CHAPTER 3

2.3K 66 8
                                    


Mabining hinawakan ni Roland ang pisngi ng bangkay sa kabaong. Maganda pa rin si Mary Jane kahit nakahimlay na. Lalong gumanda nga eh.


"I have so many dreams for us, baby." Halos mawindang siya nitong umaga nang may tumawag sa kanya na nasa Funeraria M. Deogracia ang katawan ng kasintahan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap ang pagkawala nito.


Hinablot niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang ina. Kailangan niyang ipaayos ang kanilang bahay para doon lalamayan si Jane.


"I'm so sad, hijo," malungkot na ani ng ina. "We had all been so excited to meet her. Ang sakit na bangkay na lang naming makikita si Jane."


Hindi siya nakasagot dahil baka mapahagulgol siya. Pangako niya sa kanyang ina na ngayong Marso ipapakilala si Jane dito. At eto nga ang nangyari.


"We'll be home soon, Ma," ang nasabi niya pagkatapos ng pananahimik.



*************** *******************



Minulat ni Kyle ang mga mata. Nasa isang sulok si Roland at may kausap sa cellphone sa masadlak na mukha. Guwapo! Kulot ang buhok at malalim ang mga mata. Iyong mukhang Arabo na tamang-tama lang ang tangos ng ilong.


Napapikit siya ng lumapit eto sa kanya at napahaplos ng pisngi. Para siyang loka-loka dahil kinilig. Pero kung ganito ba ka-Adonis ang hahaplos sa mukha niya, sino ang hindi kikiligin? Napapatanong nga siya kung paano nakasilo ng ganito ang pinsan dahil masyadong mataas ang level ng piloto. Pusta niya nilandi eto ng nilandi ni Mary Jane. At nang nagkagusto na ang piloto sa lukaret, nawala na ang challenge. Ang alam niya kasi sa DJ na 'yon ay madrama ang relasyon, maraming away at matindi ang selosan kaya siguro nag-ienjoy si Mary Jane. Hula niya masokista ang pinsan. Mukhang mabait kasi ang piloto, mukhang hindi marunong manakit ng kapwa.


Mga ilang sandali ay may pumasok na lalake.


"Nandito na ang eight-wheeler ko. May hahakutin sana kami pero basta para sa iyo pinsan, alistado!"


"Thanks, Mo."


At sinarado ang kabaong. Tinulak ang gulong.


Nag-panic siya. Seryoso ba ang piloto na dadalhin siya sa Nuev aEcija. Ilang oras siyang hihiga dito dahil ayaw niya sa sobrang dilim. Kulang pa naman ang hangin dito sa loob ng kabaong. Mabuti na lang at maluwag ang kabaong. Makatext naman siya sa cellphone. Ni-text niya ang pinsan.


"Don't worry. Gagawan ko ng paraan," text back ni Mary Jane.


"One. Two. Three." Ang rinig siya bago siya binuhat.


Sa ngalan ng pera, marami talagang magagawa ang mga tao. Gusto na talaga niyang tawagan ang nanay niya para magsumbong sa napasukan. Pero duda niya kapag sabihin niya dito na si Mary Jane ang magbabayad ng pang-intern niya ay siguradong pagsasabihan siya ng ina na magtiis-tiis lang muna sa kabaong.


Alam niyang nasa loob siya ng gumagalaw na sasakyan dahil nararamdaman niya ang biyahe. Binuksan niya ng kaunti ang takip para sumilip. Nasa loob siya ng trucking na walang kalaman-laman. Binuksan niya ang kabaong at bumaba. Kailangan niyang mag-unat dahil namanhid ang mga paa niya. At dahil sa walang magawa kaya nag-facebook na lang. Punong-puno ng load ang cellphone niya dahil ni-loadan ni Mary Jane para in case may emergency ay meron siyang pang-kontak.


Napagod siya sa haba ng biyahe kaya bumalik siya sa kabaong at napaidlip.



********************** ******************



"Handa na kayo?" tanong ni Uquito sa dalawang alipores, ang kanyang dyowa na si Arnold at ang kaibigang parloristang si Fifi. Pareho silang naka-jacket ng military at naka-ninja mask na parang sa mga Abu Sayaff.


"Picture muna! Picture muna!" sabi ni Arnold sabay labas ng kakaregalo niyang Iphone.


Naglabas sila ng bonggang ngiti at peace sign. Mukha nga silang mga kuwago sa dilim sa picture pero okay lang. Ni-upload eto ni Arnold sa FB na may caption "Mga Paniki sa Kagubatan."


Naghahalakhakan sila nang tumunog ang cellphone niya. Binasa niya ang text ni Malou na malapit na ang mga eto sa bukana ng Nueva Ecija. Pinasakay nga niya ang receptionist sa trucking para may magsusumbong kung saan na ang sasakyan.


"Action! Action!" sabi niya sa mga kasamahan habang tumitingin sa relo. Alas-kuwatro ng umaga.


Si Fifi hinila ang dalawang baka sa gitna. Nag-iinarte naman ang mga baka kaya tinulak niya pa sa puwet. Mabuti naman at nalagay nila ang mga eto sa gitna bago may narinig na pagliko ng sasakyan.


Ang trucking.


Huminto ang sasakyan dahil walang madaanan. Dalawang baka ba naman ang sa gitna. Bumaba si Mo. Nilapitan nila eto ni Fifi habang nakatutok ang baril na hinilam nila sa anak ng kapitbahay.


"Holdap eto!" sabi ni Uquito sa pinakamaton na boses.


Hindi naman nakagalaw sa takot si MO. Nagsenyas siya kay Arnold na buksan ang trucking sa likod.


At may pumutok na totoong baril mula sa loob ng trucking.


Mukhang naunang tumakbo ang kaluluwa ni Uquito. Sa loob ng trucking nandoon si Roland may hawak na totoong baril.


"Eh! Eh! Eh! Eh! Eh!" sigaw nilang mga bakla patakbo sa kakahuyan. Goodbye sixty thousand! 

The Fake CorpseWhere stories live. Discover now