Chapter 46

3.3K 113 10
                                    

Haven's POV:

Apat na araw na ang nakalipas magmula ng huli kong nasilayan si Laica. Minsan ay naiisip ko pa rin kung kamusta na nga kaya ang lagay nito.

Magmula ng nagkausap kami nito bago siya umalis at tapusin nito ang lahat ay hindi ko na ito muling nakausap pa, kahit pa si Allyson na natitiyak kong hindi alam ang nangyari.

"What's with the long face?" bungad sa akin ni Eli ng makita ako nitong tulala lamang sa aking pinanonood.

"I'm just worried about Laica. Nagguilty rin siguro ako sa nagawa ko. Like, do I really deserve to be happy?" malungkot na saad ko rito at ipinatong naman nito ang ulo ko sa kanyang balikat.

"You know what, pinalaya ka nung tao kasi mahal ka niya, she wants you to be happy kasama ng taong gusto mo." saad nito.

"Kaya siya ang naaasaktan ngayon, na dapat hindi. Umpisa palang naman pala may nararamdaman na kami para sa isa't isa. Bakit kailangan pang may mga masaktang tao?" saad ko at hindi ko namamalayang ang luhang bumabagsak sa mga mata ko.

"Para maging lesson sa inyong tatlo ang nangyari, lalo na sa inyo ni Allyson. Nagkamali man kayo, the important thing is natuto kayo. It doesn't mean parusahan niyo sarili niyo.", saad pa nito habang marahang tintap ang ulo ko.

"Don't be too hard on yourself." dagdag pa nito.

"Wow, saan mo kinuha yang mga yan? Love guru ka na ngayon?" Gulat na saad ko sa kapatid ko.

"Si Riley kasi mahilig manood ng kdrama, kaya nakakapanood din ako." sagot niyo sa mahinang tono na nakapagpatawa naman sa akin.

"Ikaw? Nanonood ng kdrama?" Tumatawang tanong ko rito.
Akmang sasagot pa lamang ako ngunit maya maya lamang ay nagring ang phone nito.

Agad nitong tiningnan kung sino ang tumatawag at base pa lamang sa ngiti nito ay alam ko na kung ay alam ko na kung sino ito.

Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan ang kakambal kong
ngiting ngiti sa mga oras na ito, naaalala ko ang sarili ko rito na nagguhit ng ngiti sa aking labi nang maalala ko a ng mga araw na kausap ko si Allyson, mga araw na maayos pa ang lahat.

Sino nga ba ang mag aakalang aabot kami sa ganito? tanong sa isipan ko na nag alis ng ngiti sa labi ko at nagbaba ng tingin nang may maalala.

* Flashback *

"Haven, m-mahal din kita, noon pa man." mahinang saad nito at nag angat ng tingin sa akin. Nakita ko ang mga mata nitong hilam na hilam sa luha.

"Ang tagal kong hinintay na marinig yan mula sayo. Do you know how much it hurts, seeing you with him? Do you know how much it kills me pag nakikita ko kung paano niya saktan ang babaeng mahal ko?! Do you know what is the worst thing is? Yung hindi ko masabi sa bestfriend ko na nasasaktan ako, nasasaktan ako makitang may kasama soyang iba, nasasaktan ako sa tuwing nakikitang sinasaktan ka lang niya." I burst out habang nqg uunahan sa pagbagsak ang mga luha sa aking mga mata.

"Hindi ko makwento sa bestfriend ko kung gaano kita kamahal, dahil natakot akong hindi tayo parehas ng nararamdaman. Natatakot akong mawala ka sa buhay ko." nanghihinang saad ko at nag iwas ng tingin.

"Hindi ko minahal si Drake. Binigyan ko lamang siya ng pagkakataon upang subukang ibaling sa kanya ang nararamdaman ko, dahil sa tuwing nakikita ko kayong magkasama ni Laica, I feel hopeless lalo na nang nakita kita sa clinic at y-yakap mo siya, para akong sinaksak ng libo libong kutsilyo ng ako mismo amg makakita na iba ang gusto mo at hindi ako." Hirap na saad nito na nagpalingon sa akin.

Nilapitan ko na ito as I wipe her tears away.

"Ako na lang, please." nanghihinang saad nito at hinigit ako ng yakap na nagpapikit sa akin ng mariin dahil hindi ko kayang nakikita itong nagkakaganto.

"I'm sorry, mahal kita pero a-ayokong saktan ang taong nandon para sa akin nung mga panahong u-umiiyak ako nang dahil sayo." sagot ko rito nang bahagya akong kumalas sa yakap nito at pinunasan ang mukha nitong hilam sa luha ngunit muli itong yumakap sa akin at sumubsob sa balikat ko, mula sa sinabi ko ay nararamdaman ko ang pag iling nito, senyales nang pagtutol niya ngunit wala nang lakas pa para magprotesta.

Ilang sandali kami nasa ganong posisyon ng naramdaman ko ang pagkalma nito, kakalas na sana ako ngunit mas hinihigpitan nito ang kanyang yakap sa akin, wari mo ay ibinubuhos ang lakas na natitira rito.

"D-Dito ka lang, k-kahit ngayong gabi lang." nanghihinang saad nito bago tuluyang mawalan ng malay or should I say lamunin ng antok.

Agad namang lumapit ang mga nakasilip sa kung saan at tinulungan akong isakay si Allyson sa kotse ko at pinauna na kaming umalis bago malungkot na ngumiti para sa akin.

* End of Flashback *

"Don't let another mistake happen twice, huwag mong sayangin yung ginawa ni Laica para lang sumaya ka." saad ni Eli habang papaakyat ito ng hagdan at mukhang may lakad nanaman.

--------

A/N:

Hey guyssss, here it is na hehe. While my girl is asleep. Sana nagustuhan niyo. Thank youuu for reading, voting and for leaving a comment. Happy 60k everyoneeee!

To youuu my lovee,

Rise and shine mahaaaal kooo! Here is youuur request. Sana nagustuhan moooo babyy, I loveeee youuuuu!

Let Me Love You, Allyson [GirlxGirl]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon