18 ~ Dreams

338K 10K 929
                                    



CHAPTER EIGHTEEN

SIMULA nang makarating ang Audi ni Dwaye malapit sa beach house ni Drake ay hindi na siya magkandamayaw sa kung ano ba ang dapat na maramdaman niya. She's so nervous and at the same excited! If it's because of the idea that she would see Blake or Drake any moment, she doesn't know.

Tinanaw ni Alexza mula sa tinted window sa backseat ang gate ng beach house. Her brother is now talking to Mang Rommy, the guard on duty for this morning.

She really wanted to step out from car and talk to Mang Rommy and maybe beg to make her brother go inside. She just stopping herself, she let Dwaye do the moves. They'd been waiting for how many minutes now and she's sure that Blake is inside the house since it's still to early to go to school.

She's playing with her fingers now on her lap and looking at it. She's silently praying to see the kid today, just to see him from where she is would be enough if Drake would not allow her to see his son.

Multi niyang ibinaling ang atensyon sa gate at halos mahilo sa biglang pagkabog ng dibdib niya nang masilayan si Drake na madilim ang gwapong mukha, kausap ang kapatid niya.

Drake looks in a bad mood early in the morning, his lips were in thin line and his thick eyebrows were furrowed while looking and listening to her brother. He's already wearing a white long sleeve polo and black slacks that fit enough to show his long muscular legs. She watch how his lips move when he talks but she could not understand whatever he said.

Then his eyes suddenly went on where she is sitting, Alexza shifted her sitting position uncomfortably. Ang takot at kaba ay binabagabag siya ng madidilim na matang iyon. Even the car window is fully tinted, pakiramdam niya nakikita pa rin siya ni Drake sa loob! Nininerbyos siya ng husto! Saglit lang nagtagal ang magagandang matang iyon pero grabe ang reaksyon ng katawan niya.

She's waiting and watching them when a cute little boy run towards the men and stop at the center.

"Oh God, my baby..."

Natutop niya ang bibig niya at maluha-luha nang nakatingin kay Blake na kinakausap na  ang dalawang lalaki. Blake is still wearing his cute pajama. Hindi ba ito papasok sa eskwelahan?

Ilan sandali pa ay nakita niya nang natatatalon si Blake kasama ang Kuya niya na naglalakad papunta sa sasakyan kung nasaan siya! Pumayag si Drake?!

Hindi na napigilan ni Alexza ang pagbagsak ng luha ng bumukas ang pinto at sinalubong kaagad siya ng yakap ni Blake.

"Mommy ko! Mommy ko!" He's calling her ang started crying on her neck.

Inayos niya ang pagkandong kay Blake at ginantihan ang mahigpit nitong yakap habang hinahalikan ang ulo nito. Damn it, she miss this kid so bad that it almost make her crazy!

"Hush, tahan na, I'm here na..."

"Miss miss kita... b-bakit ka umalis bigla..."

Humapdi ang dibdib niya at parang natutunaw ang nasa loob niyon. Blake voice is wondering and sad. Marahil ay lubos ang pagtataka kung bakit nga ba bigla siyang nawala.

"I'm sorry if I left you... mommy did not mean that. Ayaw kitang iwan, anak." Umiiyak na rin siya. "But daddy and I had a misunderstanding. I'm sorry kung pati ikaw nadadamay dahil sa amin."

"Why don't you talk about the misunderstanding? P-para po babalik ka na sa amin..." yumakap ng husto ang maliliit na braso nito sa leeg niya. "I miss you very much mommy...bumalik ka na po, please! Please!" He beg while crying.

Gustuhin niya man bumalik sa buhay ng mag-ama pero ang tanong ay kung papayag ba ulit si Drake? Pakiramdam niya ay hindi na.

Paano kung ngayon lang pumayag ang lalaki na makita niya si Blake? Tapos bukas at sa mga susunod na araw ay hindi na?

Territorial Men 2: Drake Villafuente (Published Under LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon