CHAPTER 9

1.8K 62 0
                                    

Walang naaalala si Kyle sa mga nangyari kagabi. Mero namang kaunti. Hinatid daw siya ni Roland.


"Grabe talaga ang yakap mo doon sa nobyo ni Mary Jane," sita ng nanay niya. "Wala ka talagang mapapala sa lasing-lasingan na 'yan. Nakakahiya ka!"


Hindi siya nakapagsalita. Yumakap ba talaga siya kay Roland. Nakakahiya nga.


May hangover siya kaya nagpabili siya ng kaldo at nagyeyelong Coke kay Rino, Rina pala dahil may kalandian ang kapatid. Nang mabusog ay muling natulog. Pagkagising ay naligo at dumiretso sa bahay ng lola niya at baka nandoon si Roland. Nandoon nga at nakikipagkuwentuhan sa bakla niyang kapatid. Lumapit siya sa lalake.


"Lasing daw ako kagabi! Hindi ko maalala!" At isang halakhak ang pinalabas niya. "Sinukahan ba kita?"


"Ano sa tingin mo?"


"Ala!" nahihiya niyang sabi. "Nakakahiya! Siguradong ang baho ng suka ko. Ewww!"


Ngiti ang tugon ni Roland, iyong nakakaibang ngiti.


"Sorry ha. Pagpasensiyahan mo na ang super daming kasalanang nagawa ko sa 'yo."


"Okay lang," sabi nito. Mukhang eto pa nga ang nakokonsensiya.


Napakunot naman siya ng noo dahil sa reaksiyon ng kausap bago tumalikod para makapunta ng kusina. Gutom siya at baka may mahanap siyang pagkain.


Kumakain siya ng pandesal at keso nang nagkagulo sa labas. Napasilip naman siya sa pintuan at nandoon si Janet. Napasigaw naman siya sa tuwa.


"Janet! Bakla! Bakit 'di mo sinabing uuwi ka?"


Tuwang-tuwa namang nakipagbeso-beso sa kanya ang ka-vibes na pinsan. Dalawang taon lang ang tanda nito sa kanya kaya nagkakaintindihan sila.


"Siyempre, surprise!," sagot nito. "Ang totoo kaka-resign ko lang. Naimbyerna kasi ako doon sa pinagtratrabahuhan ko."


Napatawa silang dalawa. Nursing nga ang tinapos ni Janet at dahil sa ang hirap ngayong makahanap ng trabahong nursing kaya parang sa kaluluwang ligaw etong nagpalipat-lipat ng trabaho.


Ginawan niya rin eto ng sandwich para may makain at pagkalabas niya ng kusina ay nakita niyang nakikipag-usap eto kay Roland.


"Oi, sabi ni Ate Mary Jane, huwag raw natin ipagkalat ang mga nangyari," sabi niya kay Janet. Kinuwentuhan niya kasi eto.


   Napatawa si Janet. "Next time Roland kapag may namatay kang girlfriend, kurutin mo ang pekpek niya. Kapag gumalaw, niloloko ka lang niyan."


Kapwa sila napatawa ni Roland.


"Ang bait nga ni Roland, eh," sabi niya sabay bigay ng masarap na ngiti sa lalake. "Kung ibang tao 'yon ay baka nasuntok na ako. Tingnan mo oh, limot na niya ang nangyari. Napahiya kaya 'yan sa mga kakilala."


Hindi sumagot si Janet. Nagbigay eto ng naglolokong ngiti sa kanilang dalawa. Maya-maya ay may sinambulat eto. "Mukhang bagay kayong dalawa!"


Pinandilatan niya ang pinsan. Wala eto sa lugar kung mag-joke. Marinig nga eto ni Mary Jane.


"Oiiii," kinurot ni Janet ang braso niya.


"Ano bah! Ang sakit eh!" isang kurot din ang binigay niya dito.. hanggang sa nagkurutan na sila at halakhakan.


"Wala nga ba talagang nangyari sa inyo nang dinala ka ni Roland sa Nueva Ecija?" kulit ni Janet.


"Excuse me ha! Virgin ako!" sabi niya sa pinsan. Sana mahalata na nitong pikon na siya.


"Oi, nagpaparinig kay Roland."


Hindi na niya makaya ang biro ni Janet kaya pumasok na lang siya sa kusina para kumain pa. Kahit noon pa man ay alaskador talaga ang isang eto.  



***********     **************


Napapatanong si Roland kung naalala pa kaya ni Kyle ang nagyari sa kanila kagabi. Parang hindi. Mabuti nga lang pala at pinili niyang tumigil dahil birhen pa pala si Kyle, kung nagkataon ay gigising lang pala ang babae na mabibigla dahil wala na ang pinakainiingatan.


Kinagabihan ay niyaya na naman siya ni Ramon na uminom uli sa plaza dahil bisperas ngayon kaya mas maraming tao. Sumama si Mary Jane, at nang nagkita-kita sila sa kalsada ay bitbit ni Ramon sina Kyle at Janet.


"Nandito ka pala?" ang hindi magandang tanong ni Mary Jane kay Janet.


"Sus, ikaw naman, Jane. Hindi mo ba narinig na pareho tayo ngayong walang trabaho?"


Isang masamang tingin ang naging sagot ni Jane sa pinsan.


"Baka magsabunutan na naman mamaya ha!" ang saway ni Ramon sa dalawa.


Sabay-sabay silang pumunta ng plaza at doon sa Biggie Bar sila umupo. Ngunit agad nagpasya si Mary Jane na lumipat ng bar para makalayo sa mga pinsan. Tinamad naman siyang sumama dito. Umupo sila sa bar sa kabilang dulo at doon nakipagtsismisan sa kababata nitong si Alot. Na-out of place naman siya kaya nag-excuse siya na lilibot muna. Bumalik siya sa Biggie Bar dahil maliban sa masayang kasama ang tatlo, maganda pa ang house music na nakatugtog dito. Marami na nga ang tao sa mesa ni Ramon dahil nagsidatingan na ang mga kabarkada nito. May nakaupo na sa tabi ni Kyle kaya kay Janet siya tumabi.


"As in binalikan mo talaga si Mary Jane?" tanong sa kanya ni Janet. "Grabe ha, martyrdom of St. Roland of Nueva Ecija. Kung ako ginago ng ganoon, achooo.. lumayas ka ang drama."


"Hindi kasi ako mapagtanim ng galit," sagot niya. "Masama kasi 'yan."


"Ngeee.." sagot ni Janet. "Nasa tabi mo na nga si Kyle sa Nueva Ecija, dapat niligawan mo na. Si Kyle naman talaga ang ligawin sa amin eh, si Jane lang talaga ang malandi."


Tiningnan niya si Kyle. Masaya etong nakipaghalakhakan sa kaibigan nI Ramon na tumitimbreng mangligaw dito.


"Ayan, ayan!" tukso ni Janet. "Kaya nga tinukso kita kanina kay Kyle dahil iba ka kung makatingin sa kanya. Crush mo siya ano?"


Hindi siya sumagot. Nalulula din siya sa nakakaibang bunganga ni Janet. Mabuti naman at nang naglaon ay iniba nito ang topiko. Tawanan sila nang kinuwento nito ang mga nakakaibang sinabi sa boss niya kaya palaging napapagalitan at nang sa huli ay pinatalsik. "Huwag mong sabihin sa iba ha na napatalsik ako ha. Sinabi ko lang na nag-resign para hindi naman masyadong bongga."


Napatawa siya sa gimik ng kausap.

The Fake CorpseWhere stories live. Discover now