Chapter 24:

3.7K 121 8
                                    

Laica's POV:

"Babe, i told you kaya ko umuwi  pwede naman ako magpasundo sa driver." Pangungumbinsi ko sa babaeng nakaupo sa tabi ko na sa ikalimang pagkakataon ngunit matatalim na tingin lamang ang natatanggap ko mula rito.

Isn't she cute?

"Kami na ni Rollie maghahatid sayo. Don't you dare go anywhere else. Stay here. Balik kami agad after our class. Ipagpapaalam na din kita sa professor natin." Sunod sunod na sambit nito na nagpangiti sa akin. Mukhang wala na ko magagawa haha.

"You think i can go anywhere? Look, (sabay nguso sa hita ko na may bandage same as sa braso ko at nginisian ito)" she just shrugged her shoulder as a sign of response.

"Basta, stay here. magpahinga ka lang dyan." she glares at me nang mapansing hindi ako sumagot dahilan naman para mapangiti ako.

"Don't give me that smile asdjascfisfvvs" hindi ko masyado naintintindihan ang huling salitang binigkas nito ngunit napansin ko ang pagiging malikot ang mga matan nitong hindi makatingin sa akin ng derecho.

"Babe, if you will excuse us hihiramin ko lang to (sabay akbay sa kaibigan) at may klase pa DAW kami/tayo" sambit ni Rollie habang iiling iling sabay kindat sa akin.

Akmang tatayo na ito nang hawakan ko ang kanyang kamay dahilan para mapatingin ito sa akin na animo'y nagtatanong.

"I will not go anywhere else, I will wait for you. Dito lang ako." I sincerely said and before I let go of her hand marahan nyang pinisil ang kamay ko and gave me a beautiful smile.

Akmang pipihitin na nito ang pinto ng clinic nang may maalala ako.

"Diba P.E class tayo?" nakangising tanong ko rito na nagpapigil sa kanya at kitang kita ko ang pagpikit nito ng mariin at pagkagat ng lower lip nya.

Pag P.E class kasi at nataong may laro, hindi na kami nagkklase. Why? para raw suportahan ang players ng university.

Why so cutee?

From there i saw her glaring at me saka bumalik sa kinauupuan nya, sa tabi ko, kitang kita ko naman ang paggpipgil ni Rollie ng tawa na mas lalong naging dahilan upang mamula ang babaeng mahaal koo.

Nang masulyapan kong muli ang babae sa aking tabi ay napangiti ako dahil pulang pula pa rin ng pisngi nito at nakayuko na wari mo ay nakatitig lamang sa sahig na dala marahil ng pagkahiya.

hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at hinawakan ang kamay nito, at ilang sandali lamang ay tumingin ito sa akin, ngunit tumungo ulit ito animo'y iniiwasang magtagpo ang aming mga mata.

i held her chin, at dahil don ay napatingin itong muli sa aking mga mata, napansin ko ang paglilikot ng kanyang mga mata na animo ay ayaw nyang makita ko ang emosyong naroroon.

marahan kong iniipit sa likod ng tenga nya ang ilang hiblang tumatakip sa kanyang mukha. at inilagay ang mga kamay nito sa magkabilang pisngi ko.

"Babe, are you alright?" puno ng pag aalalang tanong ko rito ngunit mariing pagpikit lamang ng kanyang mga mata ang nakuha kong sagot mula rito.

"if this is about earlier it's al---" hindi ko na nagawang tapusin pa ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang paglapat ng katawan nito sa aking katawan at ang pagpulupot ng braso nito sa aking leeg habang nakasubsob sa balikat ko nag nagpaguhit ng malawak na ngiti sa labi ko at wala sa sariling hinigit ko ito palapit sa akin at mayakap ng mahigpit, putting my arms around her waist and kiss the top of her head habang nakasubsob sa balikat ko.

at makailang saglit lang ay naramdaman ko ang paghampas nito sa balikat ko dahilan para mapangiwi ako nang sya ay aking lingunin.

"napakarami mo talagang babae." sambit nito habang nakaturo sa mga pagkaing nasa side table na galing sa mga kapwa ko studyante na nagpapahatid ng pag aalala. hindi sa pagmamayabang pero madalas ako makatanggap ng ganyan, at ibinibigay ko na lamang sa driver ko para pasalubong nya sa kanyang mga anak.

"madami mang nagbigay sakin nyan, pero yung galing sayo lang ang tinanggap at kinain ko." sagot ko rito habang hinihimas himas ang balikat kong hinampas nya.

"lulusot ka pa, dami mong babae." nakangusong saad nito habang masama ang tingin sa mga pagkaing nasa side table.

napangiti na lamang ako sa inaasal nito.

"nagseselos kaya sya?" kung sakali man wala syang dapat ipagselos dahil sa kanilang lahat, sya lang ang gusto ko makasama, mayakap at mahalikan.

"Mahal na mahal kita, Haven" sigaw ng damdamin ko

---------

A/N:

Hey guys, sorry ngayon lang nakapag update pero sana nagustuhan nyo. Thank you for reading and waiting. keep safe guys.

P.S

Hi loveee, when you read this para sayo tong update, it's your request. Thank you for supporting me. I'm so blessed to have you in my life. Always take care of yourself babyy. Keep safe, See youuu soonest my love. Your boo boo loves you so muchhh 💕

Let Me Love You, Allyson [GirlxGirl]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon