CHAPTER 2

2.3K 57 4
                                    


Naloloka si Uquito sa nangyayari. Kung hindi lang nangangailangan ng malaking datung sa ngayon ang boyfriend niya ay hindi niya papatulan ang kaek-ekan ng flight attendant. Eto nga at tinawagan niya para magsumbong na dadalhin ng piloto ang bangkay ni Kyle sa Nueva Ecija. Hamakin niya dinagdagan ng flight attendant ang bayad niya kapag makidnap niya ang bangkay habang nagbabyahe eto papuntang Nueva Ecija.


Hindi nga niya maintindihan ang flight attendant. Naku, sobrang kaguwapo ang piloto. May plano nga siyang akitin eto dahil naniniwala siyang ang lalakeng malungkot ay madaling matukso. Napabungisngis siya mag-isa.


Pero sa ngayon ay kausapin niya muna ang bangkay. Pagbaba niya ng hagdan ay doon nakaupo ang piloto. Dinampi niya ang palad sa balikat nito para maaipakita ang pakikiramay.


"I hope you're okay, Mr. Zacariah," sabi niya. Sana mabasa ng lalake sa boses niya ang simpleng paglambing.


Tango ang sagot ng piloto.


Dumiretso naman siya sa morgue at saktong pagbukas niya ay nakita niya ang bangkay na masapalakang tumalon sa kabaong. Nabigla siguro dahil pumasok siya. Ang siste merong gulong ang kinalalagyan ng kabaong kaya napatakbo eto sa tindi ng pagtalon ni Kyle. Diretso eto sa isang kabaong kaya malaking lagabong ang umalingawngaw sa loob ng morgue.


Pumasok si Roland.


"Okay lang ba siya?" tanong ng piloto habang nakatingin sa bangkay ni Kyle.


Napatulos siya sa kinakatayuan! Mali ang pagkahiga ni Kyle. Nasa paanan ang ulo nito.


"Ay, Mr. Zacariah, sandali!" sabi niya sabay sarado ng kabaong.


"Awwwwk!!" iyak ng lalake. Naipit pala ang mga kamay.


Ano ba eto? Kinuha niya ang mga kamay ng piloto para tulungan sanang masahehin, ngunit binawi eto ni Roland.


"Ahhhh.. Mr. Zacariah, pakitawag naman sa receptionist please!"


Mabuti naman at lumabas sa morgue ang lalake. Binuksan niya ang kabaong.


"Day, baliktad ang pagkahiga mo!"


Napaupo si Kyle. "Oo nga noh!" At binaliktad nito ang sarili.


Dumating si Roland kasama si Malou.


Nag-excuse siya para matawagan si Mary Jane. "Madamme, may damage kang babayaran?"


"Bakit?"


"Magaslaw iyang Kyle mo. Nasagasaan niya ang isang kabaong. Thirty thousand iyon.


Napasinghap na lang ang sa kabilang linya. 



The Fake CorpseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon