Chapter 18:

4.3K 160 6
                                    

Haven's POV:

I hurriedly walked away paalis sa lugar na yun kasabay ng mga mabibigat na hakbang ng aking mga paa at luhang pinipigilan kong umagos sa aking mga mata dahil ayoko ng may makakita. Isang pala naman ang naramdaman kong kumapit sa braso ko, dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.

Damn it, gusto ko na umuwi!

"Babe." sambit ng pamilyar na boses habang pilit akong pinapapihit paharap sa kanya na agad namang nagpakunot ng noo ko.

"Not now." Two words but alam kong naramdaman nya yung lamig ng boses ko because I seriously wanna go home and I am not in the mood para makipagbiruan sa kanya.

"Gininaw naman ako don." Biro nito, the reason for me to glare at her.

"What are you even doing here? Diba may practice kayo?" Sambit ko rito matapos ang isang malalim na buntong hininga at akmang dederecho na sa paglalakad nang maramdaman kong hinila nito ang braso ko na hawak pa rin niya dahilan para hindi ako tumuloy sa paglalakad as she took the opportunity na humarang sa dadaanan ko sana.

"Ow-kay sorry, pinapatawa lang naman kita eh. Serious na ko. Wag ka na sumimangot." She pouts at parang hinihilot ang noo kong nakasimangot na syang iniiwas ko naman.

"Babe, when are we going to start with our 'final exam' sa advertising?" She said as she looks straight into my eyes.

Ayy, oo nga pala! Malapit na ba deadline non?

"Nakalimutan mo noh?" Pang aasar pa nito.

"It's alright babe, let's just start it now." Sambit pa nito nang walang makuhang sagot mula sa akin at walang pakundangang hinila na ako palabas ng university. Napailing na lamang ako.

------

Naiwan akong nakaupo mag isa dito sa may garden nila dahil lumayo sya sandali para sagutin ang kung sinumang tumawag sa kanya. Nang saglit itong lumingon sa akin ay halata sa mukha nito na hindi sila magkaintindihan ng kausap nya.

"Yes po, I am sorry about that. I'll be there tomorrow po." Yun lang ang tanging narinig ko dahil humina na ang boses nito at bilang saglit pa ay naglalakad na ito palapit sa akin.

"Sorry about that, babe." She said with a smile on her lips na ikinatango ko na lamang.

"What kind of theme do you like, babe? Ako kasi gusto ko Romance but Thrilling." Saad pa nito at pinagdiinan ang salitang "thrilling" as she gave me a wink.

Para namang tatablan ako non. Napairap na lamang ako sa aking isipan.

"May naiisip ka na bang story plot for our advertisement?" She asked nang hindi ko mam lang binigyang pansin yung pinagsasabi nya kanina.

Wait, story plot ng advertisement??

"That will be served as our final exam babe. It must be a video advertisement na paglalabanan ng isang section and when your advertisement have been chosen lalaban ka sa ibang mga section based sa course mo and kapag napili ulit yung advertisement mo, sa buong business courses na ang paglalabanan."

"Then? Why do we need to start this early kung final exam pa yan?" Di ko napigilan itanong rito.

"Babe, you really aren't listening, don't you?" Nakangising saad nito at bahagyang hiya naman ang aking naramdaman dahil totoo naman ang sinabi nya.

"Kasi po, prelim pa lang magsisimula na yung competition sa loob ng section natin, but story concept lang naman Ang paglalabanan. Ang walang maipresent, 5.0 syempre. If our story concept was chosen we have the chance para ayusin pa yun, iimprove pa or as is n sya at pagdating ng midterm ilalaban na sya sa iba't-ibang section sa course natin and it must be a video advertisement already. At ganon din kapag napili ulit hanggang sa mailaban na sa lahat ng business course at pambato na ng course natin yung mananalong advertisement babe." Nakangiting paliwanag nito sa akin.

Bakit parang hindi ako aware don?

"Babe, wag mo kasi ako masyadong iisipin, ayan tuloy di ka nakakapagfocus sa studies mo." Pang aasar nito.

"Pano yung mga magpoportray sa video? Dalawa lang tayo."

"Babe, story concept palang naman kasi ang paglalabanan eh. Kung sakaling mapili yung story concept natin, buong section natin ang katulong na natin para sa video advertisement. Ngayon may naiisip ka na?"

Iling lang ang naisagot ko rito.

Ang hirap pala.

"Okay lang yan babe, two weeks pa naman before the prelim exam pero dapat masimulan na natin yun, okay? Akala ko kasi may idea ka na eh."

"Sorry 'bout that, late na rin eh. Can I go home?" I asked.

"Yes babe, hatid na kita?" She asked as she smiles from ear to ear.

"Nah, I can go home by myself. Thanks." Yun lang at umalis na ko.

I was about to get inside my car nang mag vibrate ang phone ko at nang kunin ko ito ay apat na missed calls ni Allyson ang aking nakita at eto nga nagtext na.

"Hello, where are you? Galing ako sa inyo pero di ka pa daw umuuwi kasi may schoolwork ka na inaayos, ilang araw ng sumasama pakiramdam mo. Okay ka na ba? Nakauwi ka na?" Saad nito sa text na nagpapikit sa aking mga mata ng mariin. Magtataka pa sana ko dahil alalang alala ito eh wala naman akong sakit, ako pa nga itong nag aalala sa kanya pero agad ko ring naisip na baka yun yung dahilan na ginamit ni Rollie sa kanya.

------

A/N:

For those who are requesting for this kind of chapter. Here it is and thank you for reading and voting and leaving your comments.

Let Me Love You, Allyson [GirlxGirl]Where stories live. Discover now