Chapter 28

3.3K 124 13
                                    

Haven's POV:

Kinakabahan man ay binuksan ko ang pinto, hawak ang boquet ng bulaklak sa isang kamay ko.

Paglapat ng paa ko ay siya namang narinig ko na para bang may tumutugtog ng piano na nagmumula sa taas.

If there were no words
No way to speak
I would still hear you
If there were no tears
No way to feel inside
I'd still feel for you

Lumingon lingon ako sa paligid at nakita ang mga nagkalat na petals at tuloy tuloy lamang ito sa pag ppiano.

And even if the sun refused to shine
Even if romance ran out of rhyme
You would still have my heart
Until the end of time
You're all I need, my love, my Valentine

All of my life
I have been waiting for
All you give to me
You've opened my eyes
And shown me how to love unselfishly

Hindi ko malaman kung ano itong nararamdaman ko sa mga oras na ito. Halo halong emosyon, hindi ko maintindihan at hindi ko alam ano ang nangyayari sa mga sandaling ito o ano ang posibleng mangyari.

Ilang sandali lamang ay nakita ko itong dahan dahang bumbaba ng hagdan, mukhang umookay na ang paa niya.

Akmang aakyat na sana ako upang tulungan itong bumaba ngunit ginawaran ako nito ng isanggg magandang ngiti.

"All my life, I never knew I will be this happy, this happiness na gusto ko iparamdam din sayo kung ano yung pinaparamdam mo sa akin, simula ng dumating ka sa buhay ko." She said with a wide smile and took one step palapit sa akin.

"Alam ko hindi pa ganon kalalim ang pinagsamahan natin, alam ko na marami pang pwedeng mangyari. At gusto ko, samahan ka sa lahat ng yun.  Through your ups and downs, I want to be there for you." Nandon pa din ang ngiti sa labi nya as she took another step forward.

"Gusto ko malaman mo na nandito ako para sayo, na hindi ako aalis. I never want to see you crying, hurt by the person who doesn't even realized how much you love her. Hindi ko akalain na magkakarooon ako ng gantong pagkakataon, babe. At sobrang thankful ako don." Nakita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata nito and still wearing a huge smile on her face habang patuloy na tumutulo yung luha sa kanyamg mata na lumapit sa akin.

We are now only a few inches apart, naramdaman ko ang malambot na palad nitong nasa aking mga pisngi while looking intently into my eyes.

"When I met you, I felt alive once again it's like ang sarap mabuhay. I love you, Haven." She sincerely said habang ang mga braso nya ay bumaba sa waist ko at hilahin palapit sa kanya, dahilan para mapakapit ako sa balikat nito.

Sa sandaling ito ay napakaseryoso nyang pagmasdan, parang ibang iba sa napakakulit at makalokohang si Laica.

Isa lang ang nasisiguro ko sa mga oras na ito, natatakot ako. Natatakot ako sa maaaring mangyari. Paano na lamang kung masaktan ko siya? Hindi kaya masyado pang maaga? Sigurado na ba ako? Mabait si Laica at ramdam kong mahal nya ako at ang kagustuhan nitong iparamdam iyon at sa mga araw na nasa tabi ko ito ay gumagaan ang pakiramdam ko. Nawawala ang problema ko.

"Babe, be my girlfriend." saad nito habang nangungusap ang mga matang nakatitig sa akin.

Napapikit ako ng mariin.

Maybe it is now time for me to choose to be happy, bigyan ng chance ang sarili ko maging masaya sa piling ng iba.

At nang magmulat ako ng mga mata ay isang ngiti ang itinugon ko rito bago hinigit ito para yakapin ng mahigpit. Naramdaman ko pang parang nanigas ito sa kanyang kinatatayuan at maya maya lamang ay ginantihan ako nito ng yakap na mahigpit.

"Is that a yes? Girlfriend na kita?" she asked na parang hindi makapaniwala. Kahit ako, hindi makapaniwala pero gusto kong subukan, subukang ibaling sa iba ang nararamdaman ko.

Sa taong alam kong hindi ako sasaktan.

"Yes, babe. Girlfriend mo na ako." nakangiting sagot ko rito na naging dahilan para magtatalon ito at sa gulat namin ay bumulagta siya sa sahig dahilan para tumama ang pwet nya dahil hindi pa naman ganon kaayos ang paa niya. Nagkatinginan kami at naging dahilan para matawa na lamang kami parehas.

"Sa tingin ko, hindi naman ako mahihirapang mahalin ka." sigaw ng isip ko habang nakatitig dito at tinutulungang umupo. Nakasandal lamang ito sa balikat ko at hindi mabura bura ang ngiti sa kanyang labi.

---------

A/N:

Hey guys,

Sakiiiit, haha! Update uliiiit dahil nagrequest ang babyyy kooo, she is sleeping right now and pagkagising niya this might be my little surprise since nakaquarantine pa din tayo. Stay safe everyone, kapit lang guys. thank youuu guys sa walang sawang pagbabasa, pagvote at pagccomment.

P.S

Hi loveeee,

Here it is, surprise kooo sayo kahit dito man lang masurprise kita kahit sa maliit na bagay na to. I miss youuu. Keep safe mahaaal kooo, See youuu soonessst babyyy. Mahaaal na mahaal kitaaa.

Let Me Love You, Allyson [GirlxGirl]Where stories live. Discover now