Chapter 35

3.4K 119 14
                                    

Allyson's POV:

"May iba ho siyang g-gusto." nanghihinang saad ko rito at muling sumulyap sa babaeng dahilan ng mga luha sa mga mata ko.

Sa mga nangyari sa akin recently, mga bagay na hindi ko masabi at maamin sa taong matagal ko ng gusto, sa taong matagal ko ng inaasam na mapasaakin ngunit malabo na.

* Flashback *

Tatlong araw na ang nakalipas magmula ng nangyari ang aksidenteng pagkakabagsak ni Laica ay hindi na nga ito nakaattend pa ng practice namin. Balita ko ay bibihira rin ito pumasok. Marahil iniinda pa rin nito ang sakit sa kanyang paa.

Mula ng hindi na ito nakalaro ay madalas pa ring hinahanap ng teammates ko ito dahil kung minsan ay nanonood ito ng practice namin bilang pagsuporta, hindi maikakailang marami ang humahanga rito at nagkakagusto  mapababae o lalaki. Marahil ay sa masayahing personality na taglay nito.

Bago ako magsimulang mag ensayo ay hinahanap ko ang babaeng matagal ng gustong masilayan ng aking mga mata,  babaeng huli kong nasilayan noong naabutan ko silang magkayakap sa clinic.

"Laica, akala namin nalimutan mo ng manood e." narinig kong saad ni Vera na hindi ko pinagkaabalahang lingonin.

"Niyaya ko rin kasi siya e." narinig kong sagot nito, buhat sa narinig ay naglakas loob akong lingonin ito.

Doon nagtama ang aming mga mata ngunit ito ang unang nag iwas ng tingin na lalo lamang nagpabigat ng aking loob.

Tawanan at hiyawan ang pumukaw sa aking atensyon, ngunit isang pamilyar na tawa ang nangibabaw para sa akin at wala sa sariling napatitig na lamang ako sa nagmamay ari ng tawang iyon.

Tawang kay tagal ko ring hindi narinig, tawang nagpapagaan ng lahat ng bigat sa loob ko. Ngunit ang mga tawang iyon ay hindi ko na madalas pang maririnig. Mula sa isiping iyon ay nagbaba ako ng tingin bago pumwesto sa gitna at tinawag lahat ng players upang magsimula na kaming mag ensayo.

Narinig ko ang angal ng iba ngunit kalaunan ay sumunod din naman. Lahat ng nararamdaman ko ay ibinuhos ko sa practice, umaasang maiibsan nito ang sakit na nararamdaman ko. Pinipilit alisin lahat ng bagay na gumugulo sa aking isipan ngunit sadyang hindi ko mabura sa isip ko ang mga ngiti nito kasama si Laica, mga tawa nitong si Laica ang dahilan, mga ngiti nitong para kay Laica at pinakamasakit ay heto ako nakatingin na lamang sa malayo, pinagmamasdan ang bestfriend kong mahulog sa iba.

Tama ng bola sa ulo ko ang nagpabalik sa aking ulirat. Narinig ko pa ang pagsinghap ng mga teammates ko. Hinihintay ko ang isang babaeng lumapit sa akin ngunit papalapit na Vera lamang ang aking nakita bago ako nawalan ng malay.

Nagising na lamang ako sa clinic at narito ang teammates ko ngunit wala si Haven dahil wala rin naman ai Laica.

Isa isang nagpaalam ang mga teammates ko at naiwan si Jace. Abala sa paglalagay ng cold compress sa ulo ko ay nakatulala lamang ako sa pinto, umaasang darating ito gaya ng dati ngunit napapikit na lamang ako at pinatong ang kanang braso ko sa aking mukha.

"Waiting for her?" tanong ng katabi ko na hindi ko na lamang nilingon.

"Sila na ba?" hindi ko na napigilang itanong writo na ikinatawa naman nito.

"Why don't you ask your bestfriend?" pang aasar pa nito bago pinagdiinan ang huling salitang binanggit nito.

Bestfriend, salitang nagpapikit sa akin ng mariin.

"I want to go home." saad ko rito bago ako bumangon, nahihilo pa kaya naman inalalayan ako ni Jace.

"Wala man siya dito, ibinilin ka nito sakin. Let me take you home" seryosong saad ni Jace bago ko inalalayan palabas ng clinic, ngunit ako na ang lumayo rito dahil kaya ko naman, naiinis ako bakit hindi siya ang nandito ngayon!

Naglalakad papuntang parking lot kasabay ang ibang studyante at si Jace na nasa likod ko ay nakasalubong ko ang babaeng kay lapad ng ngiti, ang babaeng kanina ko pa hinahanap na inaalalayan ang babaeng medyo hirap sa kanyang paglalakad, nakayakap ang nga braso nito sa bewang ng iba at nakaakbay naman ang huli sa batok nito at hawak ni Haven ang kamay ni Laica na nasa batok niya.

Nakadaan na ito sa harap ko ngunit naninigas na ang mga tuhod ko. Napako ang tingin sa dinaanan nila, umaasang lilingonin ako nito ngunit bigo ako.

"Let's go, Ally." saad ni Jace at siya na mismo ang umalalay sa akin patungong kotse nito.

Walang imik na sumakay na lamang ako, nakatingin sa labas ng bintana ng kotse nito. Alam kong naguguluhan si Jace sa inaasal ko ngunit malinaw sa akin na hindi naman nawala ang pagmamahal ko ..para sa bestfriend ko.

Ako dapat yun e! Sigaw ng isip ko.

* End of Flasback *

"Atleast, she's happy." bulong ko sa sarili ko at pinahid ang luhang naglandas sa mga mata ko.

"....Even if it means I can't have her." nanghihinang dagdag ko.

--------

A/N:

Hey guys,

I know right now some of you are confused but maliliwanagan din kayo sa mga susunod na chapters hehe, knowing me. I love surprises. Anyways, thank you guys sa pagbabasa, sa votes, and sharing your thoughts with me. Keep safe everyone!

P.S

Hiii loveeeee, agaaaain eto na ang request ng babyyy. Enjoy reading mahaaal kooo. I miss youuuu so much. Sana nagustuhan mooo, mahaaal na mahaaal kitaaa babyyyy konggg may pinag iipunaaan sa tipid ng replyyyy HAHAHA

Let Me Love You, Allyson [GirlxGirl]Where stories live. Discover now