Chapter 39

3K 128 10
                                    

Allyson's POV:

Nang makalabas ng silid na iyon ay hinayaan ko ng magkumawala ang mga luha sa aking mga mata na kahit anong pahid ko ay hindi maiwasang umagos.

I took a deep breath ng marating ko ang cr, agad akong nagtungoo sa loob ng cubicle at doon ay napasandal na lamang ako sa pinto at ibinuhos ang lahat ng bigat at sakit na nararamdaman ko sa mga oras na to.

Ang sakit maisip na yung taong mahal mo ay hindi na mapapasayo.
Agad kong pinunasan ang mga luha na bumabagsak sa aking pisngi at lumabas ng cubicle matapos huminga ng malalim.

Uuwi na ko! sigaw ng utak ko dahil hindi ko na kaya pang magtagal dahil kada nakikita ko lamang ito ay parang nadudurog yung puso ko, bagay na ngayon ko lamang naramdaman.

Agad akong nqgtungo sa silid na yun para kunin ang gamit ko at magpaalam, nang buksan ko ang pinto ay walang ni isang nakapansin sa akin.

Nakita ko si Ram na nakaupo sa pwestong inuupuan ko kanina, nagtatawanan ang mga ito, dahil ang siraulong Ram ay ginagaya ang galaw ko.

"Haven, answer it." pangungulit ni Kyle.

Naguguluhan man ay mas pinili ko na lamang hindi kumibo at titigan ang babaeng mahal ko.

"Sige na Haven, sagutin mo na, tagal na namin gustong marinig bagay na di mo inaamin amin e, wala naman si Allyson dito. Si Allybog lang." tumatawang dagdag ni Jace at tumingin kay Ram na nagpapanggap na ako.

"Oo, m-mahal ko si Allyson, noon pa." saad ni Haven bago nagshot ng isa at kitang kita ko mula sa kinatatayuan ko ang namumula nitong pisngi.

Buhat sa narinig ay naramdaman ko namang umiinit muli ang aking mga mata.

Tama ba ang narinig ko? Mahal din ako nito? tanong ng isip ko.

"Ally kanina ka pa dyan?" gulat na tanong ni Kyle.

Bunga ng pagkabigla ay hindi ako nakasagot agad at napatingin lamang sa kinauupuan ni Haven na nakatingin din pala sa akin.

Kinuha ko ang gamit ko at nagpaalam na, gaya ng gagawin ko dapat kanina.

Narinig oo ang pagtutol ng mga ito ngunit mabigat na talaga ang loob ko sa mga oras na ito. Punong puno ng katanungan ang isip ko. Hindi ko alam ano ba ang dapat kong maramdaman.

Dapat ba akong matuwa dahil mahal ako nito? Ngunit bakit sa mga oras na ito ay pagsisisi ang aking nararamdaman?

Pagsisisi dahil huli na ng malaman ko ito.

-------

Haven's POV:

Abot abot ang kaba na nararamdaman ko as I follow her.

"Ally, wait what you---"

"You've been my best friend for so long, How could you not tell me about this?" she asked as the tears streaming down her beautiful face.

"Kasi ayokong masira yung pagkakibigan natin, ayokong isang araw magbago ang lahat." Sagot ko kasabay ng pagtulo ng mga luha sa aking mga mata.

"I was so scared to tell you, dahil para saan pa? Para magbago ang lahat? That in just a glimpse, mawala ka sa buhay ko? when all I know is I am just your best friend, your best friend na lagi mong sinasandalan, kapag nasasaktan ka sa kanya. Nagpupunas ng mga lluha sa mga mata mo kapag umiiyak ka ng dahil sa kanya. Alam mo ba kung gaano kasakit yun? Isipin n asana ako na lang siya. n asana ko na lang, but what can I do? I am just your best friend, Allyson." I burst out as the tears continuously fall down to my cheeks.

"Pinili kong itago kasi ayokong mawala ka." Nanginginig at garalgal na sambit ko kasabay ng libo libong patalim na tumataga ngayon sa dibdib ko.

Nanatili itong tahimik lamang na umiiyak at hindi kumikibo. Sa mga oras na ito ay hindi ko na alam ang timatakbo sa kanyang isip, all I know is this pain I feel inside my chest that won't even stop.

"Kasi hindi ko yun makakaya." I said in a low voice kasabay ng mga luhang patuloy lamang sa pag agos sa aking mga mata, as I took a step forward ngunit nanatili itong nakayuko, obviously avoiding my gazes.

Damn! I can't stand seeing her like this!

"Haven, m-mahal din kita, noon pa man." mahinang saad nito at nag angat ng tingin sa akin. Nakita ko ang mga mata nitong hilam na hilam sa luha.

Nilapitan ko na ito as I wipe her tears away.

"Ako na lang, please." nanghihinang saad nito at hinigit ako ng yakap na nagpapikit sa akin ng mariin dahil hindi ko kayang nakikita itong nagkakaganto.

--------
A/N:

Hey guys, another update para sa inyo hehe while my girl is sleeping. Sana samahan niyo pa rin akong abangan yung mga susunod na mangyayari. Gusto ko magpasalamat sa inyo sa walang sawang paghihintay, pagvvote at pagccomment, pag sshare ng thoughts nyo sa akin. Naappreciate ko yun lahat guys. Sana nagustuhan niyo. Ciao!

P.S

Hiiii loveeee, waaait kitaaa magising. I loveeee youuuu, nag update lang ako, para kahit sa ganito man lang masurprise kita. Sleepwell babyyy. I miss youuuu.

Let Me Love You, Allyson [GirlxGirl]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon