7 ~ Love (SPG)

441K 10.6K 998
                                    




CHAPTER SEVEN

PALAHAW na iyak ni Blake ang nagpatigil sa kanya sa pag-iyak din. Her emotion was just too much that she could not handle it. Ang yakap ni Drake ang siyang nagpapakalma sa kanya.

"What did you do daddy!? Why my mommy is crying!" Blake cried hard as he wipe her tears using his small soft hands.

Alexza calm herself and tried to hold back her tears, but she could not. Patuloy ang pag-agos niyon sa pisngi niya habang patuloy din na pinapahid ni Blake.

"I'm okay baby, hush, hush..." humihikbi na alo niya sa bata. "M-masaya lang ako..."

"Then w-why were you c-crying if you're h-happy?" He sobs so loud, basag na ang boses at matindi na rin ang hikbi.

Nahihirapan na siyang makita ng gano'n si Blake kaya dinala niya na lang ito sa dibdib niya. Yinakap niya ito ng mahigpit para tumahan na. Nahawa na sa kanya ang bata. Napaka-iyakin niya talaga!

Sino ba kasi ang hindi maiiyak kung marinig niya ang boses na iyon ni Drake? He's begging for her to come back on his life! Siya ang may kasalanan dito, pero bakit parang ito pa ang mas nagmamakaawa na bumalik siya sa piling nito? She's really really unfair. She's so selfish!

"I'm sorry baby, mommy is just so happy that I can not hold back my tears and my emotions." She's kissing Blake's head.

Unti-unti ay kumakalma na rin ang bata, siya ay gano'n din. Si Drake ay tahimik lang na nakayakap sa kanilang dalawa. Kinukulong silang dalawa sa bisig nito.

"Blake, mommy's soon to leave." Drake said after a few minutes of being silent.

Kaagad na umiling-iling sa dibdib niya ang bata at mas lalong humigpit ang yakap sa kanya. Drake na Drake ang datingan, yayakapin siya ng mahigpit kapag ayaw siyang paalisin.

Hinaplos niya ang buhok ni Blake.

"Mommy needs to go to school for your classmates. Mommy needs to work." Pilit niyang pinapaintindi iyon dito.

"You do not need to work. Daddy is wealthy enough, he could provide everything you want mommy..."

Kanina pa tumatalon ang puso niya kapag tinatawag siyang mommy ni Blake. Sobrang sarap sa pakiramdam. Parang tunay. Parang siya talaga ang ina.

"Still, I need to go to school because your classmates are waiting for me."

"Then, I'll go to school too."

"Blake," It was Drake's warning tone. Napasulyap siya dito. Wala naman emosyon do'n.

"You can got to school tomorrow, baby. Just rest for today. Kakawala lang ng lagnat mo, dapat magpahinga ka muna."

"But I'm afraid that you won't visit me again. I don't like to miss you, mommy." Lalo itong sumiksik sa kanya.

Oh God, why this feels so good?

"Ahm, ganito na lang, I will visit you after school, okay ba sa'yo 'yon?"

"Promise me that you will,"

Bahagya niyang inilayo si Blake sa kanya upang magkita sila.

"I promise, I will visit you later today."

Blake lips form a smile and that made her contented. Ilang araw palang silang magkasama ay attached na attached na siya sa bata. Sa isang banda ay may takot na bumabangon sa dibdib niya. The feeling is too much. It's not normal.

Tinapos niya munang pakainin si Blake at si Drake bago niya tuluyang inayos ang sarili. Bumaba siya ng kama, habang ang dalawa ay pinapanood ang bawat galaw niya.

Territorial Men 2: Drake Villafuente (Published Under LIB BARE)Where stories live. Discover now