata nang nakita ang nakakaakit na katawan ng babae sa sobrang liit na bewang at malalaking umbok na natatakpan ng maliit na piraso ng puting lace bra. Nakastring pa eto ng bikini.


At hindi pa natapos ang pag- Oh my god! Oh my God ng babae. Masyado nang nataranta na pati ang bra ay hinubad dahil sa nerbiyos. Doon nga sa dibdib ang dalawang kagat, pero hindi sa kagat napatuon ang kanyang mata.  Ang seksi ng hulma ng dibdib ng babae.  Malaki pero tayung-tayo, tapos ang mga nipple ay maliliit at mapupusyaw.


Hinablot niya si Pong-pong at tinapon sa labas.


"I gonna die!" iyak ng babae sabay hawak sa dibdib.


Lumapit siya dito para matingnan ang mga kagat. Nagliparan ang libog niya. Kailangan niyang madala ang babae sahospital kung ayaw nitong matuluyang maging bangkay. Nakakamatay nga ang kagat ng scorpion. Kinuha niya ang jacket sa aparador at binalot sa babae bago eto kinarga.


Pagbaba nila ng hagdan ay nagtatanong na tingin ang bigay sa kanila ng mga kamag-anak.


"Ma, dalhin ko muna siya sa hospital. May kagat siya! Delikado!"


"Ay naku! Samahan ko na kayo!" Bumuntot sa kanila ang matanda.


Malapit lang naman ang hospital sa kanila kaya agad niyang nadala ang babae para mabigyan agad ng lunas.


Nagtanong sa kanya ang ina kung ano ang nangyayari.


"I need to talk to Jane first bago ako magkuwento sa inyo."


"I understand, hijo," sabi ng matanda sabay bigay ng haplos sa braso.


Nauwi naman nila ang babae pagkatapos mabigyan ng lunas ng doktor ang kagat nito. Tahimik nga lang etong tumingin sa daan nang pauwi na sila.


Gabi na rin kaya pinadiretso niya ang babae sa kuwarto niya para matulog. Siguradong pagod na pagod na eto. Bumaba naman siya para humingi ng paumanhin sa mga kapamilya at kaibigan na hindi pa nakauwi.


*********** ************* **********


Tahimik lang na inubos ni Kyle ang almusal habang kasama ang pamilya Zacariah sa mesa na kumakain ng agahan. Tahimik rin ang mga ito at nakikiramdam rin.


Si Roland galit pa rin ngunit inaalagaan naman ang mga kakailanganin niya. Tinimplahan pa nga siya nito ng gatas at pinabilhan ng mga prutas para mabilis na gumaling. Naaantig nga siya sa kabaitan ng piloto.


Ngayon na ang lipad nila papuntang Cotabato para makausap ng piloto si Mary Jane.


Sakto alas-otso nang umalis sila sa bahay ng mga Zacariah. Gabi pa naman ang flight nila pero baka masiraan kasi ng sasakyan o kung ano pa man. Mas mabuti kung maaga silang makarating. Sumama ngang naghatid sa kanila si Pong-pong at ang ina ni Roland at nang nag-desisyon na silang magcheck-in ay ayaw kumawala sa kanya ang bata.


"Pong, sige na. Alis na si Ate Kyle mo," alo ni Roland.


"No! No! No!" iyak nito habang nakalambitin sa paa niya. Hugot kaluluwa talaga ang iyak kaya hindi agad sila nakapag-check in. Kumain na lang muna sila.


At nang muling nagdesisyon na mag-check in ay grabe na naman ang iyak ng bata. baka raw hindi na babalik si Zombiena.


"I promise I'll be back and I gonna bring you a very real zombie. 'Yong namumula ang mata. Kailangan ko pa kasi siyang kunin doon sa amin para maidala ko pabalik dito at malaro mo siya."


"Promise?" iyak nito.


"Oo! Basta huwag kang umiyak. Ayaw niya kasing iyakin na bata. Baka hindi sasama sa akin 'yon kung alam niyang iyakin ka."


"Okay!" pinahiran nito ang luha. "Tell him I'm not iyakin ha, and tell him I gonna wait for him."


"Oo." Binigyan niya eto ng halik at mabuti naman at hindi na nagwala pa.


Nasa loob na sila ng boarding area nang tumawag si Mary Jane. Nag-excuse siya kay Roland at pumunta sa isang sulok para makausap ang pinsan.


"Gaga! Bruha! Boba!" ang mga nasabi nito umpisa pa lang. Marami ngang naisumbat na kung anu-ano sa pamilya niya kesyo raw pabigat sa lola nila.


"Hoy! Ano ang ibig mong sabihin hindi ako pipiyok kahit nakagat ako doon sa kabaong?" sagot niya dito. "Aba kailangan ko talagang magpakamatay para pagtakpan ang kagagahan mo? Ano ako hilo?"


"Wala kang matatangggap na sentimo mula sa akin!"


"Aba! pagkatapos kong maghirap ng ilang araw, wala akong matatanggap? Isumbong ko kaya sa piloto ang mga baho mo. Tingnan natin!"


Natahimik ang sa kabilang linya. Natakot siguro.


"Pagdating ko diyan, bayaran mo ako ha para hindi ko ikukuwento dito ang mga kagagahan mo."


Pinatay ni Mary Jane ang linya.

The Fake CorpseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon