CHAPTER 5

2.1K 59 8
                                    

Nang sumunod na araw, marami pang kakilala at kamag-anak ang dumating para makilamay. Sinabi niya sa mga eto na sa sabado na ang libing.


"Ang ganda naman ng bangkay,"puna ng kakilala nilang si Dinkie. "Parang sa buhay pa rin 'yong kutis. 'Yong sa patay 'di ba putlang-putla dahil wala ng dugo. Siya oh parang natutulog lang."


Napangiti siya sa narinig. Siguro may tao lang talagang lalong gumaganda kapag nakahimlay na.



****************** ********************


Ang saya ni Pong-pong. Dumating ang kaibigan niyang si Mikko na may dalang bote na may lamang scorpion.


"Palaro naman," sabi niya sa kakilala.


"Ayaw ko nga!" nilaro nito ang bote.


Lumapit si Pong-pong kay Tita Dinkie, ina ni Mikko.


"Si Mikko po suwapang sa scorpion," sumbong niya.


Tinawag ni Tita Dinkie si Mikko at pinilit na ipahilam ang bote kay Pong-pong.


"Pong-pong, huwag mong ipalabas ng bote ang scorpion ha at baka kagatin ka," sabi Tita Dinkie sabay abot sa kanya ng bote.


"Okay promise."


Pumunta siya sa hagdan at kinausap ang scorpion hanggang sa hindi talaga makatiis ay binuksan niya ang takip.


At mabilis na gumalaw ang scorpion. Dadakpin niya sana pero naalala niya ang sabi ni Tita Dinkie na nangangagat eto. Bumaba eto sa hita niya kaya agad siyang napatalon palayo. Gumapang eto sa hagdan at nawala.


Patay!


Kailangan niyang mahanap ang scorpion dahil siguradong papagalitan siya.



********************* **********************


Kating-kati na si Kyle. Kailangan na talaga niyang kamutin ang noo. Aruyyy! Ano ba etong napasukan niya? Asan na si Pong-pong? Mamamatay na siya sa gutom at uhaw.


Tinulungan siya nitong makapunta sa CR kagabi dahil taeng-tae na siya. Mabuti nga at walang nakakita. Ano na kaya ang ginagawa ni Mary Jane sa ngayon? Kailangan na nitong mairesolba ang sitwasyon.


At napatigil siya.


Parang may kung anong bagay na gumagapang sa kanyang binti. Gumagapang eto ng pataas.



****************      **************


Alas-siyete dumating si Uquito sa lamay, sakto sa rosaryo. Kasama niya ang dyowa para matingnan nila kung paano matakaw ang bangkay. Mahirap dahil sa loob eto ng bahay. Kung sa funeraria eto ay baka mabayaran pa ng flight attendant. Nakita niya si Roland.


"Oh, napadalaw ka?" sabi ng piloto sabay abot ng palad para mangamusta.


Itinaas naman niya ang dalawang kamay para eto yakapin. Alam mo naman na ang mga nagdadalamhati ay ngangailangan ng aruga.


"Eto nga bibisitahin ko si Kyle dahil kaibigan ko rin siya."


"Jane, hindi Kyle," pagwawasto ni Roland.


"Ayyy, Oo nga pala! Kyle kasi ang pangalan ng bagong-dating naming bangkay. Na-mash up sa utak ko." Napakagat siya ng labi. Muntik na.


Napatingin siya sa kabaong. Ayon si Kyle kitang-kita niyang napapangiwi na ewan. Lalapitan nga niya para pagsabihan. Matutuklasan etong buhay kung ngiwi ng ngiwi.



******************** **************


"Pong-pong, anong ginagalaw mo diyan? Baka magkabasagan ang mga China ng lola mo diyan!" tanong ni Marites sa anak na nagbubukas na aparador.


"May hinahanap ako," sabi ng bata habang iniiwan ang aparador. Lumipat eto sa kakahanap sa mga bulaklak sa harap ng kabaong.


Kinuha ni Marites ang suot na sandal para takutin ng palo ang anak. Sobrang gaslaw gayong ang daming bisita. Ngunit napatigil siya nang nakita ang bangkay na napapangiwi.


Nasamid siya sa gulat at takot. Gusto niya sanang mapasigaw nang napataas ang ulo ng bangkay. At isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong pamamahay.


"Ahhhhhhhhh!" Ang bangkay tumatalon-talon sa kabaong. "Ahhhhhh!"


Ewan niya kung paano. Iniwanan siya ng ulirat.



******************* *********************



Hindi alam ni Uquito kung mapasigaw o hindi sa bigla. Si Kyle nagtitinikling sa kabaong na parang nasapian ng kung anong maligno.


Nakita na lang niyang nagsigawan rin ang lahat. Ang mga malapit sa kabaong ay nagtakbuhan palayo.


"Amalanhig! Amalanhig!" sigaw ng isang matanda.


Nang nahimasmasan ay napaiyak siya. "Bruha kang babae ka! Kailangan ko talaga ang sixty-thousand!"


Ang sarap talagang sabunutan! Gustong-gusto niya talagang maglupasay sa sahig.

The Fake CorpseWhere stories live. Discover now