Chapter 25:

3.5K 123 13
                                    

Flashback kung bakit naglasing si Haven sa Chapter 20

Allyson's POV:

"Pick it up..." bulong ko habang tintap ang mga daliri ko sa lamesa, naghihintay na sagutin nito ang tawag ko.

And for the nth time, hindi ito sumasagot.

"Allyson, kanina ka pa namin hinahanap. Pinapasundo ka ni Drake." bungad sa akin ni Chris nang makasalubong ko sila ni Brent, mga teammate at kaibigan ni Drake.

"Nasan ba sya?" tanong ko rito.

"Kinakausap lang ni coach sandali para sa game namin bukas."

Sa ilang buwan simula ng maging kami nito ay mga kaibigan nya ang sumusundo o naghahatid sa akin, hindi ko nga maalala na kung kailan nya ko huling sinundo. Nung una ay madalas naming pag awayan yun hanggang sa nakasanayan ko na lang. Nakakapagod na makipag away, wala namang nababago.

Kasalukuyang naglalakad kami patungong parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ni Brent nang may biglang umakbay sa akin at hinalikan ako sa labi, na aking ikinagulat kaya bahagya kong naitulak ito dahilan para tumigil sya at nang lingonin ko ang mga kasama namin ay nakangisi ang mga ito at natatawa tawa pa kaya binalot ako ng inis at inirapan ang mga ito at sinamaan ng tingin si Drake bago ako sumakay sa kotse ni Brent. Kami ang nasa back seat habang si Chris naman ang sa passenger seat at si Brent ang magmamaneho.

Pagtingin na lamang sa labas ang aking pinagkaabalahan dahil wala ako sa mood makipag usap sa mga ito.

Alam na alam naman ni Drake na hindi ako komportable sa mga ganong klase ng atensyon pero palagi nya paring ginagawa kahit minsan ay nagiging sanhi pa ito ng away.

"Bukas may game kami, manonood ka ah." wika ng katabi ko saka ako inakbayan at hinihila palapit sa kanya, sinusubukan kong pasimpleng alisin ang kamay nito ngunit mas hinihigpitan nya.

"Ano oras?" tanong ko rito ngunit nananatiling nasa labas pa rin ang tingin ko.

"3pm." he said at bahagyang pinisil ang balikat ko.

"May klase ako non, may quiz kami hindi ako pwede umabsent." agad na protesta ko dahil major subject ko yun.

"Mas uunahin mo pa talaga yan kesa sakin?" he said in disbelief at nakatingin sa labas.

"Major subject ko yun."

Rinig ko ang pagbuntong hininga nito.

"E ako? Ano mo ba ko? Boyfriend mo ko. Ano man lang yung suporta. Lahat ng girlfriend nila nandon for Pete's Sake!" at halos dumagundong ang boses nito sa loob ng sasakyan ngunit nananatiling tikom ang bibig ng dalawa naming kasama.

Kaya lang ba nya gusto na nandon ako para may ipapakita sya sa barkada nya? sa teammates nya?! sigaw ng isip ko nakapagpangilid ng luha sa aking mga mata.

"Ayoko na makipagtalo sayo." pinipigilan ang nagbabadyang luhang bumagsak sa mga mata ko na sambit ko rito.

"Brent ihinto mo bababa ako." baling ko kay Brent at napansin kong bahagyang lumingon ito kay

"Dyan ka naman magaling e, dinadaan mo ko sa paganyan ganyan mo. Gusto mo bumaba? FINE!" ramdam ko ang inis da bawat katagang binitawan nito na lalong nagiging hudyat para tumulo ang luha sa mga mata ko, dahilan para mapapikit ako ng mariin.

"Kung gusto nya bumaba, then be it." baling nito kay Brent at ramdam kong nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. Maya maya lamang ay inihinto na ni Brent ang sasakyan, hindi na ko nagdalawang isip na bumaba sa pag asang baka sakaling sumunod si Drake sa akin ngunit nabalot lang ako ng pagkadismaya dahil nang makababa ako ay agad na humarurot ang sasakyan paalis na lalo pang naging dahilan ng pagbagsak ng luha sa mga mata ko.

Lamig ng simoy ng hangin ang dumadampi sa balat ko sa mga oras na ito at takot dahil madilim na marahil kasi alas syete na ng gabi.

Yakap ang sariling umupo ako sa waiting shed na ang tanging hawak ko lang ay phone dahil sa labis na pagkagulo ng utak ko ay nalimutan ko ang bag ko sa sasakyan ni Brent.

Sunod-sunod na dinial ko ang number ni Drake ngunit di niya ito sinasagot hanggang sa pinatay nya na ang phone nya.

AAAARRGGH!

Tuloy tuloy ang agos ng luha sa mga mata ko, I quickly dialed Haven's number makalipas ang tatlong ring ay sinagot na nya ito.

"Princess?" bungad nito.

"I-I'm scared. P-Please pick me up." sisinghap singhap na saad ko.

"Nasan ka? Susunduin kita." saad nito sa kabilang linya at mababakas ang pag aalala nito.

Agad kong sinabi ang lokasyon kung nasaan ako at sinabi nyang hintayin ko lang sya at darating sya.

Yakap ang sarili kong nakatingin lang ako sa phone ko at tanging ilaw lang nito ang nagsisilbing ilaw ko at lumuluha ang matang pinagmamasdan ang wallpaper ko.

-----------

Hindi ko alam kung ilang minuto ang nakalipas nang may pumaradang sasakyan sa harap ko. At nagmamadaling bumaba ang sakay nito.

Lumuhod sya sa harap ko as she cupped my face, looking intently into my eyes habang pinapahid ang luha sa mga mata ko.

"Ihahatid na kita." saad nito bago hinubad ang jacket na suot nito at pinatong sa balikat ko habang nakaakbay sa akin at ipinilig ko ang ulo ko sa balikat nya habang naglalakad kami patungo sa kotse nya.

Pinagbuksan pa ako nito ng pinto at ngiti ang tinugon ko rito bago ako sumakay at nagmamadali na rin syang sumakay at pinaandar ang sasakyan.

Pinagmamasdan ko lamang ito habang nagmamaneho at napangiti.

"I am so blessed to have you." saad ng isip ko habang lumuluha at tuluyan ng nilamon ng antok.

-----

A/N:

Hey guys,

Bitin? hehe. sinipag ako mag update. Thank you guys for reading, voting and for leaving a comment. Sana nagustuhan nyo. Now you know guys kung bakit naglasing si Haven sa Chapter 20,.

P.S
Hi lovee, eto na yung request mo. Mahal na mahal kita. sana nagustuhan mo loveeee para sayo to. I loveeeee youuuu

Let Me Love You, Allyson [GirlxGirl]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang