Chapter 19:

4.3K 169 27
                                    

Haven's POV:

"Here. I think you might need it." Sambit ng pamilyar na boses kasabay ng pag abot sa akin nito ng panyo as I gave her a questioning look but she just smiled.

Sumunod pala.

"Para san yan?"

"Tulo kasi sipon mo, baka gusto mong punasan." She jokingly said, still wearing the smile on her face na nagpakunot na lamang ng aking noo.

"Tanggapin mo na lang." She seriously said the reason para lingonin ko ito.

I was about to respond but she came closer to me and before I can even say a word, I heard her say "ako na nga lang." And right after that, she leans in and gently wiped my tears, I never seen her this close to me, as I look in to her, I've seen how focused she is, sa ginagawa nya.

"Baka naman matunaw ako nyan." Pabirong saad nito, na naging hudyat para itulak ko ito mg bahagya pero isang halakhak naman ang aking narinig.

"Babe, wanna talk about it? Mabigat yan pag hindi nilalabas." She said as she looked into my eyes full of sincerity. Malayo sa mapaglarong ugali nito na pinapakita nya sa akin madalas.

"I know hindi ka okay, I could be your friend even just for tonight." She said as she gently held my chin, the reason for me to look straight through her eyes.

At mula sa narinig ay ramdam ko ang pamilyar na nagpupumilit bumagsak mula sa aking mga mata. Kaibigan? Myay best friend nga pala ko. Yung best friend ko na hindi ko alam kung paano sasabihin ang nararamdaman ko o kung masasabi ko pa nga ba. Para saan pa?

"Have you ever loved someone you couldn't have? Suntok sa buwan eh. Yung taong hanggang pangarap mo lang. You couldn't do anything about it. She's in love w-with someone else." Nanghihinang saad ko dahil parang nangangatog na ang mga tuhod ko habang ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay nag uunahan ng bumagsak sa aking mga mata as I tried to close it for a while ngunit ngiti ni Allyson ang aking nakita. Ang ngiti nya as she talks about him, that smile when she is with him, yung ngiti nya na hindi ako ang dahilan. Hindi na ako ang may gawa.

"Hey." Isang salita na pumukaw sa aking atensyon habang pilit kong pinupunasan ang mga luha sa aking mga mata na hindi maubos ubos. But before I could even react ay nahigit na ako nito ng yakap. Isang mahigpit na yakap.

"Believe me when I said I know the feeling, ilabas mo yan babe. I'm just here. Cry it all out. It will help you." She sincerely said as she keeps on rubbing my back habang yakap pa rin ako.

I'm such a cry baby for Pete's sake! Sa naisip ay lumayo ako rito bahagya at umupo sa hagdan malapit sa may front door nila. Ilang baitang lang naman ang hagdan. Tatlo sa pagkakaalam ko. Napansin kong umupo rin ito sa tabi ko.

"Bakit hindi ka nag confessed?" She asked.

"Duwag eh, scared of losing her I guess? Takot akong lumayo sya at mawala. Masayang yung lahat ng pinagsamahan namin. Hindi ko kayang itaya lahat yun eh." I said as I gave her a weak smile.

"But you wouldn't know, if you wouldn't try." She said.

"She's in love with someone else at straight pa." Napailing na lamang ako.

She was about to say something when my phone rang, at nang tingnan ko ito. Bahagya akong nadismaya nang makuhang si Eli yung tumatawag.

"Ill just take this call. Excuse me." Yun lang at naglakad ako palayo ng konti sa kinaroroonan nito before I answer Eli's call.

"Where are you?" Bungad nito.

"In my classmate's house, not yet finished discussing about our project." Saad ko.

"Allyson is here. Hinihintay ka. She's-----"

"Okay I'll be there in awhile." With that I ended the call and head back to the girl who is still there waiting for me.

"Thank you, but I need to go now." I said and she just gave me a smile.

Akmang tatalikod na sana ko when I felt her hand in mine, the reason for me to look at her.

"Sorry. Take care, babe." She said and I just gave her a nod.

--------

A/N:

Hey guys, thank you for waiting, reading, voting and leaving your comments. Highly appreciated. Love you guys, Ciao!

Let Me Love You, Allyson [GirlxGirl]Where stories live. Discover now