CHAPTER 11

2K 59 0
                                    

Naglalaro ng mahjong kasama ng mga tita niya si Mary Jane nang tumunog ang cellphone niya. Si Raul nag-text. 'I'm coming.' Nagtaka siya. Coming saan?


Nag-excuse siya at tinawagan ang lalake. "Anong coming?"


"I'm coming," sagot sa kabilang linya. "Dito ako sa Gen. San. airport, pasakay ako ng van papunta diyan sa inyo. 'Di ba eto dati ang kinukulit mo sa akin? You won. I'm coming!"


May kung anong sumabog sa ulo niya. Hindi puwedeng magkitaan sina Raul at Roland dito. Sininghalan niya ang lalake. "Ano ba ang nangyari doon sa mestisa mo at bumabalik ka na naman sa akin? I'm getting married, Raul! Bumalik ka na sa Manila!"


"Oh, common!" sagot nito. "Papunta na ako diyan."


At namatay ang linya.


Nakaramdam siya ng matinding nerbiyos. Hinanap ng mata niya si Roland. Nandoon sa lilim ng mangga nakikipaglaro ng baraha kasama ng mga pinsan niya. Nag-excuse siya sa mga tita niya at dumiretso sa kabilang kubo para kausapin si Nanay Lourdes, may ipapasuyo kasi siya kay Kyle.


Kumatok siya sa bukas ng pinto bago pumasok. Doon ang tiyahen naglilinis ng bigas.


Hindi pa ng siya nakapagsalita ay napaiyak na siya.


"Anong problema, Jane?" tanong nito sa kanya sabay alalay para makaupo siya sa silya na nasa kanilang hapag-kainan.


"Ang laki kasi ng problema ko, nay."


"Ano ba 'yon? Ikuwento mo sa akin at baka makatulong ako."


Kinuwento niya dito ang tungkol sa dalawang kasintahan at ang ginawa nila ni Kyle na pagpanggap ng kamatayan niya.


"Pagkatapos ng mga nangyari nitong nagdaang araw, napag-isip-isip ko talaga na si Roland ang mahal ko. Si Raul, parang kasangkapan lang ang turing sa akin. Si Roland talaga ang totoong nagmamahal. Pagkatapos nang nagyari, ang dali niya akong napatawad."


"Ano naman ang matutulong ko sa 'yo?" Hinawakan ng tiyahen ang palad niya.


"Nay, pakiusapan mo naman si Kyle na kunin muna ang atensiyon ni Raul. Si Kyle nga ang palagi naming pinag-aawayan niyan dahil si Kyle naman talaga ang tipo niyan. Ako lang ang kamukha."


"Hindi ko alam ang sasabihin ko. Tawagin ko si Kyle para makausap natin." Lumabas ang matanda ng kubo at pagbalik ay kasama na nito ang anak.


"Parating si Raul," kuwento niya sa pinsan.


"Good news para magkaalaman na," antipatika nitong sagot.


Kaya nga umiiwas siya dito at kay Janet dahil ang sasama ng ugali. Mabait lang kapag may hihingiin na pera. Wala siyang mapapala kapag tarayan pa eto kaya nagmakaawa na siya. "Tulungan mo naman ako, Kyle. Iiwas mo dito si Raul. Kunin mo ang loob niya. Ikaw lang ang makakagawa no'n."

The Fake CorpseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon