Chapter 34

3.3K 123 11
                                    

Allyson's POV:

Araw ng linggo at napili kong ilaan na lamang ito sa shop gaya ng nakaugalian kong gawin. Halos parang routine ko na ito dahil ito lang naman ang ginagawa ko sa araw araw.

Sa di kalayuan ay nakita ko si Ram na nakaupo sa pang maramihang tao at tila may hinihintay.

Wait, kailan pa kaya dumating ang mga ito?

Nakaclose ko rin ito at ang kakambal niyang si Kyle nang dahil kay Haven, paramg nasama ako sa barkada nila. Nilapitan ko ito at umupo sa tapat nito.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito.

"Kamusta ka na?" nakangiting bati ko rito.

"Eto gwapo pa rin, we will be staying here for good." nakangiting anunsyo nito at nagpalinga linga sa paligid na animo ay may hinahanap.

"Where's Haven?" tanong nito nang hindi makita ang hinahanap. Kibit balikat lamang ang aking naisagot dito.

"Hindi mo kasama?" takang tanong pa nito na ikinailing ko naman.

"How did you know I'm here? madalas ka rin ba dito?" magkasunod na tanong nito.

"Nakita kita kaya nilapitan kita, madalas ako rito kasi -----"

w
"Ow shit! sayo tong cafe?" putol nito sa sasabihin ko na ikinakunot ng noo ko.

"Pano mo nalaman?" gulat kong tanong.

"Actually, nanghula lang ako nang marealize ko yung pangalan ng cafe." pang aasar nito at binigyang diin pa ang mga huling salita na binanggit nito na ikinapula naman ng aking pisngi dahilan para tumawa ito.

"Haven doesn't know about this. I want this to be a surprise for her kaso mukhang huli na ako ....talaga." nakatungong saad ko.

"So, tama ako ng hinala? You like her, don't you?" usisa nito na mas pinili ko na lamang hindi sagutin.

"Hey, Ally. Long time no see." bati ni Kyle at umupo sa tabi ng kakambal na mukhang galing comfort room.

"Nice seeing both of you, but I have to go. May mga aayusin pa ko. Order anything you want, my treat." mahabang litanya ko at hindi ko na hinintay pang sumagot ang mga ito at umalis na para magpunta sa office ko.

--------

Naging abala ako sa pagrereview ng benta namin for the past few months nang may marinig akong kumakatok sa pinto bago pumasok ito. Nilingon ko ito as I gave him a nod at alam ko na ang ibig sabihin nito at iniwan muna ang laptop ko at tumayo para sundan ito.

Pumasok ako sa loob ng kusina at abala sa pagpprepare ng bagay na nakaugalian kong gawin magmula ng unang araw niya rito.

"Ma'am, sure ako magugustuhan niya yan." saad ni Patrick, waiter na madalas kong pinapakisiyuan na mag abot kay Haven.

Nang matapos kng iprepare ito, at maitago ang note ay iniabot ko sa kanya ang tray at ibinilin na huwag ng sabihin kung kanino ito nanggaling. Kung noon ay binabalak kong surpresahin ito, ngayon ay wala ng point para gawin pa ito.

Napapikit ako ng mariin nang may maalala na pilit kong iwinawaksi.

Naglalakad papalayong si Patrick ang nakita ko nang mag angat ako ng tingin, naglalakad na ito patungo kay Haven para iabot ang chocolate cake at ang Cafe Latte na ako mismo ang nag prepare.

Mula sa kinatatayuan ay sinilip ko ang reaksyon ni Haven, at nakita ko ang gulat na agad na rumehistro sa kanyang magandang mukha. Hindi niya pa pinaalis si Patrick na marahil ay inuusisa nito gaya ng lagi nyang ginagawa.

Mula sa malayo ay nakatingin lamang ako rito gaya ng nakakaugalian ko ng gawin, ngunit agad ring napapangiti sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti nito. Ang ngiting matagal ko ng hindi nasisilayan. Mga ngiti nitong hinahanap hanap ko. Yung ngiti nitong nagpapagaan ng loob ko.

"Bakit hindi ka magtapat, hija?" tanong ni Mr. Cortez, at mula sa tanong na iyon ay bagsak ang mga balikat na napasandal na lamang ako sa pader.

"Sinubukan ko ho, kaso huli na." mahinang sagot ko rito ngunit sapat na upang marinig niya.

Muling nag init ang aking mga mata at anumang oras ay mararamdaman kong may luhang babagsak sa aking mga mata.

"May nobyo na ba ito?" usisa nito bago tinapik tapik ang balikat ko.

"May iba ho siyang g-gusto." nanghihinang saad ko rito at muling sumulyap sa babaeng dahilan ng mga luha sa mga mata ko.

"Atleast, she's happy." bulong ko sa sarili ko at pinahid ang luhang naglandas sa mga mata ko.

--------

A/N:

Hey guys,

Here's another update, request ng babyy kooo, haha! Enjoy reading everyone! Thank youuu for reading, voting and for leaving a comment.

P.S

Hiiii loveeeee, sino pikon kagabi? hehe, sabi sayo babawi ako iih, natapos ko na ang request mo hehe, enjoy reading babyyy. I loveeee youuuu!

Let Me Love You, Allyson [GirlxGirl]Where stories live. Discover now