CHAPTER 12

1.9K 55 1
                                    

Naguguluhan si Kyle. Nakasalubong niya kanina ang Ate Mary Jane niya sa simbahan dahil linggo at nagsimba siya. Hindi siya makatingin dito dahil nakokonsensiya. Sa kabilang banda ay halos hindi nga rin siya makakain sa kakaisip kay Roland. Ano ba kasi etong nararamdaman niya? Simula nang nakasama na niya ang lalake, eto na lang ang palaging sumasambulat sa kanyang isipan.


Nakita nga na naman niya ang dalawang pinsan na kasama sina Raul at Roland na naglalaro ng baraha sa ilalim ng mangga. Hindi na siya nakisali. Umiiwas siya nitong mga nagdaang araw. Ano na lang ang sasabihin ng mga kapamilya niya kapag malaman ng mga eto na may namamagitan sa kanila ni Roland? Balik na lang kaya siya ng Maynila para maagang maayos ang internship niya. Kaso nga lang magastos kasi ang tumigil doon gayong wala pa namang pasok. Hindi na niya alam ang gagawin.



*************** *****************



Walang pasok si Raul kapag linggo ng gabi dahil schedule eto ng kaibigan niyang Dj na nag-endorse sa kanya sa gig na eto. Tatambay na lang siya sa terrace. Nakita nga niya si Roland na nag-iisang nakaupo sa lilim ng mangga. Kanina kasama pa nito si Ramon.


Lumapit siya dito para tanungin kung nasaan si Ramon. Gusto nga niya ang magpinsan dahil cool ang mga eto. Iyong mga madaling kausap.


"May pupuntahan raw sandali."


Nahalata niyang napapatingin si Roland sa kubo sa kabilang ilog.


"Hindi maganda ang napasukan mo, dude!" sabi niya.


Ang totoo may plano siyang utangan si Roland kaya para gumaan ang loob nito sa kanya ay dapat bigyan niya ng magandang advice.


"If I were you, daanin mo na lang sa paspasan."


Nagbigay sa kanya ng nagtatanong na tingin si Roland.


"Common dude. Sa tingin mo ba hahayaan ka ng pamilyang eto na makuha si Kyle gayong alam nilang masasaktan si Mary Jane? Kay Janet at Ramon puwede..... pero ilan ba sila sa pamilya? Magtutulong-tulong ang mga 'yan laban sa 'yo."


Walang sagot si Roland pero mukhang nakikinig.


"Kung makikipagkalas ka kay Mary Jane para ligawan si Kyle, makikipagsimpatiya ang mga matatanda dito kay Jane and they will brainwash Kyle. Sa hula mo, hindi ba makikinig si Kyle sa pamilya niya? I doubt it. Alam mo naman ang mga Pilipino nakikinig 'yan sa mga matatanda. And if you're back to your work, and Kyle is back in Manila, paano kayo magkikita? Sa tingin mo ba hindi ka iiwasan ni Kyle? Kyle, sa ikli nang pinagsamahan namin is a conscientious girl at makapamilya. Kung papipiliin 'yan sa iyo o kay Mary Jane, probably si Jane ang pipiliin niyan.


"What do you want to imply?"


"Paspasin mo. You gonnna be hurting and disappointing people big time, but at the end you will have Kyle. Kung ako ba naman ang nabigyan ng ganyang pagkakataon, aba gagawin ko rin lahat to have her. Kyle is a nice girl, positive-thinker, makwela, funny, family-oriented, maganda at matalino pa."

The Fake CorpseWhere stories live. Discover now