Chapter 44

2.9K 107 16
                                    

Credits to the owner of the video

Haven's POV:

"I felt alive once again, naramdaman ko ulit yung tibok ng puso ko. Naramdaman ko pano maging masaya, naramdaman ko ulit yung sarap mabuhay na ang tagal kong hindi naramdaman. I can't thank you enough for coming into my life." sbe sincerely said at halatang pinipigilan nito ang mga luha na napupumilit kumawala ngunit hindi nawawala ang ngiti nitong nakaguhit pa rin sa kanyang mga labi.

"Thank youu sa kanina, alam ko namang nahihirapan ka na sa akin. Naappreciate ko lahat ng ginagawa mo lalo na sa pag aalaga at pagpapalakas ng loob ko." saad nito habang nakakatitig sa mga mata ko as she kissed the back of my hand.

"Girlfriend mo ko, natural lang na gawin ko lahat ng yun para sa girlfriend ko. I want to be in your ups and downs, babe. Sa tabi mo lang ako." I sincerely said na mas lalo namang nagpangiti rito ngunit bahagya ring napailing.

"Ang sabi ko sayo pasasayahin kita, iingatan at aalagaan. Ipaparamdam ko sayo na mahaal kitaaa, pero sa nangyayari ngayon .....I failed to do that, babe." nanghihinang saad nito at napapikit ng mariin.

"Hindi naman palaging masaya, may darating na mga pagsubok at gusto ko nasa tabi mo ako habang nilalampasan natin ang pagsubok na ito." paliwanag ko rito at bahagyang pinisil ang kamay nito.

Sandali itong hindi umimik at nakatingin lamang sa mga kamy naming magkahawak.

"I'll be going to States, babe." nahihirapang saad nito na labis kong ikinagulat.

Wait, what?

"...pumayag na ko sa gusto nina Dad, sasama na ko sa kanila. Hindi ko alam hanggang kailan ang laban na to. Hindi ko alam kung may patutunguhan ba, hindi ko alam kung malalampasan ko ba. Natatakot ako? Oo, but everytime I see you, smiling back at me. You ease away all my fears and worries, without you knowing it, babe." she said in tears.

Habang nakikinig ako rito ay hindi ko na namamalayan ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.

"You are the blessing I never thought I could have. I want to give you a lifetime full of love and happiness, I want to be your first and last girlfriend that years from now ....I'll be calling you my wife. I have plans for us." nakita ko ang pag agos ng luha sa kanyang mga mata and she gave me a weak smile.

"B-But what if hindi na ako mabigyan pa ng pagkakataong maibigay yun sayo, babe? Ayoko ng mahirapan ka pa, matupad ko man lang ang isang bagay na gusto ko, for you to be happy." nahihirapang saad nito at marahang hinahaplos ang kamay kong hawak niya.

"Masaya ako sayo, babe. Wag kang magsalita ng ganyan, please." sambit ko rito habang lumuluha na agad niya naman itong pinunasan.

"But we both know that you could be happier, babe." she said and gave me a smile.

"W-What do you mean?" I asked in confusion at nasisiguro kong sa mga oras na ito ay namumugto na ang mga mata ko.

She smiled at marahang pinupunasan ng thumb niya ang aking mga mata.

"I'm tired being selfish, babe. Ayokong hilingin sayo na sumama ka sa akin sa States, you have a life here. Nandito ang pamilya mo, mga kaibigan mo at ang taong m-mahal mo." she said and smile.

"Gusto ko maging masaya ka, even if it's not with me. You deserve to be happy." saad nito na lalo lamang nagpaluha sa akin at hindi ko na alam ano ang nararamdaman ko sa mga oras na to, ang alam ko lamang ay nasasaktan ako at nakikita ko si Laica na nagkakaganto, nasasaktan na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako.

"I know that kind of happiness hindi ko maibibigay sayo, hindi ako ang makakapagbigay sayo. Before I thought pag nagmahal ka ipaglaban mo, soon enough kapag nakita niya kung gaano mo siya kamahal mamahalin ka niya. And it was a selfish act for me na ipagpilitan ang sarili ko sayo kahit alam kong iba ang laman ng puso mo. I am sorry for complicating things, babe" she said in tears streaming down her face ngunit kahit ganon ay nakaguhit pa rin ang ngiti sa labi nito.

"Wag mo kong piliin kasi ayaw mo kong masaktan, wag mo kong piliin kasi kailangan kita, dahil umpisa palang ang gusto ko lang maging masaya ka." nahihirapang saad nito habang patuloy na pinupunasan ang luha sa mga mata ko, alam kong kasalanan ko kung bakit ito nasasaktan ngayon, hindi ko kayang makita itong lumuluha dahil napalapit na ito sa akin, hindi lang sa paraan na gusto nito.

--------

A/N:

Hey guyssss,

Wait lang ang sakit haha!, naiyak ako habang sinusulaaat tong part na to, sana kayo rin, hehe! Abangan natin sa mga susunod pang chapters ang mga mangyayari. Thank youuuuu guys for reading, voting and for leaving a comment.

To youuuu my loveeee,

Inunahaaan ko na ang request ng babyyy, sorry medyo late mahaaal hehe. Sana nagustuhan mo babyyy, since bitin sabi ng mahaaal ko kagabi, eto na yung kasunoood hehe. I loveeee youuuu!

Let Me Love You, Allyson [GirlxGirl]Where stories live. Discover now