Chapter 26

3.4K 121 8
                                    

Continuation of Chapter 25

Allyson's POV:

Nagising ako na nandito na ako sa kama ko at mga ilang minuto lang ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si Haven.

Si Haven ang taong isang tawag ko lang ay darating na, kahit hindi ko sabihin nandyan sya, ang kasabay kong lumaki.

Paano na lang kung hindi siya ipinagkaloob sa akin?

"Gising ka na pala, ipinagluto kita ng makakain mo. Alam kong nagugutom ka na." sambit nito nang mahuli nya akong nakatingin sa kanya.

Napangiti ako sa sinabi niya. At nang makalapit ay inilapag nya sa bedside table yung tray na pinaglalagyan nya ng niluto nya.

"Kumain ka na?" tanong ko rito at iling lang ang sagot niya.

"Mind to tell me what happened? Ano ang ginagawa mo doon?" nag aalalang tanong nito na naging dahilan para magbaba ako ng tingin.

She held my chin, dahilan para magtama ang mga mata namin. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at hinigit siya para yakapin ng mahigpit.

"Thank you... for coming into my life." puno ng sinseridad na saad ko habang nakasubsob sa leeg nito at malayang umaagos ang luha sa mga mata ko.

Hindi ko ata kakayanin kapag ikaw ang nawala.

Naramdaman ko naman ang masuyong paghagod nito sa likod ko at mga halik sa noo ko bago marahan itong kumalas sa pagkakayakap ko.
She looked intently into my eyes and smile bago hinawakan ang dalawang kamay ko para halikan at masuyong ipatong sa balikat nito at ako na ang nagpulupot ng braso ko sa batok nya para mas higitin sya palapit sa akin.

She cupped my face gently at masuyong pinupunasan ang mga luhang umaagos sa mga mata ko na tila nag uunahan.

"Nandito lang ako, princess." puno ng sinseridad na bigkas nito at dahan dahang lumalapit ang mukha nito sa akin, hindi ko namamalayang napapapikit na ako.

Isang masuyong halik sa noo, sa ilong at sa magkabilang pisngi ko ang naramdaman ko na nagpamulat sa akin.

Isang nakangiting Haven ang nabungaran ko.

"Ayokong nakikita kang umiiyak at nasasaktan kasi nasasaktan ako para sayo, b-best friend mo ko e." saad nito na may bahid ng pag aalala sa boses nito.

"Normal lang naman sa isang relasyon ang ganito diba?" mahinang tanong ko rito ngunit sapat na para marinig nya.

"Ikaw lang ang makakasagot nyan." At naging malikot ang mga mata nito.

"Mahal ko si Drake." saad ko at nagbaba ng tingin nang naramdaman kong bahagyang lumayo ito.

"May isa lang akong hihilingin sayo." she said at ramdam kong nakatingin ito sa akin dahilan para mapatingin ako rito at magtama ang aming mga mata.
e

"What is it?" I asked full of curiosity.

Nakita ko kung paano ito mag iwas ng tingin at mas piliing magbaba ng tingin.

"Please be happy at huwag mong pabayaan ang sarili mo." She said while smiling at bahagyang nilingon  ako bago tuluyang tumayo akmang hahakbang na ito nang wala sa sariling hinawakan ko ang kamay nito para pigilan.

"Can you stay here for alittle while?" hindi ko napigilang saad.

Akmang sasagot na ito ng magring ang phone ko sa aking tabi at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Si Drake.

Nang mahawakan ko ang phone ko at nagdadalawnag isip kung sasagutin ko ang tawag nito dahil naiinis pa rin ako sa ginawa nito kanina. Tinapunan ko ng tingin ang pwesto kung saan nakatayo si Haven ay wala na ito, dahil nang aking lingonin ay isang papalayong Haven ang nakita ko. Nakalabas na ito ng kwarto.

Mas pinili ko na lang na sagutin ang tawag nito dahil ayoko ng mas lumaki pa ang away na to. Sa ilang buwan simula ng maging kami madalas ako ang mali kapag mag aaway kami at ang kalimitang dahilan ay basketball at hindi ko sya iniintindi DAW.

Napabuntong hininga ko bago ko sinagot yung tawag nito.

"Nandito ako kina Brent ngayon, may party kapatid nya yung sinabi ko sayo kahapon." bungad nito.

"Sunduin kita. Get ready. I'm on my way." saad nito na hindi man lang nagawang itanong kung nasan ako, ano man lang nangyari sakin o kung gusto ko bang sumama sa kanya.

Maaga pa ang pasok ko bukas at kagagaling ko lang ng training. Hays.

Pinili kong hindi na magpalit dahil wala na talaga akong lakas para magpalit, in fact 9:30 na ng gabi at inaantok na ako, pagod din naman ako.

---------

"Hindi ka pa din nakakabihis? Tumawag ako sayo ah." iritang bungad nito, yes tama kayo nag aaway nanaman kami at nandito sya ngayon sa kwarto ko, wala pa kasi ang parents ko. Usually naman kasi ako lang talaga mag isa.

"Pagod na ko, gusto ko magpahinga Drake. Maaga pa ang pasok ko bukas." mahinahong pagpapaliwanag ko rito.

"Lagi naman e! Kelan ka ba nagkaoras sakin?! puro ka excuses." yun lang at balibag na isinara nito ang pinto ng kwarto ko at naiwan akong umiiyak hanggang sa tuluyan na akong makatulog gawa ng pagod at antok.

*End of flashback*

---------

A/N:

Hey guys,

Sinipag talaga ko mag update hehe. Here's another one, karugtonggg ng kaninaaa. Thank youuu guys for reading, voting, for leaving a comment and most of all for appreciating this story. Inspired author nyo haha! Enjoy reading guys, Ciao!

P.S.

Hi loveee, this is for youuuu, di pa ikaaaw nagrerequest inunahan na kita hehe since sabi mo bitin. I loveeee youuu babyy.

Let Me Love You, Allyson [GirlxGirl]Where stories live. Discover now