CHAPTER 13

1.8K 59 1
                                    


Kakagaling ni Kyle sa General Santos kasama si Jaime at mga kaibigan nito nang pagbaba niya sa motor ng kasintahan ay nagbabala na agad ang kapatid niyang si Rino sa labas ng gate ng lola niya na papagalitan siya.


Nakaramdam naman siya ng kaba. Pagpasok niya sa loob ay sinabihan siya ng katulong na nandoon sa kusina ang nanay niya at lola nag-uusap. Pumunta siya doon at agad na siyang binungangaan ng Nanay Lourdes niya.


"Ano ba kayo ni Mary Jane? Nakakahiya kayong dalawa!" sabi ng ina. "Bakit kayo nagpanggap na patay doon sa Nueva Ecija? Nakakahiya sa pamilya ni Roland!"


"Nangloloko kayo ng kapwa niyo. Sa inyo kaya gawin ang ganyan para malaman niyo," ang malungkot na sabi ng lola niya bago nito ginalaw ang wheelchair pumunta sa kuwarto nito.


Hindi siya nagsalita. Paano kaya eto nalaman nila? Pumunta siya sa bahay nina Mary Jane. Ayaw siyang kausapin ng pinsan. Pinasabi nito sa katulong na kung hindi raw siya tanga ay baka hindi umabot sa ganito ang lahat.


Kay Janet naman niya nalaman na nakipagkalas si Roland kay Jane at balik eto sa Gemma's Inn.


"Buti nga!" sabi ni Janet.


"Ano ka ba? Hindi ka ba naaawa kay Ate Mary Jane," saway niya.


Nagbigay ng galit na tingin sa kanya si Janet. "Kay Roland hindi ka naaawa?"


Hindi siya sumagot.


"By the way, magdidespidida party si Roland this Friday. Ako ang magplaplano. Ikaw ang magluluto. Lipat nga ni Raul off niya para siya magdi-DJ. Hihilam ako ng bass para masaya. Invite mo mga friends mo. Dito lang naman kina Lola gaganapin."


Tahimik siya.


"Hoy, ikaw ang magluluto ha para mabanlawan ang mga kasalanan mo kay Roland!"


Tumango na lang siya para hindi kulitin ni Janet.


Pagdating ng huwebes ng umaga ay hiningi niya kay Janet ang budget sa pagkain. Hingiin raw kay Roland.


"Eh, hingiin mo doon! Nakakahiyang mangatok doon," sabi niya.


"Ang OA mo, Kyle ha!" sabi ni janet sabay bunot ng cellphone para itext si Roland. "Kunin mo raw doon ang pera."


Naiimbyerna ay pumunta siya sa Gemma's Inn at nangatok sa lalake. Masamang tingin ang binigay niya dito nang pinagbuksan.


"Mukhang hindi ka malulungkot na mawala ako," ang sabi ni Roland.


Hindi niya alam ang isasagot. "Ang pera?" tanong niya sabay bukas ng palad.


Binuksan naman ni Roland ang bag at nagbunot doon ng beinte mil. "Gusto ko iyong pansit bihon mo last time, tapos 'yong sinigang na hipon. At saka pwede bang magpaluto sa 'yo ng mga paborito ko, iyong morcon tapos 'yong kare-kare. Iyong sobrang lapot na kare-kare. At narinig ko rin na masarap ka raw gumawa ng cassava cake. Kung magkulang ang pera, sabihan mo lang ako.

The Fake CorpseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon