Chapter 1:

11.2K 249 23
                                    

Lily Collins as Scarlett Haven Cordova

Credits to the owner of the picture

------------

Haven's POV:

*KRIIIIINNNNNGGGGGGGG!*

Isang malakas na tunog ng alarm clock ko ang nakapagising sa akin at dali dali na akong bumangon, para makapaghanda na at makalarga na. Hihi. Namiss ko siya.

"Para kang sinisilihan sa pwet alam mo ba yun?" pang aasar ni inner self, nang mapansing may pagkaaligaga ako pero hindi ko na lamang ito pinansin.

Eh, sa namiss ko siya eh.

"Bakit namiss ka ba?" Pangbabara pa nito.

Nakaisip na lamang ako sa sinabi nito, namiss niya nga kaya ako?

Napabuntong hininga na lamang ako sa aking naisip at pilit na ngumiti.

"Oo naman. Love ako non eh." Wala sa sariling sambit ko na animo'y pilit na kinukumbinsi ang epal na si inner self, or should I say, ang sarili ko.

"Yeah, I forgot, bestfriend ka nga pala." pang iinis pa nito kasabay ng pagbibigay diin sa salitang bestfriend.

Ugh, asar!

----------------

"Sina mommy?" tanong ko sa magaling kong kakambal na si Elijah na naabutan kong nakikipag LOP. Ano yun? Landian Over the Phone. Haha! Ang kakambal ko, na katulad ko ay sa Morrison University din nag aaral, magkaiba nga lang kami ng kursong kinukuha, akin ay Business Management, gaya ni mommy, so that one day I could help them sa business ng family namin, while Eli is taking up Information Technology. Nakakatuwa lang kasi lagi lang nandiyan sina mommy at mama para suportahan kami at the same time ay gabayan. We're both lucky. Pero yun nga,

Sino nanaman kaya ang nabola ng panget na to?

Sandali naman akong tiningnan nito bago muling ibinalik ang atensyon sa kausap sa phone.

Asar talaga to!

Napasimangot naman ako sa kasupladuhan ng feeling pogi kong kakambal.

Ah, ganyanan pala ah? Haha. Napangiti naman ako sa aking naisip na "brilliant idea".

I stepped closer to him, at mukhang hindi man lang ako napansin nito.

Good!

I stepped closer, and closer, and closer.

"Hi baby! You didn't even tell me nandito ka lang pala!" Sambit ko habang pilit na pinalandi ang boses ko at pinilit pigilan ang aking sarili na matawa sa mukha ng kakambal ko na ngayo'y nakatingin sa akin, na animo'y ipapakain ako sa tigre ng buhay. Haha!

Now I have his attention!

Lihim akong nagbunyi sa loob loob ko as I looked at him wearing a smirk at muntik pa akong humagalpak ng tawa, when I saw him panicked. Galit na ata yung kausap. Haha!

"Why did you do that?" Tanong nito pero kalmado lang, hindi naman ako matitiis niyan.

"Ayaw mo kasi ako pansinin" inis na sambit ko.

"Eh, kausap ko kasi si Danica."

Danica?

"Diba si Kylie, girlfriend mo?" Takang tanong ko rito.

"Hindi ko naging girlfriend yun, saka bakit ba pinapakialaman mo love life ko? Di ko naman pinapakialaman yung sayo." Sagot nito.

"Ayy, wala ka nga pala non." Dagdag pa nito, wearing a smirk on his lips.

"Ewan ko sayo, panget!" Inis na sagot ko dito na ikinatawa naman nito ng malakas at napailing iling.

"Pumunta ka na sa dining area, andun sina mommy at mama. Hinihintay ka." Sambit nito na tila tatawa tawa pa rin.

Asar!

Inis na nagtungo naman ako sa dining area, at doon ay agad na nawala ang inis ko as I watched my parents having their coffee together, at sabay pang nagtatawanan. After all those years, they are still in love with each other. Bakas pa din ang saya at pagmamahal sa mukha nilang dalawa.

Hay, Paano kaya nangyayari yun? Posible pala talaga yun?

At mula sa nakikita ko sa mga oras na ito ay sumagi sa isip ko si Allyson,

Oh shit! Si Allyson nga pala!

Sa isiping iyon ay agad akong lumapit sa parents ko.

"Good morning Mommy" I greet my Mommy Maggie as I gave a kiss on her cheek.

"Good morning, Mama" bati ko din kay Mommy Nikki.

"Aga mo ata para sa 10:30 mong klase, baby girl." Pagood morning ni mama sa akin, este pang aasar nito, as she checked the time on her wrist watch.

"Sabay ka na lang samin magbreakfast." Nakangiting anyaya naman sa akin ni Mommy pero kailangan ko na talagang mauna na. Gustuhin ko man na sabayan sila, but I can't stay a little bit longer kasi baka naghihintay na si ----

"Sa school na lang po mommy, ma. Kasi kailangan ko pa po magreview." Wala sa sariling sagot ko.

"Ooooh, sipag mag aral baby girl ah? Sa pag kakatanda ko, first day of school, right?" Mama said while smirking, habang si mommy ay matamang nakatingin sa akin.

Shocks! Oo nga pala!

Ugh!

"Huli!"pang aasar ni inner self kasabay ng isang malakas na tawa.

"Okay, Sige na, at baka ma late ka pa sa panliligaw mo, este sa pagpasok mo sa 10:30 mo pang klase." Sambit uli ni mama na nagpapula sa aking pisngi.

"Don't forget to have your breakfast, baby girl!" Pahabol na sigaw ni Mommy.

Napangiti na lamang ako sa isiping ang swerte ko sa parents ko. They always find time to spend para sa amin ni Eli. I can say na, ang cool nila lalo na si Mama, while si mommy is a strict one, pero hindi yung tipong na nakakasakal. But most of the time mas strict si Mama kaysa kay Mommy. Hehe!

----------

Tahimik akong naghihintay sa aking kotse para sa paglabas ng babaeng hindi ko nakita sa loob ng tatlong buwan, dahil sa Taiwan sila nagbakasyon ng pamilya niya. Hay, labis labis ang antok na nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Kasi naman eh, bakit ba 3 am na ko natulog.

"Yeah, tingnan mo talo mo pa zombie sa hitsura mo" sabat ni inner self dahilan para ako ay mapairap.

Isang malambot na bagay na marahang dumadampi sa aking pisngi ang nagpamulat sa aking mga mata mula sa ....pagkakatulog?

"Sorry natagalan ako." Narinig kong sambit ng anghel sa aking tabi.

"Huh? Ah, hindi naman ah? Kadadating ko lang." Sagot ko habang nakatitig sa mga mata ng babaeng katabi ko.

Wait, does it mean, nakita niya ko na natutulog? Damn, nakakahiya! Baka tumulo laway ko, bawas ganda points yun pag nagkataon. Ugh!

"Late ka na ba?" Tanong nito na nagpabalik sa akin sa katinuan.

Umiling lang ako as I gave her a reassuring smile.

"10:30 pa klase ko, love" sagot ng malandi kong utak.

-----------

A/N:

Hi guys, it's me. Salamat sa pagbabasa hehe. I hope you like it guys, please don't forget to vote and leave a comment hehe. The next chapter will be published kapag wala po ako masyadong ginagawa hehe. love you guyssss. Ciao! 😘

Let Me Love You, Allyson [GirlxGirl]Where stories live. Discover now