Chapter 31

3.3K 123 7
                                    

Allyson's POV:

"Care to share what happened?" saad ni Rollie na hindi ko alam kung paano nalamang narito ako sa bench.

I looked at him na para bang nagpapasalamat ako at naririto siya.

*Flashback*

I looked straight into his eyes at huminga ng malalim.

"Drake, pagod na ko." nakatungong sambit ko.

Tumawa naman ito ng pagak at inakbayan ako.

"Ano gusto mo mangyari? Gusto mo ng makipaghiwalay ganon ba?" he said in disbelief.

Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin.

"Napapagod na ko, Drake. Sa tingin ko hindi mo nakikita o nararamdaman ginagawa ko para sayo. Alam mo ba, nagbaagsakan yung grades ko, madalas napapagalitan na ako ni coach, ilang beses ko sinusubukang magkwento sayo pero sa away napupunta." Hinawakan ko ang kamay nito habang nakatingin sa mga mata nito.

"Pwede pa namang maayos to, diba?" mahinang tanong nito at pinisil ng bahagya ang kamay ko.

Isang pilit na ngiti ang ibinigay ko rito bago huminga ng malalim.

"Akala ko noong una ay maayos pa, umasa akong maaayos pa pero umabot na ako sa puntong ayoko na. Minahal kita pero napagod ako, I'm sorry." saad ko rito at bahagyang pinisil ang kamay nito.

Nakita ko ang pagtungo nito at ang pag alis nito ng kamay niyang hawak ko.

"T-Tapusin na natin to, Drake." mahinang saad ko at mas piniling tumingin na lamang sa mga naglalaro, di maikakailang nasasaktan ako sa mga oras na ito dahil minahal ko siya ngunit, di ko na kaya.

Marahil hindi pa ako handa, ganon din siya, at hindi talaga kami ang para sa isa't isa.

He looked at me and gave me a weak smile bago ito tumango at nagtungo sa gitna upang maglaro na lamang.

3:48 pm, oras ng tingnan ko sa aking relo. Agad kong kinuha ang phone ko at sinubukang idial ang number ni Haven ngunit gaya ng inaasahan ko ay cannot be reached ito. Umalis na ako ng gym dahil alam kong hindi rin naman ako makakapag focus. Bumalik na lamang ako sa bench kung saan ako nakaupo kanina para magpahinga sandali dahil nanlalata ako.

Ilang araw na din mula ng huli kaming mag usap at matapos ang gabing iyon ay hindi pa kami nagkakausap. Mula sa isiping iyon ay mas lalo lamang nadagdagan ang kirot sa dibdib ko.

Ilang minuto lamang ay may naramdaman akong humahagod sa aking likod at umupo sa aking tabi.

"Pinapunta ako ni Haven dito para may makausap ka, dahil mukha raw wala ka sa sarili kanina nung nakita ka niya sa bench malapit sa building niyo, dito mismo." he said as he sat down beside me.

Bakit hindi niya ako nilapitan kung nandoon siya at anong ginagawa niya doon?

*End of Flashback*

"It's okay, you did the right thing. Kung hindi rin naman na nakakabuti sayo." saad nito matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari.

Hinigit naman ako nito para sa isang mahigpit na yakap.

"Nandito lang ako, Ally." sambit nito habang patuloy ito sa paghagod sa likod ko.

Maya maya lamang ay lumayo na ako at nagbaba ng tingin. Gulong gulo ang utak ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

"Umiiwas ba sakin si Haven, Rollie?" di ko na napigilan pang itanong rito.

"Bakit mo naman naisip yan?" balik tanong naman nito na naging dahilan lamang para tumulo ang luha sa mga mata ko sabay sunod sunod na iling.

Nakatingin sa malayo ay hindi ko napigilang mapapikit ng mariin.

"How I wish kaya kong sagutin mga katanungan mo, Ally." malungkot na sambit nito.

I gave him a weak smile, I feel so exhausted. Halo halo na ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, hinayaan ko na ang mga luhang gustong kumawala mula sa aking mga mata.

Panyo naman ang pumukaw sa aking atensyon na nagmumula sa katabi ko.

"Cheer up, Ally. Hindi ka matitiis non." pagpapagaan nito ng loob ko na naging dahilan para lingonin ko ito.

Sana nga, pero mukhang natututunan na niya kong tiisin, masaklap baka tuluyan akong mawalan ng puwang sa buhay nito.

Kirot sa dibdib ang isa sa nasisiguro kong nararamdaman ko sa mga oras na ito na nagpapapikit sa akin ng mariin.

"Rollie, una na ako. S-Sorry but I want to be alone right now, ayoko ring makakuha pa ng atensyon dito. Thank you for listening." saad ko ngunit akmang tatayo na ako ng maramdaman ko itong humawak sa braso ko.

"Hindi kita pipiliing sabihin yang nasa loob mo pero hayaan mo na lang akong samahan ka." sagot nito at binitawan ang braso ko.

"Sinabi din ba niya yan?" tanong ko rito at dahan dahan itong tumango ito.

"Pero kahit hindi niya sabihin, handa akong makinig sayo kasi kaibigan mo ako" he sincerely said na nagpangiti sa akin.

Kahit wala siya sa tabi ko, sinisiguro niyang hindi ko mararamdamang nag iisa ako, sa isiping ito ay hindi ko napigilang mapaluha na agad kong pinunasan ng aking palad.

------

A/N:

Hey guys,

Still up? here's an update, before i sleep. Request ng mahaal ko idnsls06. sana nagustuhan niyo guys. Thank you for voting, reading and for leaving a comment.

P.S

Hiii loveee, unaaa sa lahaaat para sayo to, kaya di kitaaa pinapasleeep munaaaa hehe, gusto ko ihabol yung request moooo. Mahaaal na mahaaal kitaaaa. Sleep ka na ha? I miss youuu babyy.

Let Me Love You, Allyson [GirlxGirl]Where stories live. Discover now