Chapter 52:

3.9K 98 3
                                    

Haven's POV:

"That's it for now. Do you have anything to say, Mrs. Cordova?" sambit ko at ibinaling ang tingin sa aking katabi na napangiti na lamang habang iiling iling na lalong nagpangiti sa akin bago muling ibaling ang tingin sa aking mga kasama rito sa loob ng board room.


"Meeting adjourned!" I firmly said at agad namang nagsitayo ang mga ito at lumabas, naiwan kami ng babaeng mahal ko. She walked into my direction at isinandal ko ang aking likod sa pader as I pulled her gently palapit sa akin. Agad naman nitong iniyakap ang mga braso sa aking batok as she looked intently into my eyes.


I can't help but give a gentle kiss on her lips the reason for her to close her eyes. Ngunit imbis na palalimin yung halik ay agad na akong kumalas as I gave a kiss on her forehead na ikinangiti nito pagmulat ng kanyang mga mata.


"I'm so proud of you." I sincerely said nang maalala ang dahilan ng meeting naming kanina. It's been a year since the two of us got married but it still feels like yesterday.


"Bakit ako?" she asked.


"It was your idea baby, in just a few days bubuksan na yung bago nating branch sa Taguig."


"We're in this together." She sincerely said at hinila ako para sa isang mahigpit na yakap na akin namang ikinangiti.


Ilang sandali pa ang aming itinagal sa ganoong posisyon bago napagdesisyunang bisitahin ang main branch namin.


Kasalukuyan akong nakaupo sa favorite spot ko, ginugunita ang mga nangyari noon kung saan pilit naming iniisip kung kanino nga kaya marahil nanggagaling ang mga drinks na natatanggap ko noon.


Napalingon na lamang ako sa labas ng bintana at kitang kita ko ang mga taong marahil ay nagmamadaling umalis mula rito sa shop, dala ang mga orders nila. Just like in life, ang dami nating makikilala bago natin mahanap yung para sa atin, minsan nasa harap mo na, naduduwag ka lang. I do believe now, why do we need to meet certain people? Para hubugin tayo, to become a better person para handa tayo pag nakilala na natin o natagpuan na natin yung para sa atin.


Agad akong napabalik sa ulirat at napakunot ang noo nang may isang partikular na tao akong napansin sa di kalayuan at animo'y nagmamadali.


Hindi ako maaaring magkamali, sya yun!


Agad akong tumayo at sinubukang sundan ito.


"Laica!" Sambit ko sapat na upang marinig nya. Alam kong narinig nya dahil lumingon ito at huminto sa paglalakad.


"Haven." She said na akin namang ikinangiti. Masaya akong makitang eto sya ngayon sa harap ko.


"Kumusta ka na? gusto mo ba pumasok sa loob and have alittle talk?" yaya ko rito.


Ngumiti ito.


"In some other time, siguro. I'm sorry I have a meeting na kailangan habulin e. Good to see you again." She said bago humalik sa aking pisngi at umalis. Doon ko lamang napansing may babae pala syang kasama, or should I say nakasunod sa kanya.


Isang marahang kapit sa aking braso ang naramdaman ko na nagpalingon sa akin a nakita ko ang asawa kong nakangiti.


"I have something for you." She said na nagpakunot ng noo.


"I'm ready, ready na ko for the suggestion nina Mimi. I love you and all I want is to have a family with you." She sincerely said at nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Ganon din sa akin.


"May nakausap na akong doctor. I'm so much ready to have our little Haven and Allyson, my love." Saad nito bago ko siya hinila para sa isang mahigpit na yakap as I kissed the top of her head.


"Mahal na mahal kita." She sincerely said.


"I love you so much, with all my life." I sincerely said. Handang handa na ko harapin ang bagtong yugto ng buhay ko, kasama si Allyson. Ang babaeng mahal ko simula pa noon na wala akong ibang pinangarap kundi ang mahalin sya, na ngayon ay heto na at tintupad ko na for the rest of our lives.


This is me, Scarlette Haven Cordova and this is our story, we are now officially signing off.

Let Me Love You, Allyson [GirlxGirl]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon