Chapter 38

3K 111 9
                                    

Allyson's POV:

Magmula ng natanggap ko ang text ni Ram, iniisip ko na kung sasama ba ako sa kanila. Niyaya rin kasi ako nito. Nahihiya akong tumanggi dahil bihira ko lang naman makasama ang mga iyon at napalapit na rin ang loob ko sa mga ito dahil kay Haven, at isa pa, aaminin ko gusto ko ring makita si Haven kahit hindi ko alam kung gusto ba akong makita nito.

5:20pm, oras nang tingnan ko ang suot kong relo kaya naman nilisan ko na ang office ko at nilock ang pinto para agad na magtungo sa kusina  upang hanapin ang manager ng cafe na ito.

"Mauuna na po muna ako at kayo na ho muna ang bahala rito. Just let me know kung sakali man hong magkaproblema." pagbibilin ko rito nang makaharap ko ito.

"Ma'am wag po kayong mag alala, basta po mag enjoy lang kayo dun, ako po ang bahala dito. Fighting!" pagpapalakas nito ng loob ko simula ng nabanggit ko rito ang tungkol sa text ni Ram. Napangiti naman ako sa paraan nito ng pagbibigay ng lakas ng loob sa akin na mukhang naiimpluwensyahan na ito ng pinapanood niyang kdrama ng kanyang anak na madalas ay naikkwento nito sa akin.

Mula sa narinig ay nginitian ko ito bago ako umalis ng Cafe at napagdesisyunang maggrab na lamang papunta doon dahil hindi talaga ako sanay magmaneho na sa tingin ko ay dapat ko ring matutunan.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang sasakyang hinihintay ko.

Tulala lamang sa labas ng bintana ay iniisip ko kung ano na lamang ba ang magiging reaksyon ko kung magkakaharap kami? Yayakapin ko ba ito?

Ngingiti ba ako? yayakapin ko ba ito?

"Kamusta ka na?"

"Balita ko there's something between you and Laica."

"I miss youuu." ilan lamang sa mga linyang pinpractice ko sa oras na makaharap ko ito ngunit napapabuntong hininga na lamang ako.

Hindi ko na namalayan kung ilang minuto pa ang nakalipas bago ko naramdamang huminto ang sinasakyan ko, senyales na nandito na ako, sa bar na pagmamay ari ni Tita Jazz na ipinakilala rin sa akin ni Haven.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob at nagtungo sa VIP room na sinabi ni Ram sa text.

"Akala namin hindi ka na darating e" bulalas ni Jace animo ay nagtatampo, nang makapasok ako sa loob ng silid.

Kompleto na sila nang aking pagmasdan, Si Ram ang nasa dulo na katabi ng isang poste, Si Jace naman ang katabi nito at katabi naman nito si Kyle at katabi nito si Eli at nasa dulo si ...Haven.

Napalunok na lamang ako nang umupo ako sa tabi nito at sinimulan na nila ang laro.

------

Hindi ko malaman kung nakailang shots na ba ako dahil kada iikot ang baso sa amin ay may nakaabang na  dare na aming bubunutin, at kung ito naman ay aming gagawin ay sshot ng dalawang beses, lima kung hindi. Kung truth naman ang aming pipiliin ay kailangang sagutin ang itatanong ng aming katabi at kung sasagutin naman ay isa lamang ang shot, lima naman kung hindi.

Nabalot ng tawanan dahil puno ng kalokohan ang larong ito. Napatingin naman ako sa babaeng katabi ko at napangiti sa isiping ngayon ko lamang narinig muli ang nakakabighaning tawa nito. Medyo namumula na rin ang tenga nito senyales na medyo napaparami na ito.

"Dare." saad ni Ram nang matapat sa kanya ang shot glass, agad nitong bumunot ng isang papel na nagkalat sa lamesa at binasa bago nagshot ng isa at ngumisi.

"Before we head home, look for someone outside this room and sleep with him/her. He/She must be straight." Binasa nito at saka nagyabang. Napailing na lamantg ako lalo na at ako na ang susunod.

"Truth" saad ko at si Ram ang magtatanong sa akin. Nakita ko pang bumulong si Jace rito.

"Wag yon. I have something in mind" sagot ni Ram habang nakatingin sa akin.

"Have you fall in love with someone you can't have?" tanong nito na nagpa "ow" sa mga kasama namin.

Tiningnan ko naman ang katabi ko na ngayon ay kausap si Eli, hindi ako pinapansin nito magmula ng dumating ako.

"Yes." sagot ko at nagshot ng isa at balak pa sana humirit ni Jace ng isa pang tanong ngunit sinamaan ko ito ng tingin.

"Kulang kasi tanong mo e!" baling nito kay Ram.

"Haven's turn" sabat ni Kyle kaya naman ipinasa ko kay Haven ang shot glass.

"Truth." narinig kong sambit nito at mabilis pa sa alas kwatrong nagtakbuhan ang mga ito palapit sa akin at nag uunahan sa pagbulong, nagdadalawang isip man ngunit gusto ko rin namang malaman.

I cleared my throat at lumingon ako rito na nakatingin na pala sa akin.

"Kayo na ba ni L-Laica?" tanong ko rito at narinig kong napasinghap ang mga kasama namin at may dalawang siraulong nagpipigil ng tawa.

Nakatingin lamang ito sa akin.

"Sabi nila." dagdag ko pa at tinuro ang dalawang tumatawa sa mga oras na ito.

"Yes." walang kagatol gatol na sagot nito at naramdaman ko ang mga luhang nagbabadyang bumagsak mula sa mga mata ko anumang oras.

Isang salita ngunit parang libo libong patalim ang sumaksak sa aking dibdib.

Sari saring mga reaksyon ang aking narinig mula sa mga kaibigan namin ngunit lahat sila ay masaya para rito.

Napalunok na lamang ako nang makita ko ang ngiti sa labi nito kaya naman mas pinili ko na lamang magbaba ng tingin at wag ipahalata rito. Ngunit agad ring nagpaalam na magpupunta muna ako sa restroom  dahil sa bigat na nararamdaman ko sa mga oras na to, na anumang oras ay para akong sasabog.

Bago ako lumabas ng silid na iyon ay nakita ko ang ngiti sa mga labi nito. Ang ngiting dati ay gusto kong nasasaksihan na ngayon ay nagpapabigat ng aking loob.

Gaya ng inaasahan ko ay hindi nga ito sumunod, na lalo lamang naging dahilan upang hindi ko na napigilan pang maglandas ang luha sa mga mata ko.

---------
A/N:

Hey guys, here's another update for all of you, at sana ay nagustuhan niyo. Thank you guys for reading, voting and for leaving a comment. Enjoy reading guys.

P.S

Hii loveeee, inunahan ko na ikaaaw bago ka magrequest. I'm sorry about last night.  I loveeee youuuu babyyy! Keep safe and enjoy reading mahaàl kooo.

Let Me Love You, Allyson [GirlxGirl]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora