Chapter 36

3.3K 110 11
                                    

Haven's POV:

Ilang araw rin magmula ng araw na sinagot ko si Laica at masasabi ko lamang ay wala akong pinagsisisihan. Walang araw na hindi nito ipinaramdam na mahal niya ko, kahit pang napapadalas ay absent ito dahil hindi pa raw nito kayang maglakad masyado pero kung napasok naman ay hindi ko maawat sa panonood nito ng volleyball kahit pa nahihirapan ito.

Tigas ulo, or maybe she just love volleyball so much pati na rin ang teammates niya.

"Balita ko hindi pala nakakapagtraining pa si Ally. Mas importante daw na magpahinga muna kasi ito lalo na at wala si Laica." panimula ni Rollie habang naririto kami sa canteen.

Muli ko nanamang naalala iyon. Ang araw na lubos akong nag alala kay Allyson.

* Flashback *

Nakita kong papalapit ang bola kay Allyson, ngunit mukhang hindi nito alam iyon dahil mukhang wala sa laro ang focus nito.

"Shit!" sigaw ko nang nakita ko ang pagtama ng bola sa ulo ni Allyson, sa hindi malamang dahilan ay awtomatikong napahakbang ang mga paa ko upang malapitan ito ngunit naramdaman ko ang palad na agad humawak sa braso ko, dahilan para lingonin ko ito at nagbaba ito ng tingin at nang ibalik ko ang tingin kay Allyson ay nakita kong si Vera ang lumapit dito.

Napalunok na lamang ako as I clenched my fist at hinahanap ng mata ko ang boyfriend nitong dapat ay naririto sa mga oras na ito, binalot lamang ako ng inis ng kahit anino nito ay hindi ko nakita.

Agad akong sumunod sa clinic at dali daling lumapit sa natutulog na si Allyson, dahan dahan akong umupo sa kama katabi nito. Wala pa rin itong malay.

Dahan dahan kong inipit sa likod ng tenga nito ang ilang hibla ng kanyang buhok na tumatabing sa kanyang mukha.

Ilang sandali kong tiningnan ang maamo nitong mukha habang natutulog, ang tagal kong hindi ito nakita ng ganito kalapit.

Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at hinalikan ito sa kanyang noo, kinuha ang pagkakataon habang wala pa ang teammates nito, kinakausap ng coach nila kaya naman kinuha ko ang pagkakataon na yon para sabihing ako na muna magbabantay dito.

"Please do take care of yourself, nag aalala ko sayo. I always care about you. I miss youuu and I'm sorry kung madalas wala ako sa tabi mo, pero sisiguraduhin ko na safe ka kahit wala ako sa tabi mo. Gagawa at gagawa ko mg paraan huwag mo lang maramdaman na nag iisa ka.  Sa mga oras na to, gusto ko munang piliin yung sarili ko, Ally at subukang s-sumaya at buksan ang puso ko para sa iba." I burst out habang kinakausap ang taong mahaal kong natutulog sa mga oras na ito habang pinapahid ang luhang unti unting bumabagsak mula sa mga mata ko.

Napahinga na lamang ako ng malalim sa isiping mukha akong tanga sa mga oras na ito

"Paano mo sya makakalimutan if you always make yourself convenient or available everytime she needs you?" saad ng pamilyar na tinig na hindi ko nililingon.

Sandaling namayani ang katahimikan.

"Hey, babe" tawag nito sa aking pansin as she cupped my face with her hands at bahagyang tumungo upang magpantay ang aming mukha dahil nakaupo ako at nakatayo siya.

"Tama na yan ha? Ayokong iiyak ka at alam ko rin naman na hindi mo gugustuhing maabutan ka nilang umiiyak." seryosong saad nito as she wipes my tears away using her thumb.

Hindi pa rin ako nakakasagot hanggang sa nagyaya na itong umuwi ngunit kakausapin raw muna niya ang coach nila habang ako naman ay nagpaalam na mag ccr.

Saktong papasok ako ng cr ng mkasalubong ko si Jace at ibinilin dito si Allyson dahil alam kong  kailangan nito ng aalalay sa kanya. Gusto ko makahinga ng maluwag kahit papaano dahil alam kong hindi ito pababayaan ni Jace.

Ilang minuto rin ang itinagal ko sa cr bago napagdesisyunang lumabas at naglakad patungo sa pinag iwanan ko kay Laica.

Napagpasyahan na naming umuwi na at ako na ang maghatid rito dahil hindi pa naman nito kayang magmaneho lalo pa sa kalagayan nito.

Habang naglalakad kami patungong parking lot ay ramdam kong sinusubukan nitong mapagaan ang kalooban ko sa pamamagitan ng pagmmake face nito habang naglalakad kami na nakakapagpangiti naman sa akin.

Ngunit maya maya lamang ay umaray ito dahilan para alalayan ko ito, ipinulupot ang braso ko sa bewang nito at ipinatong ang braso nito sa batok ko at hinawakan ang kamay nito bilang pag alalay.

Hindi pa man kami nakakalayo ay nakita ko si Allyson na naglalakad palapit sa amin at kasunod nito si Jace. Mukhang hindi ito nagpapaalalay sa bilis nitong maglakad dahilan para mag alala ako.

"What did I tell you?" narimig kong tanong ng babaeng inaalalayan ko sa mga oras na ito.

Kaya naman mabibigat ang mga hakbang papalayo rito at napahinga ng malalim kasabay ng pagpikit ng mariin ng aking mga mata ay hindi ko na pinagkaabalahang lingonin ito.

* End of Flashback *

Ilaw na nagmumula sa phone ko ang tumawag sa aking pansin.

"2 new text messages"

Babe
--- Dadaan ka ba dito sa bahay, babe? Magluluto ako. I miss youuu.

Ram
--- Sama ka samin sa Thursday night out natin ah? Not acepting no as an answer.

-------

A/N:

Hey guys,

Ako ulit, hehe. Here's another update. Hope you guys like it. Yung mga tanong guys na nabubuo sa isip niyo ay masasagot sa mga susunod chapters. Enjoy reading, everyone!

P.S

Hiiii mahaaal, this one is for youuuu, sana nagustuhaaan mo at sana rin humaba haba reply ng babyyy HAHAHA. I loveee youuuu! Enjoy readinggg mahaaal kooo.

Let Me Love You, Allyson [GirlxGirl]Where stories live. Discover now