CHAPTER 14

2K 58 1
                                    

"Janet, halika nga dito," tawag ni Aling Lourdes sa dalaga.


"Ano po 'yon, nay?" tanong ni Janet habang tinuturo sa kaibigan niyang si Andoy na ilagay ang bass sa lilim ng mangga. Maglalagay nga rin sila ng Christmas lights.


"Tingin ko ikaw talaga ang bumubugaw kay Kyle sa Roland na 'yan ha?"


"Ikaw naman, nay. Anong masama doon eh nagmamahalan 'yong dalawang tao," sagot niya. Ang totoo niyan may plano silang dalawa ni Ramon mamaya. Gusto kasi nila kay Kyle si Roland at sisiguraduhin nilang mabibitbit ni Roland pabalik ng Nueva Ecija ang pinsan. May edad na rin si Kyle dahil pa-twenty-three na sa parating na July. Na-delay lang ng graduate dahil hindi agad nakakolehiyo pagkatapos ng high school.


"Malaman ko lang ha. Titirintasin ko kayong dalawa ni Kyle."


"Ano 'yan, Lourdes?" Ang mommy niya nasa likod pala nila.


"Pinagsasabihan ko ang anak mo dahil binubugaw si Kyle."


"Ay anong klase kang ina, inuuna mo pa ang kaligayahan ng ibang tao kaysa sa kaligayahan ng anak mo?" tanong ng Mommy Edith niya.


"Ano ang alam mo sa pagpapalaki ko sa mga anak ko?" balik na tanong ni Nanay Lourdes sa mommy niya.


Agad siyang lumakad palayo dahil siguradong mag-aaway ang mga eto. Bahala sila! Basta ang importante sa kanya, mairaos ang despidida party na masaya mamaya. Papasok siya sa bahay ng lola niya nang nakasalubong si Mary Jane. Masadlak ang mukha nito na parang iiyak. Nang nakita siya ay binigyan siya nito ng nakakamatay na tingin. Gusto nga niyang sapakin, ngunit pinipigilan niya lang ang sarili. Nakita niya eto isang umaga na lumalabas sa kuwarto ni Raul. Sinong lokohin nila na makikipag-usap lang eto doon sa lalake? Ang sabihin makati talaga si Mary Jane, bagay na bagay sila ni Raul. Pero in fairness sa lalake, makwela naman si Raul kasama. Hindi naman maangas, gipit lang talaga sa pera. Pero ang Mary Jane na eto, maluwag talaga ang turnilyo sa ulo.



***************** ***************



Nagmistulang totoong diskohan ang malapad na hardin sa harap ng bahay ng lola niya dahil sa mga nagliliparang disco lights. Ang mga bata ay nagsasayawan na sa saliw ng patugtog ni Raul. Suot ng puting maxi dress ay naging abala si Kyle sa kakaayos ng mesa na nilagay nila sa ilalim ng nirentahang tent. Doon niya nilagay ang kanilang mga niluto, at nagpabili pa ng litson si Roland. Buffet na lang silang lahat dahil sa dami nilang magpamilya.


"Oi, color coding," bulong ni Janet sa taenga niya habang tinuturo ng nguso si Roland na nakaputi ng polo at nakikipag-inuman kay Ramon at sa mga kaibigan nito sa isang mesa.Pagdating ng alas-siyete y medya ay pinagdasalan na ng kanyang lola ang pagkain at nagsikuhaan silang lahat. Hinatiran niya ng malamig na tubig si Roland.


"Ako, wala!" tanong ni Ramon.


"Kumuha ka doon. May paa ka 'di ba," sabi niya sa pinsan.

The Fake CorpseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon