CHAPTER 8

2K 67 1
                                    

April 18 ang piyesta ng bayan nila kaya second week pa lang ng Abril ay marami ng mga activities sa plaza. Apat na araw pagdating ni Kyle sa kanila ay dumating din ang siyota niyang anak ng Mayor, si Jaime, para makahabol sa basketball league. Pinuntahan nga siya nito sa kanila para sabihing siya ang gagawing muse ng grupo nitong Black Cheetah, isang samahan ng mga bike riders.


"Tinatamad nga ako," sabi niya. Noong high school, mahilig talaga niyang patusin ang mga muse-muse at beauty contest. Ngunit nang nagkolehiyo ay tinamad na siya. Parang pangbata kasi ang mga 'yan kaya 'di na niya feel salihan. Ang huli niyang nasalihan ay ang Miss University sa school nila. Di naman siya nanalo. Second runner up lang dahil marami naman kasing magaganda.


Pero mapilit talaga ang lalake. Ang totoo naba-bad trip na siya sa kasintahan. Ang tanda na pero mukhang wala pa ring direksiyon ang buhay. Magiging 26 na eto sa Agosto ngunit wala pa ring natapos dahil papalit-palit ng kurso. Ang huli nitong pinasukan ay engineering at hindi rin nito natapos ang second semester dahil may sinalihan daw na national racing ng mga motor. Never talaga niyang pinuna ang lalake tungkol dito pero malaking bagay para sa kanya na sana ay may direksiyon sa buhay ang makakatuluyan niya. Tingnan niya ang nangyari sa kanilang pamilya dahil lulong sa druga ang kanyang ama.


"Sige na, please!"


"Eh, ayaw ko talaga! Marami namang magaganda diyan. Ang kapatid mo kaya." Tinutok niya ang sarili sa ginagawang labada. Marami kasing nakatumpok na labada ang ina niya kaya tinutulungan niya. Sayang din 'to panggastos sa mga pangangailangan nila.


"Whatever!" ang sagot ng lalake sabay talikod.


Tiningnan niya lang ang kasintahan na nagpaandar ng motor. Tinatamad siyang habulin eto at amuin. Tingnan nila kung sino ang magkukumahog na babalik.


At mukhang hindi niya rin kayang tantiyahin ang ugali ng kasintahan dahil kinabukasan, maaga pa lang ay nagdatingan na ang mga kaibigan niya para magsumbong na may kalandian daw sa plaza si Jaime, ang muse ng Black Cheetah. Dadaan naman sa bahay nila ang parada ng mga sasali sa liga kaya sa bakod nila sila naghintay. At maganda nga naman talaga ang muse. Maliit lang na babae pero sobrang puti kaya ang ganda tingnan. Pagdaan ng grupo sa kanilang harap ay naghiyawan ang mga eto. Hinalikan naman ni Jaime ang babae sa pisngi. Nasaktan siya, siyempre, dahil isang taon na rin niya etong nobyo at nakakahiya dahil nakita rin eto ng mga kapamilya niya. Pero kahit papaano ay nagkaroon na siya ng rason para makipagkalas dito. Ramdam na ramdam niya na hindi si Jaime ang para sa kanya.



********************** ********************



Napangiti at napailing si Mary Jane sa nakita. Nakatayo sila sa bahay ng kanyang Tita Rose para manood ng parada at kitang-kita niya na hinalikan ni Jaime ang babae. Poor Kyle. Mataas rin kasi ang lipad kaya ayon, ginago ng nobyo.


Nang natapos ang parada ay niyaya niya si Roland na pumunta ng simbahan. "This is where we're going to marry, baby."


Hindi sumagot ang lalake. Tahimik lang nitong tiningnan ang paligid.


The Fake CorpseWhere stories live. Discover now