CHAPTER 4

2.1K 63 9
                                    

Madilim pa ang umaga nang dumating si Roland sa kanila, ngunit nandoon na kompleto ang kanyang pamilya. Sinalubong siya ng yakap at iyak ng ina at apat na mga babaeng kapatid. Lahat na rin sa mga kapatid niya ay may mga asawa at bitbit ng mga eto ang mga asawa't anak. Nakitulong nga ang mga bayaw niya sa pagbuhat ng kabaong pababa ng trucking.


"Arayyy!" sigaw ng isang bata.


Naapakan pala ni Mo si Pong-pong, anak ng pinakabata nilang si Marites.


"Pong, huwag ka diyan! Doon ka maglaro sa loob!" sabi niya sa sobrang tabang pamangkin. Sobrang kulit nga at eto gusto pang makibuhat.


Nakinig naman ang bata.


Nilagay nila ang kabaong sa sala ng kanilang bahay. Nakaayos na rin ang sala, may nilagay ng dekorasyon at bulaklak ang kanyang mga kapatid. Nang napuwesto na si Mary Jane ay dumulog silang lahat sa komedor para mapag-usapan ang nangyaring holdapan.



************** *****************



Saan siya? Naalimpungatan si Kyle. Umupo siya sa hinihigaan at humikab nang naalalang nasa kabaong pala siya at hindi dapat gumalaw. Agad siyang humiga at pinikit ang mga mata. Sana walang nakakita. Patay siya kapag meron.


****************** *************


Hindi makapaniwala ang limang taong gulang na si Pongpong sa nakita. Humikab ang patay! Mulagat ang mata niyang tinakbo ang komedor.


"Mama, mama. The dead makes hikab!" saumbong niya sa ina. Nang hindi pinansin,  bumalik siya sa ina at kinaladkad eto papuntang sala. "The dead makes hikab!"


Hindi siya ang pinansin, ang kabaong ang pinansin nito.


"Roland, bakit walang salaming 'to?" tanong ni Marites nang napansing walang takip sa salaming ang kabaong.


"Dapat bang may salaming 'yan?" balik na tanong ni Roland.


"'Yong kay Fernando Poe nga wala ring salaming," sabat ng katulong nila.


"Wala ba?" tanong ni Marites


"Naalala ko pong wala."


"Ahhh.." ang tinuran ni Marites sabay balik sa komedor.



******************* *********************



"Bantayan mo si Tita Jane ha," rinig ni Kyle na sambit ni Roland.


"I saw her making hikab," paulit-ulit ng bata.


Mukhang nakita siya ng bata, ngunit hindi eto pinaniwalaan.


"I'll go, Pong-pong. Bantayan mo si Tita Jane dahil busy ang lahat sa ngayon. Punta lang akong simbahan."


Binuksan niya ang mga mata ng bahagya. May dumaan na katulong ngunit lumabas eto ng lanai. Ang matabang bata lang talaga ang tao sa loob.


Kailangan na niya talagang makiinom ng tubig o hihimatayin na siya.


"Are you alive?" tanong ng bata sa boses na sila-sila lang ang makakarinig.


Wala na siyang choice. Minulat niya ang mga mata at napaatras naman ng bahagya ang bata.


"Yes, I am. Pwedeng secret lang natin to? What's your name?"


Ang kaninang takot ay napalitan ng malapad na ngiti. "Are you a talking zombie?"


Tumango siya at nilagay ang hintuturo sa bibig para sabihing huwag ipagsabi.


"Promise!" sabi nito sabay taas ng kanang kamay sa panunumpa.


"The zombie wants to drink water and the zombie wants it a secret."


"Okay!" sabi ng bata sabay takbo. Pagbalik ay may dala na etong baso na puno ng tubig at yelo. Nainom niya eto bago dumating ang katulong.



******************** *******************


Mga tanghali dumating si Roland mula sa simbahan. Simula pagdating ay siya na ang nagbantay sa bangkay. Pagkagabi ay nagsidatingan ang iba niyang kamag-anak para maglamay.


"Anak, tulog ka na doon. Wala ka pang tulog since last night. Huwag kang mag-alala kami ang magbabantay kay Jane," sabi ng mama niya.


"No, ma. Kayo ang matulog dahil alam kong wala rin kayong tulog since last night," sagot niya. Pinakiusapan niya ang Ate Janice niya na patulugin ang ina. At kinausap naman niya ang matandang pinsang si Ma. Fe na eto na lang muna ang magbantay sa bangkay.


Tiningnan niya ang relo. Alas diyes na. Ngarag na ngarag na siya. Kailangan na niyang matulog para bukas ay may lakas siyang magpuyat. Pumanhik siya sa kanyang kuwarto at ang kanyang naging tulog ay mahapyaw, iyong tulog na may bagabag. Hindi niya pa rin kasi matanggap na wala na ang kasintahan.


At nakaramdam siya ng uhaw. Tiningnan niya ang orasan. Lampas alas-kuwatro na ng umaga. Bumaba siya ng hagdan sa mga matang napapapikit nang...........


Si Jane tumatakbo papuntang kabaong!


May kung anong gulat at takot na sumambulat sa kanya. Napabalik siya sa taas. At nang nahimasmsan ay muli siyang bumaba ng hagdan. Nakahiga naman ang bangkay sa kabaong, si Ma. Fe ay nakahiga sa sofa at nakaidlip. Maya-maya ay lumabas sa komedor si Pong-pong.


"Bakit gising ka pa?" tanong niya sa pamangkin.


"Siyempre nagpupuyat," sagot nito.


"Matulog ka na doon," sabi niya.


Umupo lang si Pongpong sa hagdan at nangalumbaba.


Kinuha niya ang tsinelas sa paa para takutin eto ng palo kaya napatakbo eto sa taas. Tiningnan niya ang walang galaw na bangkay sa kabaong. Kulang kasi ang tulog niya kaya kung anu-ano ang nakikita. Umupo na lang siya sa isang sofa at doon umidlip.

The Fake CorpseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon